Friday, May 6, 2011

Chapter VIII: Black Rights


Bruno: Oh my God.
(nakaramdam siya ng malakas na electric current.)
Bruno: AW!!
(nabitawan nya yung wire)
Bruno: Ito nga siguro yung nakakakuryente at kakaibang feeling daw.
(sinunod nya ang inscription. Hinatak nya yung wire. Mas lumakas yung kuryente)
Bruno: ARAY! P*T*NG *NA!
Mr. Andres: HOY BRUNO!
Bruno: Tay! Okay lang ako. Aakyat na ko.

(Tinago ni Bruno yung wire sa box at binulsa. Umakyat siya)

Mr. Andres: Bakit ka nagsisisigaw?
Bruno: Wala tay. Nakuryente lang ako.
Mr. Andres: Kung ano-ano kasi ginagawa mo eh. Ibili mo nga ako nitong mga nasa listahan na to para makapanood naman tayo ng TV.
Bruno: Sa hardware?
Mr. Andres: Hindi. Sa bakery. Sa Bakery kasi may mga wire dun eh.
Bruno: Okay.

(umalis si Bruno at pumunta ng bakery)

Bruno: Meron po kayong wire na AWG 15?
Tindera: Ha?
Bruno: mga wire po ata ito eh.
Tindera: Iho, meron dyan hardware. Kabilang kalye.
Bruno: Ay okay po.

(pumunta siya sa hardware)

(meanwhile sa Office of the Vice President)
Laura: Pakitawagan naman yung presidente. May nakuha akong tip.
Secretary: Yes ma’am.
(maya-maya)
Secretary: Ma’am, the president is on line 1.
Laura: Hello?
(on phone) Pres: Hello?
Laura: May natanggap po akong tip na darating dito ang isang mob boss mula sa Russia.
Pres: Sino?
Laura: He goes by the name Grassa. Yun lang alam namin.
Pres: Anong evidence natin na mob boss siya?
Laura: Wala nga po eh. Kahit Russia hindi siya maipakulong.
Pres: So kung Russia nga kung saan siya nanggaling hindi siya makasuhan, tayo pa kaya? Lalabas lang na magkukulong tayo ng inosenteng foreigner.
Laura: Pero sir, delikado ang national security natin pag nagkataon.
Pres: Wala tayong magagawa. Let’s cross the bridge when we get there.
Laura: Okay sir. Thank you.

(sa NAIA Terminal 3)
(sa immigration)
Officer: Mr. Viktor?
Viktor: Yes.
Officer: Russia?
Viktor: Yes.
Officer: And the people at your back?
Viktor: Bodyguards. I had been warned that this country is dangerous for foreigners.
Officer: What is your business in our country?
Viktor: To have fun. (sabay abot pasikreto ng $100)
Officer: Okay have fun sir.
(nakalusot si Viktor sa immigration. May sumundo sa kanyang van. May ilan ding van para sa mga bodyguards.)

(sa loob ng van)
Man: I’ll give you Filipino bodyguards. Your translators.
Viktor: Marunong ako mag-tagalog. Nagaral ako nito.
Man: Wow. Okay. Pero makakatulong sila sa pasikot sikot mo dito.
Viktor: Sino-sino.
Man: (tinuturo ang mga lalake) ito si Vince, Berlin, Ken, Bert, Bart, Jose, Jep at Led.
Viktor: Di ko matatandaan pangalan nila pero sige.
Man: Maaasahan mo tong mga bata ko.
Ken: Bibigyan ka namin ng masahe araw araw…
Viktor: Lahat kayo sabay sabay?
Ken: oo naman!
Viktor: Ayos nga.

isinulat ng EHS noong9:43 PM