Wednesday, May 18, 2011

Chapter XIX: Media Exposure


Reporter 1: Sir, sino po kayo?
CN: Ako ay isang matulunging super hero lang naman na gustong ikulong ng bobong pulis na yan.
Pulis: SOP lang po.
CN: Tinulungan ko na nga kayo eh.
Reporter 2: Ikaw ba yung sinasabi nilang gate crasher daw? Ikaw ba ay superhero?
CN: Tanga ka ba? Anong tawag sakin? Saka hindi ako gate crasher. Siguro sa mga masasamang loob, ako ay isang gate crasher.
Reporter 2: Ano nga po ba ang tawag sa inyo?
CN: Captain Nguso

(kinabukasan)
Manila Bule-Tin
Captain Nguso is Back!

The Philippine Sun
The Return of a Hero

The Philippine Daily Question
He is Captain Nguso

Bagong Tikitik
Captain Nguso, Showbiz!

(sa hideout nila Viktor)
Viktor: WALANG HIYA! Yung 25 million pesos natin, wala na. Nasa pulisya na.
Led: Sabi ko naman sa inyo boss, kelangan makuha natin yung Captain Nguso na yan bago natin siya maging kalaban.
Viktor: Bwiset. Bwiset. Bakit sa Russia wala namang superhero!
Vince: Bos, anong plano?
Viktor: Tawagan nyo yung chemist natin. Mali ng kinalaban itong Captain Nguso gay na to.

(sa bahay ni Bruno)
Bruno: Oh my God, artista na ko!!!
(nagring ang cellphone nya)
(on phone): Punta ka na sa bahay ni Midas, papunta na si Charles.
Bruno: Okay.

(sa bahay ni Midas)
Charles: Pare, pasensya na sa inyong lahat. Hindi ko sinasadyang itago to, pero kasi, highly confidential na bagay ang pinuntahan ko sa Japan.
Midas: Pero yung pabayarin kami ng 5000 pesos. Pare, shit.
Charles: Wala akong perang dala. Tinanong ko lang kayo kung gusto nyo din magstay sa pinagstayan ko.
Vincent: Confidential? Kasing confidential ba na si Bruno ay isang superhero?
Bruno: WHAT?
Charles: Oo nga eh. Pagdating na pagdating ko ng Maynila, sa airport, yan yung nakita kong news. May hawig nga kay Bruno
Vincent: Siya naman talaga yun eh. Ayaw pa aminin.
Bruno: Hindi nga ako yun.
Midas: Si Gee?
Vincent: Wala siyempre.
Charles: So ano, okay na ba tayo?
Midas, Vincent at Bruno: Yeah pre.

(after ilang days, marami pang krimen ang sinolve si Captain Nguso. Mula sa petty crimes hanggang sa malalaking crimes. Araw-araw, halos siya ang laman ng balita. Ang pagkakaiba nya sa ibang superhero stories, nagpapainterview siya, naggueguest siya sa mga talkshow at kung minsan ay nagaalay pa ng kanta. Sikat na sikat na si Captain Nguso at marami nang foreign media ang pumunta ng Pilipinas para lang mainterview siya. Nagpapainterview naman siya. Isang araw, sinave nya ang isang lalake na balak magpakamatay. Sinalubong siya ng napakaraming media at mga tao.)

Captain Nguso: Sorry folks! Kelangan ko pa magsave ng isa pang buhay!
(lumipad uli siya at pumunta sa isang warehouse)
CN: Lumabas ka na dyan kidnapper!
(naglakad siya at naghanap-hanap. Mukhang tahimik naman ang area. Pero narinig nya kanina na may kidnapan na nagaganap sa area. May nakita siyang patay sa tabi. Tinakbo nya ito at nakita nya. Kilala nya itong taong ito kahit madugo na. Ito ang kanyang voice culture instructor)
CN: Oh my. Holy-
(nakakita siya ng note. Pinulot nya ito)

I know who you are. This is the evidence. Masyado ka nang pasikat. Masyado ka nang showbiz. Siya ba ang nagturo sa yo nyan? Well, itigil mo na yang mga media exposure mo kung ayaw mo masundan ito. Remember, kilala ko kung sino ka at saan ka hahanapin.

isinulat ng EHS noong3:45 PM