Monday, May 9, 2011

Chapter IX: Mob Business


(sa opisina ni Viktor)
Vince: Boss, maghahasik na ba tayo ng lagim? Naeexcite na ko makakita ng mga patay eh.
Viktor: Wag ka magmadali motherf*cker. Marami pa tayo dapat ayusin. Tumawag ka ng pinakamagaling na chemist!
Vince: Yes boss!
(umalis si Vince)
(may pumasok na isang lalake na parang hindi lalake sa opisina ni Viktor. Hawak siya nung mga bodyguards ni Viktor)
Viktor: OH ANO TO?! Kabago-bago pa lang natin sa Pilipinas meron agad ganito?
Led: Boss, nagpupumilit eh.
Lalake: Ako po si Oliver. Kakagraduate ko lang po ng high school at magaling po ako sa lahat ng bagay.
Viktor: Katulad ng?
Oliver: Pagsayaw.
(plinay nya sa loudspeaker yung cellphone nya at sumayaw magisa sa tugtog ng High School Musical)
Viktor: Di ko kelangan ng mananayaw.
Oliver: Magaling din po ako mag-acting.
Viktor: DI KO KELANGAN NG ARTISTA!
Oliver: Gusto nyo po kantahan ko kayo? Magaling din ako.
Viktor: Ilabas nyo to kung hindi babarilin ko to.
(kinaladkad papalabas si Oliver)
Led: Wag ka na babalik dito ah! (sabay sinipa si Oliver)
Oliver: Yabang nitong mga siraulong to. Di naman nila kaya yung ginawa ko.

(sa opisina uli ni Viktor)
Vince: Boss, natawagan ko na yung karamihan sa mga kilalang chemist sa Pilipinas. Yung iba sa kanila matanda na at karamihan patay na.
Viktor: Kelangan ko ng chemist.
Vince: Meron po akong kakilala. Teacher siya sa isang school dito.
Viktor: Pwes tawagan mo!
Vince: Opo. Opo.

(Sa bahay nila Bruno)
Bruno: Nakakainip na summer. F*cker.
Mr. Andres: Anak aalis muna ko ah. Bahala ka na dito.
Bruno: Okay tay. (wait lang. umalis na tatay ko. Baka pwede kong imbitahan dito sila Gee!)
(tumawag agad si Bruno at tinawagan si Midas)
Bruno: Hello!
(on phone) Midas: O?
Bruno: Punta kayo dito. Wala tatay ko. Pakita ko sa inyo yung sinasabi kong lower basement.
Midas: Ayos yan ah. Sige, text mo sila Gee.
Bruno: Copy.
(tinext nya si Gee, Vincent at kahit si Charles)
(after 1 oras, dumating si Midas)
Midas: Wait, eto na ba yung lower basement na sinasabi mo?
Bruno: Ay hindi bahay na namin to. Nasa baba siyempre yung lower basement.
Midas: Bahay nyo? Eh kubeta lang namin to eh.
Bruno: T*ng ina yabang ah.
(dumating si Vincent)
Bruno: Si Gee?
Vincent: Di darating yun.
Bruno: Oy nakausap nyo ba si Charles?
Midas: Patay na nga ata yun eh.
Bruno: (t*ng ina kanina ka pa)
Vincent: Tara! Punta na tayo basement!

(Sa Ernst and Knowles Faculty Room)
Lisa: Ma’am Pisikos, di ka pa uuwi?
Pisikos: Di pa eh. Hehe. Ikaw ba?
Lisa: Di pa rin. Ako naman lage naglolock nito at ako din nagbubukas eh.
Pisikos: Tayo na lang pala no.
Lisa: Oo nga eh. (LUMAYAS KA NA! PLEASE LANG)
Pisikos: Kachat ko pa kasi yung asawa ko eh.
Lisa: Ah. (Ginamit mo pa yung wifi ng school bwisit ka talaga.)
Pisikos: Ikaw ma’am?
Lisa: Ha? Ah eh, wala. Gusto ko lang magtrabaho.
(nagring ang telepono)
Pisikos: Ako na ma’am. Hello, Ernst and Knowles?
(on phone): Pwede kay Mrs. Seljy Pisikos?
Pisikos: Speaking.
(on phone): Pwede ka daw ba namin maging private chemist?
Pisikos: Ha? Para saan? Tutor?
(on phone): Hindi po. May “private project” kasi kami kailangan gawin.
Pisikos: Private project?
(on phone): Opo. Di nyo na kelangan ulitin kasi alam ko naman sinasabi ko. Will it be a yes or a no?
Pisikos: Teka di ko gets.

isinulat ng EHS noong5:59 PM