Thursday, May 12, 2011

Chapter XII: Ang mga Raket


(nakatulog si Bruno. Maya maya naramdaman nyang may gumigising sa kanya)
Bruno: ohh..
Mr. Andres: Anak gising!
Bruno: O tay, nakauwi ka na pala. Teka ano to? What the hell. BAGONG TV?!
Mr. Andres: Oo. Nakita ko kasi kaninang umaga na sira na talaga yung TV natin. Tinetesting ko na kasi lahat ng bagong wires pero di na talaga gumagana. So bumili na lang ako ng bago.
Bruno: Wow astig! Ganda! San yung lumang TV?
Mr. Andres: Binenta ko na sa dumaang dyaryo bote.
Bruno: BINENTA?!
Mr. Andres: Oo eh sira na yun eh.
Bruno: What the- teka. (tumakbo papalabas si Bruno)
Mr. Andres: Grabe naman yung sentimental value sa kanya nung TV na yun. Haha. Makapanood nga muna.

(sa Basura Junk Shop)
Bruno: WAIT! WAIT! May nakita ba kayong TV na 14 inches? Yung luma at sira?
Basurero: Ah oo. Andun oh. For delivery.
Bruno: Pwede makita?
Basurero: Sige.
(tiningnan ni Bruno. Nakita nya na nakakonekta pa yung Loomex Wire nya. Kinuha nya ito at binulsa.)
Bruno: Basura na talaga. Sige salamat na lang.
(nag-ring ang cellphone nya)
Bruno: Hello?
V.C.I.(on phone): Hello! Bruno. Meron akong ibibigay na raket sayo. Pagkanta sa mga bar.
Bruno: Okay yan sir ah. Magkano sweldo?
V.C.I.: hmm, basta puntahan mo nalang. Dadi’s Point sa may QC Circle.
Bruno: Okay. Thanks sir.

(Sa bahay nila Midas)
Midas: Parang gusto ko magimbestiga. Nawawala si Charles. Pero parang gusto ko rin pumunta ng bahay ni Bruno. Pero bawal.
Vincent: Pare!
Midas: Oh pano ka nakapasok?
Vincent: Hindi na tanong yun. Tingnan mo tong dyaryo.
Midas: Oh, mga pinoy sa Japan. Ano?
Vincent: Tingnan mo yung nakunan ng camera. Yung nasa background.
Midas: lalake. O?
Vincent: SI CHARLES YAN EH!
Midas: Oo nga no…

(Sa kabundukan ng Sierra Madre. Hindi na alam ang eksaktong lugar)
Oliver: Dito ko itatatag ang samahan ko. Ang samahan na tutulong sa mahihirap! Sa mga naaapi! Ang samahang Di Iisahan ang Community at Kayo!
(kausap nya yung mga damo)
Oliver: Ako si Ka Oliver. Ako ang supremo nyo. Kelangan ko magpakilala sa bayan at mangalap ng miyembro.

(Sa opisina ni Viktor)
Vince: Boss, eto na yung chemist.
Viktor: Ayos. Asan yung solution. Subukan nga natin.
Pisikos: Sir, kung isang baso lang yung lalagyan nyo, 1ML lang po ng solution.
(nilagyan ni Viktor ng patak yung baso nya)
(nagiba ang kulay ng tubig. Naging kulay dark violet ito. Tinikman muna ni Vince ang mixture)
Vince: Ayos sir. Lasang Carlo Rossi.
Viktor: Oo nga no. YOU ARE HIRED.
Pisikos: San po yung bayad?
Viktor: Heto, 100 thousand. Panimulang bayad yan. Keep in touch.
Pisikos: THANK You! (ayos. Di nila alam Carlo Rossi wine lang talaga yun. Mga tanga. Hahaha)

(Sa Dadi’s Point sa QC Circle)
Gitarista: Singer? HAHAHAHA! Sige nga. Subukan nga natin.
(kumanta si Bruno ng Owimawe Song)
Drummer: Cool yun bro.
Gitarista: Sige sige. Ikaw na bokalista namin. Every gig, 5k. Bukas may gig tayo.
Bruno: Thank you po.
Gitarista: Anong pangalan mo?
Bruno: Bruno Michael Andres po.
Gitarista: Panget. Hindi pang banda. Bruno Mike kaya?
Drummer: Pwede.
Gitarista: O sige Bruno Mike. Kita tayo bukas. 10 pm.

(Sa bahay ni Midas)
Vincent: Tawagan mo si Bruno. Punta tayo Japan.
Midas: Teka. Pupunta tayo, anlaki ng Japan.
Vincent: Mamamasyal lang!

isinulat ng EHS noong6:33 PM