Wednesday, May 11, 2011

Chapter XI: TV Show


Vince: Don’t try. Do it. Kung gusto mo ng 1 million pesos. Magkita uli tayo 2 weeks from now. Same time, same place. Pag di ka sumipot, it just means na ayaw mo ng 1 milyon.
Pisikos: 2 weeks lang?
Vince: Siyempre nagmamadali din si Boss.
Pisikos: Sige sige. Wala na namang klase eh.

(sa lower basement ni Bruno)
Vincent: Ito ang Box 15. Well, fiber wire lang ang laman nito. For sure nung 1812 ay wala pang fiber wire.
Bruno: Yun nga yung pinang-bitay sa GomBurZa eh!
Midas: Garote yun.
Vincent: Sure ka ba Box 15?
Midas: Sure ako. Ayan oh.
(nag-ring ang cellphone ni Vincent)
Vincent: Pinapauwi na ko. May Siomai Party pa kasi sa bahay. Gusto nyo pumunta?
Midas: Tara.
Bruno: Pass muna ko.
Vincent: Ay. O sige, tara na Midas.
Bruno: Bye a-holes.
(umalis na sila Vincent at Midas)
Bruno: Iniwan lang yung folder. Wait lang. Hindi to Box 15… Evidence on Box 75. What the f*ck. 75.

(kinuha ni Bruno ang Box 75. Malaking Box ito. Meron itong laman na helmet, merong glass case na kasing haba ng ballpen, merong flag pin na parang banner, may punit punit na leather jacket at may maliit na LCD monitor)

Bruno: Ang advanced naman ng technology nila. Alien nga kaya to..

(binalik na ni Bruno ang box at umakyat sa sala nila. Nakita nya yung TV na sira.)

Bruno: Ano na lang ba kulang dito.. Loomex wire na lang eh.

(kinabit nya ang unang wire na nabili nya. Tinesting nya yung TV. Ayaw gumana. Kinabit nya yung pangalawa. Ayaw din gumana. Pangatlo, ayaw. Pang-apat, ayaw.)

Bruno: Weird. Ayaw na talaga. Teka lang.

(dinukot nya yung Box 150 mula sa bulsa nya. Nilabas nya yung wire. Kuminang nanaman ang sentence na Pull wire to release power. Nakaramdam siya ng kuryente. Yung wire na yun ang inilagay nya sa TV. In-on nya yung TV. Gumana yung TV.)

Bruno: Ayos! May silbi pala talaga yung kuryenteng dumadaloy!

(biglang may lumabas na logo. CNTV ang nakasulat. Isang lalake na kulot ang buhok, nakasalamin at medyo matanda na ang nagsalita)

(man on TV): Ikaw! Alam ko, kung sino man ang nanonood ngayon, siya ang susunod na Captain Nguso. Nirecord ko ito para sayo. Ito yung guide para alam mo kung ano yung gagawin mo. Dati kasi, may nakapulot na din ng wire. Pero di nya ginamit ng matino tong wire na to kaya binalik nya sakin. Eh masyado na kong matanda. Idagdag pa yung hula sa akin at yung propesiya na ang papatay daw sa akin ay tubig. Weird pero posibleng mangyari. Kaya iniiwan ko na to sa kung sino man. Sana ang makapulot nito ay worthy.

Well una, hindi lang ito simpleng wire. Marami na itong pinagdaanan. Pinagbalakan kuhanin ni Jack Kuh Lin o Warning Brothers, gustong kunin ni Vitruvirus, napasakamay ni Spike, napasakamay ng isang idiot na bakla, at kung ano ano pa. Kakaiba kasi tong wire na to. Makapangyarihan to. Bibigyan ka nya ng supernatural powers. Hindi naman kasi gawa to sa mundo eh. Galing to sa ibang planeta. Actually, sino mang karapat-dapat ay makakaramdam ng kapangyarihan nito. Yung dumadaloy na electric current. Yun na yun. Ibig sabihin, pinili ka ng wire. Pero hindi yun sapat. Pag mali ang paggamit mo, pwedeng buhay ang maging kapalit. May instruction naman sa wire. Pull wire to release power di ba? Tapos dapat nasa kanang kamay mo yun. Itataas mo kanang kamay mo at sisigaw ka ng CAPTAIN NGUSO. May usok na lalabas. Normal yun. Masanay ka na wag ubuhin para matikas ka tingnan.

Hindi provided yung costume ah! Baka umasa ka na dahil Captain Nguso ka na eh libre na yung spandex at briefs pati yung kapa o pati maskara. Hindi. Ikaw magpoprovide nun. Pero usually yung pinipili ng wire ay iisa yung ugali so iisa lang din yung artistic creativity nila.

Pero ito yung pinakaimportante sa lahat. Once na ikaw na si Captain Nguso, panindigan mo na yan. Wag mo uli paasahin yung mga tao tapos mawawala ka nanaman. Sawang sawa na ang mga tao sa ganyan. Madami kang makakalaban. Pero wala na namang supernatural pa. Mahahati din yung oras mo. Sa misyon mo? O sa personal na buhay? Kadalasan kasi, nawawalan ka na ng personal na buhay dahil sa dami ng problema. Pwede ka din tumulong internationally. Kaso siyempre kelangan mo ng passport. Kasi baka bombahin ka nalang nung mga eroplano nila pag lilipad lipad ka sa territory nila. Ito huling payo ko sayo. USE IT WISELY. Siyanga pala. Sira na talaga ang TV nyo. So tutuluyan ko na.
POOF! (umusok ang TV at namatay ito. Naiwang nakatulala si Bruno)

isinulat ng EHS noong4:52 PM