Friday, May 6, 2011

Chapter VII: Missing Link


(ilang araw na ang lumipas. Hindi pa dumaan ng Ernst and Knowles si Charles para dumalaw. Di siya nagrereply, hindi natatawagan at wala na rin ang kanyang facebook account at kung ano ano pang account. Nawala na talaga siya na parang bula. Wala namang nakakaalam ng address nya.)

(after ilang days, kuhaan na ng card)
Bruno: Okay ako pinakamaaga. Sarado pa Ernst and Knowles.
(dumating na yung guard at binuksan ang gate)
Guard: Aga ah.
Bruno: Excited nga po eh. Hahaha.
Guard: K.
Bruno: (hutaena mambasag to ah)
(after ilang hours, dumating na sila Vincent at Midas. Late si Gee.)
Vincent: Saan na kaya si Charles no?
Midas: Di kaya nakidnap?
Vincent: Ewan. Wag naman sana.
(may dumating na Chrysler 300 at nagpark sa harap nila.)
Bruno: Wow.
(lumabas sa kotse ang lalaking naka-polo at diretso na pumunta ng principal’s office. Maya maya lumabas na ito at may dala-dalang report card.)
Bruno:(habang binabasa yung dala nung lalake na card) de Luna.
Vincent: Kay Charles yung card na yun?
Midas: Tara tanong natin kay principal!
(pumasok na din sila at kinuha ang card nila)
Midas: Ma’am sino po yung nakabarong?
Secretary ng Principal: Di ko nga alam eh. Pinakuha daw sa kanya yung card ni Mr. de Luna.
Vincent: Kung nakidnap si Charles, hindi pakukuhain yung card nya.
Midas: Malay mo tinatago ng pamilya para di malaman ng ibang tao.
Secretary: Ha?
Bruno: Nawawala po kasi si Charles. After graduation, bigla na lang siya nawala.
Secretary: baka naman nagkasakit?
Midas: Okay pa naman po siya nung umaga.
Secretary: Baka umalis ng bansa.
Vincent: Di po namin macontact.
Secretary: Bka walang international roaming o something. Babalik din yun.
Vincent: Sana nga eh. Tara na. Wala pa si Gee ah.
Midas: Bukas pa yun.

(paguwi sa bahay ni Bruno)
Mr. Andres: Ano san ka mageenroll sa college?
Bruno: Di ko alam tay. Ayoko na magaral.
Mr. Andres: Ah okay. Pakuha nga ako nung toolbox sa basement. Di gumagana TV natin eh.
Bruno: Sige po.
(bumaba si Bruno sa basement. Napahawak siya sa wall nung kinuha nya yung toolbox. Nagbukas yung wall. Ang wall na nawawala. Ang wall na may staircase pababa.)
Bruno: Holy f*cking shit.
(minarkahan nya yun ng marker, sinara at umakyat uli)
Bruno: Tay oh.
Mr. Andres: Sige. Salamat.

(dali-daling bumaba si Bruno sa basement at binuksan ang wall. Bumaba siya at nakita nanaman ang shelves ng mga folders, boxes ng ebidensya at yung mesa at silya.)

Bruno: Wait lang. May hinahanap ako eh. Box 150.

(umupo siya sa silya at tiningnan yung mga drawer nung mesa. May isang box ng lapis siyang nakita. Pero may marking ito.)

Box 150

Bruno: NAKITA KO NA ANG BOX 150!!!

(binuksan nya ang box at nakakita ng wire. Simpleng loomex wire lang ito.)

Bruno: Wala naman yung sinasabi sa journal na kakaibang kapangyarihan ah. Di kaya hindi na ito yung original na wire? Yung sinasabi ni Agent Lopez.

(pinaikot ikot ni Bruno yung wire. Tiningnan nya. Wala talagang kakaiba. Kinuha nya uli yung journal. Last page na yung box nung wire. Wala nang iba pang page.)

Bruno: Baka dinala nya nung pumunta siya sa ibang bansa. Pero bakit ba ko sobrang curious sa wire na to ha. Paki-alam ko ba sa wire?

(nalaglag ang wire. Pinulot ni Bruno at pinunasan. Nawala yung mga alikabok nung wire. Meron siyang nakita. Kakaiba ito para sa isang loomex wire. Imbes na yung gumawa nung wire yung nakasulat eh may sentence na nakasulat dito. Golden ink ito at kumikintab. Pinunasan pa nya para luminaw. Engraved ang mga inscriptions. Binasa nya ito.)

Pull wire to release power

isinulat ng EHS noong8:43 PM