Wednesday, May 4, 2011

Chapter IV: Secrets of Bruno’s House


(sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Anak maglinis ka nga muna ng basement natin bago ka pumasok.

(nagbuntong hininga lang si Bruno at bumaba ng basement)
Bruno: Bodega lang naman to eh. Bakit kelangan linisin pa.

(Inayos nya yung mga tambak, nagwalis, nagpunas at kung ano ano pang linis. Nadapa siya at tumama ang mukha nya sa pader.)

Bruno: Aw! Hutaena!

(pero hindi ito wall. Namomove ito. Tinulak nya ang wall at nagbukas ito. Nakita nya ang isa pang staircase pababa. Madilim yung baba. Pero may nakita siyang switch sa tabi. Pinindot nya at hindi nagbukas. Kinuha nya yung flashlight na dala nya kanina at inilawan pababa. Nakita nya na hindi pala switch ang pinindot nya. Dinikit na chewing gum lang. May nakita siyang switch at nag on ang ilaw sa baba. Lumiwanag ang baba at naglakad na siya pababa ng staircase.)

Bruno: Hindi ko naman alam na may lower basement pa pala tong bahay na to.

(pagkababa nya ay nagulat siya sa nakita nya. Shelves ng mga folder at isang mesa na may silya sa gitna. Kumuha siya ng isang folder)

CASE CLOSED
The Padre Damaso Case

(kumuha pa siya ng isang folder)

CASE CLOSED
The Gen. Gustavo Case

Bruno: Ayos to ah. Ito ata yung mga kasong pinagaralan nung NBI Agent na may-ari nitong bahay eh.
(binalik nya ang folder at pumunta sa mesa sa gitna. Umupo siya sa maalikabok na upuan at tiningnan ang mga drawer ng mesa. May nakuha siyang notebook.)

THE CASE BOOK OF AGENT LLOYD LOPEZ

(binuksan ni Bruno ang notebook at nakakita ng mga journals. Mga istorya. Binasa nya ang isang page)

Dinestino ako sa AFP ngayon. Ayos! Matagal tagal na din ako naglilinis ng halls ng NBI. Isa akong agent. Dapat magimbestiga ako. Kailangan mahanap ko yung 7 bomba na binigay na threat. Pag nagawa ko yun? Sisikat na ko. Di na nila ako pagtatawanan at tatawaging tanga. Rerespetuhin nila ako at tatawaging Special Agent Lopez. Ano kayang magandang alias? Agent Nalnu? Pwede! Ayan. Gotta go to work na.

Bruno: Ang bakla naman ng agent na yun.

(nagturn pa siya ng pages at may nakita siya na pumukaw sa mata nya. Isang malaking BANG! ang nakatitle. Binasa nya.)

BANG!

Nabaril ako!!! Actually sinusulat ko to ngayon habang nasa ospital ako. Hay. Pero at least nailigtas ko sila Col. Cortez at mga kasama nya. And finally, nalaman na din kung sino si Padre Damaso. Case Closed! Finally. Bwisit din na Fox Games yan. Buti wala ako pambili. Pati presidente ng Pilipinas nabaliw! Shit! Well, kanina kasi, meron kaming niraid na gumagawa ng Fox Games pa. Nirerepair nila yung mga lumang Fox at binabago ang program para sila yung sundin. Nagkaroon ng shoot out at tinamaan ako. Pero luckily nakakuha ako ng mga wires for evaluation. For evidence na rin na Fox nga yung nirerepair nila. Parang nadagdagan ng isa yung mga wires. Kakaiba yung nadagdag. Hiniwalay ko nga eh. Tinago ko. Kakaiba siyang wire eh. May iba akong nararamdaman. Well ito na siguro yung last writing ko sa journal na to. Babyahe ako sa ibang bansa kasi daw meron daw sorpresa sakin? Hmm.. Oh yun. Bye journal! Thanks sa pagsama sa akin!

(tinurn ni Bruno ang page at may nakita na drawing. Drawing ito ng loomex wire. Meron ding nakalagay sa page na yun na Box 150)

Bruno: Box 150?

(tumayo siya at nakita nya ang mga boxes. May number ito. At umabot siya sa pinakababang shelf. Box 147, 148, 149, 151, 152-)

Bruno: NASAAN YUNG 150?!

isinulat ng EHS noong4:14 PM