Monday, May 16, 2011

Chapter XVI: Public Appearance


(sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Anak, tama na PC. Maglinis ka na ng bahay.
Bruno: Sandali na lang to tay.
(dumating na sa email ni Bruno ang picture ng costume na pinagawa nya kay Vincent.)

(prinint ni Bruno at pumunta sa The Myth Tailoring.)
Tailor: Children’s party?
Bruno: Hindi po.
Tailor: Ayos to ah. Superhero kunwari no?
Bruno: Superhero po talaga.
Tailor: Ano to pageant? Costume party? Contest?
Bruno: Tahiin nyo nalang po. Magbabayad ako.

(Sa bahay nila Midas)
Vincent: Tara na pre. Mahaba pila sa enrollment ngayon.
Midas: Sinundo mo pa ko. Tara, hahatid na ko ng driver. Sabay ka na.
Vincent: Si Bruno natext mo?
Midas: Ikaw ang Sun eh. Ikaw magtext sa kanya.
Vincent: Tinawagan ko pa nga eh. Pinatay na nya yung phone.
Midas: Aw. Eh si Gee?
Vincent: Sa ibang school na nga yun di ba?

(Sa Office of the Vice President)
Secretary: Ma’am, yung anak po ni Mr. President on Line 2.
Laura: Hello?
(on phone): hello Laura. Meron akong proposition for you.
Laura: Ano?
(on phone): Bakit di ka magconcede. Be my vice president. Magpare-elect ka as vice tapos next election ka nalang tumakbo.
Laura: E di wala kang nakalaban?
(on phone): E di may lalabas na parang dummy na lang.
Laura: No. I want to be the president.
(on phone): Di ko alam kung tanga ka o nagbubulag-bulagan. 1 month na lang before the election at 65% ang share ko sa surveys. Hindi ka ba nasasayangan sa time, effort and money mo?
Laura: May 1 month pa. At kaya ko pa po umangat sa surveys. Marami pa kong di napupuntahang lugar.
(on phone): Okay fine. Iniisip ko lang naman yung natitira mo pang dangal.

(sa Ernst and Knowles)
Midas: Pare, nakikilala mo yung nagiinterview?
Vincent: Alam ko nakita ko na yan eh.
Assistant: next po.
(umupo na sa hot seat si Midas.)
Midas: Init ah.
Devonito: taga-Ernst and Knowles HS ka pala.
Midas: Opo.
Devonito: Why IT?
Midas: Gusto ko po yun.
Devonito: You know what, nakikita ko sarili ko sayo.
Midas: (o hindi. Hindi naman ako bakla ah!)
Devonito: IT it is!
(tumayo na si Midas)
Midas: Pare ikaw na.
Devonito: Hi handsome.
Vincent: Hi sir.
Devonito: Devon na lang. Ikaw talaga oh. Mahiyain.
Vincent: hehe. (&$@#&#$ bakla!!!)
Devonito: Sige, IT ka na rin.

(after 1 week, nakuha na ni Bruno ang Captain Nguso outfit nya mula sa The Myth tailoring. Sinuot nya ito bilang pangilalim. Pinatungan nya ito ng t-shirt at pantalon)
Bruno: Pucha ang init naman. Para akong sinusunog.
(may nakita siyang babaeng maganda na inaagawan ng bag ng mga mukhang sigang gangsta.)
Bruno: It’s time to make my cameo appearance.
(tinanggal na nya yung t-shirt at pantalon, kinuha ang wire at sumigaw ng Captain Nguso!)
Captain Nguso: Saved ka na miss. I will save you.
(hinawakan nya lang yung mga gangsta at nakuryente ito. Bumagsak ang mga gangsta at nangingisay)
Director: CUT! Who the hell are you?
Captain Nguso: Teka, ano to?
Director: Ikaw dapat tinatanong ko nyan? Ano ka? Bakit ka umextra ha? May ganito ba sa script?
Robin: Ako po dapat ang papasok at bubugbog sa mga gangsta eh.
Director: Oh eh sino tong kulot na to? Hala! Ipahuli yan sa pulis, nanggugulo ng taping. Bwiset!
Captain Nguso: I AM BACK!!!
(lumipad papalayo si Captain Nguso at naiwang nakanganga ang crew at ang mga artista)

isinulat ng EHS noong8:52 PM