Friday, May 6, 2011

Chapter VI: Graduation Day


(sa Ernst and Knowles Auditorium)
Charles: Grabe graduation na pala ngayon.
Midas: Oo nga eh. San ka ba magaaral?
Charles: Di ko rin alam kung saan eh. Pero certainly hindi dito.
Vincent: Bakit?
Charles: Eh para maiba naman yung environment. Ikaw?
Vincent: Dito kami sa Ernst and Knowles ni Midas eh.
Charles: IT?
Midas: Oh yeah! Ikaw Gee?
Gee: Baka sa Matute School of Fashion.
Charles: Seryoso?
Gee: Hehe. Baka sa Center for Objects and Crystals Knowledge.
Midas: Astig na pangalan ah.
(may dumaan na estudyante sa gitna nila habang naguusap sila. Itong estudyanteng ito ay weirdo at tipong nobody.)
Midas: Oliver! San ka mag-college?
Oliver: Di naman ako nakapasok ng Harvard o Oxford. So di na ko magaaral.
Charles: Antaas naman ng pangarap mo!
Oliver: Yun yung pangarap ko eh.
(umalis si Oliver at dumating si Bruno)
Midas: Muntik ka na malate ah.
Bruno: Galing pa kong National Library eh.
Charles: O anong nakita mo?
Lisa (on microphone): STUDENTS! GET READY! Magiistart na ang graduation in a short while. Labas na kayo at pumila.
Gee: Tara na.

(Sa pila sa labas ng auditorium)
Midas: Oi Bruno! San ka magaaral sa college?
Bruno: Baka di na ko magaral.
Midas: HA?!
Bruno: Ipagpapatuloy ko nalang yung pagkanta ko.
Mrs. Pisikos: Oi move na.

(nagsimula na ang pagmamartsa. Nagsimula na din ang graduation ceremonies.)

(after the graduation)
(habang nagiiyakan pa yung ibang estudyante)
Midas: Tara party tayo samin.
Gee: Nasaan si Charles? Katabi lang nya kanina sila Torre ah.
Vincent: Andyan lang yun. Magpaalam muna tayo sa mga mahal natin sa buhay.
Gee: Yie..
Midas: Sige. Puntahan ko mga anak-anakan ko. Nawawala si Bruno ah.
(meanwhile sa malayong part ng auditorium, umiiyak si Bruno)
Bruno: Aalis na ko sir.
V.C.I.: San ka pupunta?
Bruno: I mean aalis na ko ng high school na to.
V.C.I.: Okay lang yan. Pwede pa din naman kita turuan kahit di ka na high school eh. Dito ka din ba magcollege?
Bruno: Di na po ako mag-aaral sir.
V.C.I.: Ha? Bakit?
Bruno: Gusto ko kumanta. Yun yung gusto kong gawin sa buhay. Yun yung patutunguhan ng buhay ko.
V.C.I.: Desisyon mo yan Bruno.
Midas, Vincent at Gee: Hi sir.
V.C.I.: O bakit?
Gee: Papaalam lang kami.
V.C.I.: Ah okay. Bye. Hahahaha
Midas: Sir naman oh. Gusto mo sumama samin, party party sa bahay ko. Kasama yung halos buong section namin.
V.C.I.: Sige, kayo nalang.
Vincent: Tara na Bruno.
Midas: Vincent, patawagan nga si Charles.
Vincent: Okay!
(naglakad na sila at lumabas ng auditorium)
Vincent: Wala eh. Not in coverage area.
Midas: Baka may ginagawa na yun na kakaiba.
Gee: After graduation agad?!
Midas: Malay mo. Text mo nalang na humabol siya.
Vincent: Sige. Sige.
(nakasalubong nila si Christine)
Midas: Bye insan.
Christine: Bye po.
Gee: Nakita mo si Charles?
Christine: Ay hindi po eh.
(naglakad na sila papuntang parking lot ng Ernst and Knowles. On the way, nagtatanong tanong sila sa mga nakakasalubong nila pero wala talagang nakakita kay Charles. Sumakay na sila sa kotse ni Midas at nagdrive na ang driver pauwi.)

isinulat ng EHS noong2:55 PM