Saturday, May 14, 2011

Chapter XIV: Serious Business


Charles: dyaryo?
Vincent: Basta! Nakita kita sa background.
Midas: Teka, bakit ba bigla ka nalang tumakas? Kahit kami di mo man lang ininform.
Charles: Alam nyo, merong mga bagay na mas mabuti pang ilihim na lang.
Midas: Sus. Ganyan ka naman lage eh.
Charles: You really want to know?
Midas: Oo naman!
Charles: Sige, kain muna tayo at sasabihin ko sa inyo.

(meanwhile sa Pilipinas)
Ken: Boss, alam nyo dito sa Pilipinas, mas makakaigi kung sumuporta tayo sa isang kandidato sa pagkapresidente. Alam mo na, para malakas tayo.
Viktor: Bakit hindi sa presidente ngayon?
Berlin: Eh kasi mageeleksyon na po. So mapapalitan na yan.
Viktor: Sino sino bang kumakandidato?
Ken: Ang huling alam namin eh si Laura, yung vice natin at yung anak ng presidente.
Viktor: uso ba survey dito?
Ken: Monthly nga eh. Nangunguna yung anak nung presidente by 50%
Viktor: Landslide victory. Sige. Tawagan mo yan.

(sa Japan)
Charles: Meron kasi akong opportunity na pumunta dito for 2 months.
Vincent: Swerte. Para saan?
Charles: Ahm.. education.
Vincent: Ayos ah. Eh bakit may kotse, may bodyguards at kung ano ano pa?
Charles: provided yun. Gusto nyo magstay na din kayo sa hotel na pinagstay-an ko. Ipapareserve ko na kayo ng rooms.
Midas at Vincent: SURE!
Charles: Ano gusto nyo muna mamasyal? Kailangan ko na din umalis eh.
Midas: Sasama na lang kami.
Charles: Restricted area yung universities nila dito.
Midas: Ah sige. Pasyal na lang tayo.

(sa Pilipinas)
(on phone): Hello?
Viktor: Hello, future president, I am Mr. Viktor from Russia.
(on phone): okay?
Viktor: I would like to support you for your candidacy. Financial support, any support you want.
(on phone): why would you do that?
Viktor: I believe in your advocacy, sir.
(on phone): why don’t we meet tomorrow. 2 p.m. at Manila Hotel?
Viktor: Okay. I’ll be there.

(sa bahay ni Bruno)
Mr. Andres: Anak ayaw mo na ba talaga magaral? Kaya ka naman namin sustentuhan.
Bruno: Tay, hindi ko alam.
Mr. Andres: Bakit di ka magenroll ng IT sa Ernst?
Bruno: Masaya ako sa pagkanta.
Mr. Andres: Pero hanggang kelan yan?
Bruno: Siguro po hanggang may boses pa ako.
Mr. Andres: Bahala ka. Desisyon mo yan. Basta wag mo ko sisisihin. O magluto ka na.
Bruno:(nasan na kaya sila Midas?)

(meanwhile sa Hotel Mokko)
Vincent: ANG SARAP DITO!
Midas: Oo nga. Ang lamig at wooh! Libre.
Vincent: Di ba dito din nakastay si Charles? Sayang di natin natanong san siya nagstay. E di sana maikwento natin yung bahay ni Bruno
(walang sagot)
Vincent: What the f*ck tinulugan ako.
(pinatay na din ni Vincent ang ilaw at natulog)

(kinabukasan)
Vincent: Hoy gumising ka na, 9 na.
Midas: Oo nga no. San tayo kakain?
Vincent: Sa baba siguro. Tanong na lang natin sa front desk. Tanong na din natin anong kwarto ni Charles.
Midas: okay.
(bumaba na sila. Sa front desk)
Front desk: Ohayou gozaimasu!
Vincent: Can I ask where can we eat breakfast? We’re from Rm. 626
Front Desk: just straight. Its buffet.
Vincent at Midas: WOW!
Vincent: And I’m going to ask for the room of Mr. de Luna. We are his friends.
Front Desk: Sorry but it is confidential.
Midas: We’re going to check out now.
Front Desk: Here’s your bill sir.
Midas at Vincent: BILL?!

isinulat ng EHS noong9:48 PM