Monday, May 2, 2011

Chapter I: Graduation Pictorial

(Nawala muli si Captain Nguso matapos nyang pigilan ang pagkasira ng ulo ng mga tao dahil sa Fox Game. Namatay kasi si Danilo Montano dahil sa electric shock. Napulot ni Lloyd Lopez, isang NBI Agent ang wire. Pero ipinatapon si Lloyd Lopez sa Interpol sa America. Nag-retiro si Lloyd at naiwan ang kanyang lumang bahay sa may Fairview. Nabili ito sa murang halaga ni Mr. Nikolo Andres. Dahil luma na ang bahay at marami pang aayusin kaya mura lang ang bili nya dito.

Ilang taon ang lumipas at wala nang pakialam ang mga tao kung may superhero pa ba o wala. Mahal ang bilihin sa Pilipinas, mataas ang krimen, medyo magulo pero at least wala pa namang matinding kaguluhang nagaganap. Hindi na din umaasa ang mga tao na may babalik pang Captain Nguso dahil nakalimutan na din siya ng mga tao.)

Midas: Grabe no. Ang bilis ng panahon. Gagraduate na tayo.
Bruno: Hindi pa tayo gagraduate. Grad Pictorial pa lang.
Midas: Okay. Ang ibig ko kasing sabihin parang kelan lang eh mga 1st year pa tayo.
Bruno: Kelan? 3 taon na kaya ang nakakaraan. Mag aapat na taon na.
Midas: (%!$@!&$)
Photographer: Next!

(sa classroom pagkatapos ng pictorial)
Ms. Pisikos: Okay class, mamaya ay meron tayong bisita ngayon. Siya ang head ng Information Technology course ng Ernst and Knowles.
(maya maya ay may dumating na matabang lalake, well, hindi pala lalake, bakla. Naka-emo hairstyle siya)
Gay: Students, I am Prof. Devonito Sinistra. I also came from this high school. Iniinvite ko kayo na pagkagraduate nyo ng high school eh magtake up ng IT. Alam nyo ba na maraming kelangan na IT professionals sa field ngayon. Di nyo na din kelangan ng entrance exam. Magbayad na lang kayo sa akin ng 700 pesos.
Midas: Sir question!
Devonito: Yes?
Midas: Para saan yung 700?
Devonito: Kasi may fee yung entrance exam. Bale, ito yung fee nya.
(nagpatuloy lang nagsalita si Devonito pero di na nakikinig ang ibang estudyante. Meanwhile sa likod..)
Charles: Punta tayo sa bahay ni Midas!
Gee: ahm… ewan.
Midas: Sige okay yun. Madaling araw pa darating mga magulang ko.
Charles: Invite tayo babae.
Gee: Sige sama ako.
Vincent: Wag na. Tayo tayo na lang. Kwentuhan at kung ano ano pa.
Gee: Sige mauna na kayo susunod na lang ako.
Midas: (pertaining to Gee) Lagi ka naman di sumasama eh!
Bruno: Ako sasama ako. Pero dadaan muna ako sa voice culture instructor ko.
Charles: Oh game na yan ah.

(Sa faculty room ng Ernst and Knowles)
Mrs Pisikos: Tapos nanaman ang isang taon. Hay naku. Sila pa naman yung best batch ng mga estudyante. Magkakaroon pa kaya ng tulad nila?
Lisa: Ewan. Best batch? Ewan ko lang.
JM: Ako nagturo na ko dati sa Xavier. Tumanda na nga ako sa pagtuturo pero ang galing talaga nung mga estudyante na gagraduate this year.
Lisa: (pag ako naging presidente ng school, tingnan lang natin.)
(pumasok ang presidente)
Catalina: May meeting tayo mamaya ah. About sa graduation.
Lisa: Bakit di nalang ngayon?
Catalina: Kakain pa ko eh.
Lisa: Mas inuuna mo pa yang pagkaen kesa sa mahahalagang bagay. (wala ka talagang silbi)
Catalina: O di sige meeting na.
Mrs Pisikos: Ma’am wag muna! Breaktime eh.
Catalina: Okay. Sige, mamaya na lang.

(Sa corridor, dismissal time)
Bruno: Mauna na kayo sige na, dadaan pa ko sa instructor ko.
Charles: Weh, di naman sasama yan eh.
Bruno: Hahabol ako.
Charles: O sige. Nasaan si Gee?
Midas: Nakita ko kanina sa kabilang section eh. Kausap si Marimar.
Charles: Babae nanaman inuna.
Vincent: Tara na!
Midas: Papaalam muna ko sa mga anak anakan ko.
Charles: Tatagal nanaman to. Pucha.
Vincent: Sa court lang ako tawagin nyo nalang ako.

(Sa faculty room)
V.C.I.: Bruno wag ka muna uuwi ah. Tulungan mo muna ako.
Bruno: Eh sir may pupuntahan pa ko eh!
V.C.I.: O di umalis ka na. Ngayon na. Isipin mo nalang di tayo nagkakilala.
Bruno: Sige na nga! (napakamot ulo)

isinulat ng EHS noong1:07 AM