Monday, May 2, 2011

Chapter II: Iskawts de Lisa


(during the faculty meeting)
Catalina: So ayan. Napagusapan na natin yung mga dapat ayusin for graduation. Next agenda tayo. Pagusapan natin kung ano pa pwede natin iimprove sa high school natin next school year.
Mrs. Pisikos: Ma’am siguro kelangan magkaroon tayo ng sound system sa mga rooms. Para di inaantok ang klase ko sakin at hindi na din magdadala ng sound system yung ibang teachers.
Mrs. To: TOMO
Catalina: Magastos yan eh. Hihingi na lang tayo sa alumni siguro nyan. Okay ba yun?
Lisa: Wala namang kwenta mga pinaguusapan nyo.
Catalina: Oh ano ba gusto mo pagusapan?
Lisa: Plano ko kasi maglagay tayo ng bagong org. Parang CAT din pero mas malupit sa CAT.
Catalina: Ano naman yun?
Lisa: Armed Forces ganun.
Catalina: HA?!
Lisa: I mean parang.
Catalina: Bawal tayo magpasok ng weapons. Besides, high school lang mga estudyante natin.
Mr. Apple: Bakit di nalang boy scouts o girl scouts di ba?
Lisa: Wala namang silbi yun eh.
Catalina: Pwede! At least legal yun. Tingin nyo? Tapos iopen lang natin sa first year students muna.
Mr. Apple: come on ma’am Lisa! It’ll be fun!
Lisa: Basta ako ang mamumuno.
Catalina: Girl scouts sayo. Boy scouts kay Apple. Okay ba yun?

(sa bahay ni Midas)
Midas: tara dun tayo sa roof deck. Swimming tayo.
Charles: Wag na. Sawa na ko magswimming sa bahay eh.
Vincent: O sige, kwentuhan na lang.
(umakyat na sila sa roofdeck)
Midas: Inday! Ikuha mo nga kami dito ng maiinom at makakain.
Inday: Yis sir.
Midas: Saka inday… mamaya ah.. (sabay kindat)
Charles: Paasa talaga si Bruno. Wala pa oh.
Vincent: Baka sumusubo ng mic?
Midas: Eh si Gee?
Charles: Wag na tayo umasa darating pa yun.
(meanwhile sa Rm. 66)
V.C.I.: ahm, Bruno tawagin mo nga lahat ng estudyante ko sa voice culture. Magpapractice tayo.
Bruno: Sir naman! Sabi mo tutulong lang ako?
V.C.I.: O di sige. Umalis ka na. Ako na lang tatawag.
Bruno: Sige na ako na! Ako na.
(nagring ang cellphone ni Bruno)
Bruno: Hello?
(on phone) Charles: Oy, pupunta ka pa ba?
Bruno: Mukhang malabo pre. Inutusan ako ng instructor ko eh.
Charles: takasan mo na!
Bruno: Di pwede. Sige na. Next time na lang.
Charles: Nandyan pa ba si Gee?
Bruno: Mukhang wala na eh. Sige na may gagawin pa ko.
(binaba na ni Bruno yung phone. Nakasalubong nya si Christine. Sexy na 3rd year student na pinsan DAW ni Midas)
Bruno: Christine, ahm, nakita mo ba si Gee?
Christine: Ay hindi po eh.
(dumating si Lisa)
Lisa: Christine halika dito!
Christine: yes ma’am.
(umalis na si Christine at naglakad na din papalayo si Bruno)
Christine: Ma’am bakit po?
Lisa: May balak kasi ang high school magtayo ng girl scouts. Gusto mo ba maging scout master?
Christine: Bakit naman po ako?
Lisa: Well, iba kasi yung tema ng girl scouts natin. Dapat napapanahon. Conserving the environment. Eh tingin ko ikaw yung pinaka-fit dito.
Christine: Sige po ma’am.
Lisa: Wag mo muna sabihin to sa iba ha.
Christine: Okay po.

(sa roofdeck nila Midas)
Midas: Pare bago matapos ang taon magkaaminan na tayo.
Charles: Bakla ka?
Midas: Hindi. Alam ko naman may mga tinatago tayo sa isa’t isa eh.
Charles: O sige mauna ka.
Midas: Si Vincent muna! Eto madaming sikreto eh.
Vincent: WALA!
Midas: Sige na!
Vincent: O sige. Niligawan ko si Mishe, si May, si Jean, si.. andami eh.
Midas: Oo nga eh. Dami mo pala tinatago samin pare.
(biglang may nagdoor bell)
Charles: Ako na bababa.

isinulat ng EHS noong4:37 PM