Saturday, May 14, 2011

Chapter XIII: I’ve got the power


(sa Dadi’s Point, QC)
Gitarista: O eto 7K. May bonus kang 2K. Ang daming tao ngayon oh.
Bruno: Thanks boss.
Gitarista: Jervs nalang.
Bruno: Thanks pareng Jervs.
Jervs: Sige uwi na
(naglakad na papauwi si Bruno. Nilagay nya yung kamay nya sa bulsa nya at nakuha nya ang wire. Nakaramdam nanaman siya ng kakaibang kapangyarihan. Nakakita siya ng mga carnapper na binubuksan yung kotseng nakapark. Nagtago siya sa puno)
(USE IT WISELY…. USE IT WISELY… USE IT WISELY…)
Bruno: Eto na. Matatry ko na kung ano feeling maging Captain Nguso…

(hinatak nya yung wire. Lumakas yung current ng kuryente pero tinitiis lang nya. Nilagay nya sa kanang kamay nya at sumigaw ng…

CAPTAIN NGUSO!

(BOOM!!)
(walang nagiba sa kanya)
Bruno: Hoax ata to e.
Carnapper: HOY!
Bruno: Ho—hoy ka.. din!
(lumapit yung isang carnapper at muntik siyang saksakin. Nagulat siya sa bilis ng reflexes nya. Natulak nya agad yung sasaksak sa kanya at bumagsak ito ng walang malay.)

Carnapper: Bugbugin yan!

(pinagtulungan siya at sabay sabay siya inatake. Nagulat siya sa bilis ng pangyayari, bagsak lahat)

Bruno: Oh my God. I am a legend.

(tumakbo na si Bruno papalayo)

(paguwi ni Bruno, sulat agad siya journal nya)

I thought it was a hoax. Pero to see is to believe. I didn’t know how it happened. It just happened.
(kinabukasan)
Bruno: tatawagan ko sila Vincent at Midas. Adik, ikukwento ko to.
(busy. Dahil nasa Japan na sila)
Bruno: What the

BAGONG TIKITIK

Carnappers, tiklo matapos matulog habang nangka-carnap.

Bruno: I’m the news! HAHAHA!
Mr. Andres: Anak?
Bruno: Tay, ako bumugbog sa mga yan.
Mr. Andres: Sino?
Bruno: Ah! Nevermind!

(Sa mga tribo sa Sierra Madre)
Ka Oliver: Di ba kayo naaawa sa mga anak nyo? Sa pamilya nyo? Sa mga pananim nyo? Pinapahirapan tayo ng gobyerno! Sobra na to! Ginagamit nila tayo! Nilalamangan! Sumama kayo sa akin at pinapangako ko. Di ko iisahan ang community at kayo!
(hindi sumagot ang mga manok. Walang taong nakikinig sa kanya)
Ka Oliver: Kung sakaling magbago ang isip nyo, nasa tuktok lang ako ng bundok na yan.
(wala pa din pumapansin)

(habang naglalakad sa QC Circle)
Bruno: Oh my God. I’m so powerful. At siyempre. Pag superhero dapat may costume. Si Vincent magaling magdesign eh. Di ko naman macontact.

(meanwhile sa Japan)
Vincent: O san tayo pupunta ngayon?
Midas: Hahanapin si Maria Ozawa!
Vincent: Pre, teka lang. Si Charles ba yun?
Midas: Saan?
Vincent: Yung dumaan na Toyotang kotse!
Midas: Habulin natin!
(tumigil yung kotse sa tapat ng isang sumo restaurant)
Midas at Vincent: CHARLES!
(lumingon ang lalake. Lumapit sila Midas at Vincent)
Midas: Motherf*cker di ka man lang nagparamdam.
Charles: Haha. Kala ko di nyo ko makikita eh. Sino nagsabi nandito ako?
Vincent: DYARYO!

isinulat ng EHS noong8:36 AM