Friday, June 24, 2011

Epilogue


By 6 a.m., Philippine Standard Time, December 22, 2012, lumubog na ang Pilipinas. Walang natirang buhay. Lumubog na din ang ibang mga bansa. Yung iba naman, tinunaw ng lumabas na magma at lava mula sa mantle ng mundo. Sa lakas kasi ng pagsabog, nabutas ang mga ocean floor at ang crust at lumabas ito. May ilang lupa pa na natira sa mundo, pero wala nang natirang buhay. Karamihan ay nilamon ng tubig. Kahit mga eroplanong lumipad ay nagcrash. Walang survivors sa pagsabog. Nuclear explosion kasi kaya kahit mabuhay ka, eventually, mamamatay ka rin. Ito ang prediction na hindi napaghandaan dahil gawa din ng tao ang pagkawasak ng mundo.

As for Captain Nguso, he died. Pero ang wire ay nanatiling buhay. Nagbalik siya sa katauhan nya bilang Bruno matapos siyang madaganan ng truck at mamatay. Nalaglag mula sa kamay nya ang wire at probably ay nasa pinakailalim na ng ocean.


Meanwhile, sa planeta na pinanggalingan ng wire ni Captain Nguso, ang Mevearmajusaurneplu, nakita ni Haring Toyuge ang pagsabog. Siya ang pumatay nuon sa tatay ni Captain Nguso, si King Nebuchadnessaq. Nakuha nya ang kaharian. Kaso lang, may mga tao pa rin na di naniniwala sa kanyang kapangyarihan. Ang ilang anak ni King Nebuchadnessaq ay gusto siyang palayasin sa pwesto. Isang paraan lang para makuha nya ang loob ng mga tao at matakot sa kanyang kapangyarihan. Kelangan nya makuha ang wire.

isinulat ng EHS noong7:27 PM


Thursday, June 23, 2011

Readers,Mambabasa

Salamat sa pagtangkilik,kung tinangkilik niyo man,isa kayo sa mga masswerteng tao sa internet dahil natunghayan niyo seaon 4 ng Captain Nguso.Kung kami'y magbabalik man,sana ay nandyan pa rin kayo at kahit papano alam naming hindi lang kami ang bumabasa sa sarili naming gawa.

Hanggang sa Muli,

Ehekutibong Hukbong Sandatahan

isinulat ng EHS noong10:14 PM

Chapter LV: End of the World


CN: Wait lang.
(nagbulungan ang mga tao. Di makapaniwala.)
CN: WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!
(nabasag ang mga ilaw, ang mga salamin, namatay ang kuryente.)
Midas: What happened?
Charles: God.
CN: Pasensya folks. I have to go. May ipaghihiganti lang ako.
(lumipad papalayo si Captain Nguso)
Midas: Okay, party in the dark!
Charles: WAIT! Announcement! Ladies ang gentlemen, 1 a.m. na. It’s officially December 22, 2012!
(nagsaya ang mga tao. Hindi natapos ang mundo.)

(Meanwhile sa US Military, 1100 hours, December 21)
Pvt. Thomson: Our powers are off sir.
Lt. Jones: What the hell happened.
Pvt. Thomson: Now it’s back sir. But I think we got a problem.
Lt. Jones: What?
Pvt. Thomson: I accidentally pressed this DO NOT PRESS Button during the dark. What’s this sir?
Lt.  Jones; F*cking end of the world
(tumakbo ang tinyente pauwi. Napindot kasi ni Pvt. Thomson ang button na magaactivte sa 6 nuclear bomb na tinanim ng Amerika sa ilalim ng 6 kontinente. Ang isang bomba ay sobrang lakas na kayang palubugin ang isang kontinente o pasabugin ito. Ginawa ito ng Amerika para gamitin as defense nila at panakot. Wala silang tinanim na bomba sa Central America.)

(Sa North Korea, translated to English)
Lt. Chok Dae: We are having an earthquake!
Lt. Dong Tae: No! It’s an underground nuclear attack!
Lt. Chok Dae: Let’s get even! Launch all our nuclear bombs to USA.
Lt. Dong Tae: Allright!
(nilaunch nila ang 20 nuclear bombs nila papuntang US.)

(sa party nila Midas)
Midas: Okay may earthquake.
Charles: take cover!
(puntahan ang lahat sa ilalim ng mesa)

(Sa ere)
CN: Anong nangyayari? Bakit parang umuusok ang ground? Lindol? ITAY!
(bumalik sa party si Captain Nguso)

(Sa Malacanang, lumilindol din)
Lisa: Buti umamin na ako.
Eileen: ng ano?
Lisa: I killed Captain Nguso’s friend, yung voice instructor nya.
Devonito: Why did you do that?! Co-faculty mo siya di ba?
Lisa: May nalaman yung voice culture instructor nya about sa AMF Scouts. Hindi iyon pwede magleak. Kaya pinatay ko siya. Then di nagtagal, dumating si Captain Nguso dun sa crime scene. Nagtaka ako bakit siya nagwala. Then naisip ko, si Captain Nguso ay estudyante ng voice culture instructor.
(nalaglag ang tipak ng bato at namatay si Devonito)
Lisa: Save me o God! Save me Lord. I am your ser-
(tumaob ang knife holder at sumaksak ang 21 knives sa kanya.)
Eileen: OH MY GOD!!!

(Sa party nila Midas, lumilindol din at may mga namatay na.)
Charles: Eventually, mamatay din tayo lahat dito.
CN: NO! Not my dad!
(bumaba si Captain Nguso at kinuha ang ama nya. Sinave din nya si Christine)
CN: If ever, we are the ones left, we need to pro-create.
Christine: Ayoko!!
CN: KAILANGAN. Palipad na si Captain Nguso ng tamaan siya ng malaking truck. Nabitawan nya sila Mr. Andres at Christine.
Midas: BRUNO!
Gee: No time, I’ll pray. Lord, patawarin mo kami sa aming pagkakasala habang naninirahan kami sa mundong ito. Alam ko marami kaming pagkukulang at pagkakamali din ng mga tao ang dahilan bakit nagkaganito. Pero sana, patuluyin mo kami sa iyong kaharian sa oras ng aming kamatayan-
(hindi natapos ni Gee, nadaganan siya ng chandelier.)
Midas: Itutuloy ko. Lord, we believe in you. We do. We face death with courage and pride knowing na nagawa namin ang mga will mo dito sa mundo.
Vincent: Amen.
Midas: Guys, hindi kami magpinsan ni Christine. Close lang talaga magulang namin.
Charles: Ang galing. Ngayon pa tayo nagka-aminan.
Vincent: Pre, thanks for being a friend.
Charles: Salamat din sa-

isinulat ng EHS noong7:47 PM


Wednesday, June 22, 2011

Chapter LIV: 2012 Scare


(Dahil sa sobrang censored ng mga naganap, fast forward tayo ng almost 1 year. Ano nga bang nangyari sa loob ng 1 year? Wala namang significant. Si Pres. Merselisa Flores pa rin ang presidente. Siyempre may mga rallyista pa rin at ganun pa rin naman ang ekonomiya ng Pilipinas. Napaunlad nga lang yung education system ng bansa na nagkaroon ng 6 years ng high school. Ang schools katulad ng Ernst and Knowles ay nagoffer ng Junior High at Senior High. Tig-3 years yun. Si Dr. Victor Navy pa rin ang president ng Ernst and Knowles pero since naging presidente si Lisa, di na siya nagturo. Pinalitan na din si Mrs. Pisikos ng isang professor na doctor na ang pangalan ay Dr. Ben. Si Lisa naman ay napalitan ng isang stage actress ng CCP na si Gina Len. Well siyempre, wala na ang Grassa-Wrap at Siomai Cock dahil lugi na. Rampant na din ang kabaklaan at katibuan sa Pilipinas dahil sa mga pinagtatatag na samahan ni Maestro Devonito. Pero wala pa din namang same sex marriage dahil sa pagtutol ng mga pari. Bumalik na din ng Pilipinas si Midas, si Christine at ang pamilya ni Vincent. Nag-aral uli sila sa Ernst and Knowles. Si Charles naman, bumalik din at nagpatuloy uli sa Friar University. Nawalan sila ng balita kay Gee. Pero si Gee ay nasa COCK pa din at tuloy lang sa pambababae. Di na siya masyado nagpaparamdam. Wala pa din nakakaalam ng nakaraan ng AMF Scouts. Wala din kasing naniniwala na kay Captain Nguso kahit napakarami nyang sinave na tao. Si Eileen ay naging adviser na din ni Lisa. Umalis naman ng Sierra Madre si Ka Oliver at Juicy at pumunta ng Maynila para magpakasal. Pero di sila tinatanggap dahil wala silang pambayad. Si Bruno naman, kumakanta kanta na lang sa kung saan saan, kung minsan sa kalye para may libangan siya.)

(December 20, 2012. Takot lahat ng tao dahil matatapos na daw kinabukasan ang mundo. May mga nagdasal na, nagsisi, namili, nagpakasaya, nagparty at kung ano ano pa. Meron din namang mga skeptical about sa katapusan ng mundo.)

(Sa Malacanang)
Lisa: Ano, matatapos ba yung mundo bukas?
Eileen: Wala naman akong nakikita. Wala yan.
Lisa: Takot lang talaga lahat ng tao eh.

(Sa bahay nila Midas)
Midas: Pare, punta uli kayo bukas, magpapa Christmas party kami dito.
Vincent: Ayos. Party like it’s 2012.
Bruno; 2012 na nga.
Midas: Tapos ikaw kakanta Bruno.
Charles: Oo nga!
Bruno: K.
Vincent: Parang wala ka sa mood pre ah.
Bruno: Kasi, kailangan ko na dapat maghanda ngayon eh. Kailangan ko na puntahan yung taong mahal ko na for 1 year, di ko pa nakikita. Puro text lang. Paano kung matapos ang mundo bukas?
Midas: Ang morbid mo kasi. Iniisip mo na yung katapusan ng mundo.
Bruno: Paano nga pre?
Charles: O di, done.
Vincent: Di yan! Ano ba kayo, yung mga sinabi sa 2012 prophecy, hindi magaganap. Yung pagikot nung mundo, yung great flood, yung super nova nung sun, yung pagtigil ng ikot ng mundo, wala.

(December 21, 2012, pagkagising pa lang mga tao, kabado na ang iba. Umabot ng hapon, wala pa ding nangyayari. Pero di pa rin kampante ang mga tao. Nagdadasal si Lisa at nagoorasyon si Eileen. 9 p.m. party sa bahay nila Midas. Andaming sikat na tao na invited. Dumating si Gee)

Midas: Nagpakita din!
Gee: Siyempre naman, natanggap ko text nyo eh. O ano wala bang babae?
Charles: After party fun yun. Andito pa mga magulang ni Midas oh.
Vincent: Problemado si Bruno ah.
(nilapitan nila si Bruno)
Midas: Pare, kaya mo pa ba talaga kumanta o wag na? Parang matatapos na mundo mo ngayon ah.
Bruno: I’m worried.
Midas: Ano ka ba. Andito tatay at nanay mo sa party. Andito mga pamilya natin. Kung matapos na ang mundo, at least magkakasama tayo ng mahal natin sa buhay.
(meanwhile sa likod nila)
MC: At eto na. International superstar to dati. Pero pinagpalit ang kasikatan para sa Pilipinas. Please all welcome, Bruno Earth!
Midas: Bruno kakanta ka na.
Bruno: Wait lang.
MC: Sandali lang daw.
(umalis si Bruno. Maya maya dumating si Captain Nguso.)
MC: OH MY GOD! LADIES AND GENTLEMAN, SI CAPTAIN NGUSO! SURPRISE GUEST NATIN!!
(walang pumalakpak)
CN: Guys, nafifeel ko matatapos na ang mundo. Kahit walang magsabi. Kaya aamin na ako. Ako si Bruno Earth. Bruno Mike, Bruno Andres, Bruno, ako yun. Hindi ako makakapagtransform sa harap nyo dahil di mangyayari yun. I returned to this country for a mission. Pero as I can see, wala nang nangangailangan kay Captain Nguso. Ayaw nyo maniwala na hindi mabuting tao si Pres. Merselisa.
(biglang nag-alarm ang alarm sa CN Lab. Lumabas ito sa CNTouch ni Captain Nguso. May message ito.)

isinulat ng EHS noong7:36 PM


Tuesday, June 21, 2011

Chapter LIII: Christmas, 2011


(Well, si Lisa na ang naging presidente ng Pilipinas. Binalik ang mga natitira pang senador, cabinet secretaries, congressman at iba pang pulitiko. Yung mga namatay, nagkaroon ng eleksyon. Maayos naman mamahala si Lisa. Meron siyang pinakamalupit na batas na tinatag. Ang Filipino-only policy. Tinuro sa wikang Pilipino ang lahat ng subject kahit English subject. Filipino ang ginagamit sa pormal na sulatin, mga debate, at mga usapin. Filipino din ang mga balita, dyaryo at lahat ng bagay. Mas nagustuhan ito ng mga Pilipino. Lumakas din ang AMF Scouts. Meanwhile, si Laura del Rosario ay nasa Baguio nalang at nanahimik doon. Si Captain Nguso ay tumutulong parin pero di na appreciated ang mga tulong nya. Magpapasko noon. Nagimbita si Charles na magpasko sa England. Sagot nya ang tirahan. Lumipad agad papunta doon sina Midas, Vincent at Christine pati yung iba nilang kamag-anak. Napadalhan din ng mail si Gee at Bruno. Di makapunta si Gee dahil sa kakulangan sa pamasahe.)

(sa bahay nila Bruno)
Bruno: Pwede ko to liparin as Captain Nguso. Kakapit nalang ako sa eroplano para di ako pasabugin.
(dumating ang tatay ni Bruno)
Bruno: Tay, punta lang ako England. Dun ako magpasko. Gusto mo sumama?
Mr. Andres: Sige!
Bruno: Okay let’s go!
(nagtransform na siya at lumipad papuntang England kasama ng tatay nya.)

(Sa London)
(after ng kasiyahan)
Charles: Mukhang kulang guest room namin. 3 lang yun eh. Mga lalake, sama sama na lang, tapos Bruno, samahan mo na tatay mo. Si Christine nalang hiwalay na kwarto.
Midas: Samahan ko nalang si Christine.
Vincent at Bruno: No.
Midas: Ah okay. Tara baklaan na.

(Sa Malacanang)
Devonito: Ngayon, mga sisters, magpasalamat tayo sa pagpapayabong ng cocks for gays movement. Magpasalamat tayo sa tunay na Pilipino nating pangulo na si Pangulong Merselisa Flores!
Mga baklang officials ng cocks for gays: Thank you po mam!
Lisa: Para yan sa pagkakapantay pantay mga iha!
Joe: At salamat din po ma’am sa pagtanggap sakin. Kahit baklah po ako, nagawa ko pa din ang dapat kong gawin bilang AMF Elite Squad.
Lisa: Oo naman Joe-Bert. Ikaw pa.
Eileen: Sandali lang.
Lisa: Sino to? Guards bakit nandito to?
Eileen: Ilang months ako nagtago sa loob ng stock room ng Malacanang. Napakatagal! Narinig ko ang lahat Lisa. Magkasama kayo ni Viktor. Pero in the end, trinaydor mo siya.
Lisa: Gusto mo ikulong ka uli namin sa stock room?
Eileen: Nawasak ang businesses ko. Nalugi ang mga kompanya ko. Wala na kong titirhan. Adviser ako dati ni Pangulong del Rosario.
Lisa: Teka, diretsuhin mo nga sinasabi mo! Ano bang kailangan mo?
Eileen: Sana, maging Christmas gift ko ay ang pagtira ko dito sa Malacanang.
Lisa: Okay fine, fine. No choice ako. Basta wag mo ko ilalaglag.
Eileen: Alam mo ba na nakikita ko ang future?
Lisa: Wala akong pakialam.

(Sa kabundukan ng Sierra Madre)
Ka Oliver: Merry Christmas sa inyo mga kapatid.
(walang pumapansin. Hindi naman kasi nila alam ang pasko.)
Laki: Wala ba tayong makakain?
Ka Oliver: Wala na eh.
Laki: Sayang lang paghihirap natin. Mabuti pa, umuwi na lang tayo sa ating kanya-kanyang mga bahay.
Pinya: Oo nga tay.
Ka Oliver: Teka, wala na ba kayong tiwala sa akin?
Lahat: WALA NA!
(nagalisan na ang mga tao. Wala nang nagawa si Ka Oliver para pigilan ang pagalis ng kanyang mga kasamahan. Naiwan siyang magisa at nakaupo.)
Ka Oliver: O bakit nandito ko pa?
(tumabi sa kanya si Juicy)
Juicy: Naisip ko lang, hindi kita kayang iwanan.
Ka Oliver: Sige na, sumama na ikaw dun sa mga kabaryo mo.
Juicy: Kaya ko silang iwanan. Pero ikaw…
Ka Oliver: Kaya ko na sarili ko.
Juicy: Pero di ko kaya ng wala ka.
Ka Oliver: Bakit? Kasi wala kang makakain?
Juicy: Hindi lang yun. Di bale nang wala akong makain basta kasama kita.
Ka Oliver: Ang corny na ah. Kinikilabutan na ko.
Juicy: Ako, kinikilig na.
Ka Oliver: Does it mean-
Juicy: Iyong-iyo ako Oli.

(FADE OUT TO BLACK)

isinulat ng EHS noong9:35 PM