Tuesday, May 17, 2011

Chapter XVII: Kasinungalingan at Katotohanan


(kinabukasan sa mga diyaryo)
The Manila Bule-Tin
GATE CRASHER!

The Philippine Sun
Unknowned Flying Object in Robin’s Film

The Philippine Daily Question
Who is He?

Bagong Tikitik
Lola Tinurbo ng Apo!

Midas: Pare tingnan mo to oh. Naalala mo yung sabi ni Bruno na superhero siya?
Vincent: Yeah. Yung snapshots dito ay yung mismong inemail ko sakanya.
Midas: Baka naman umepal din si Bruno dito tulad nung ginawa nya satin dati.
Vincent: Pare hindi eh. Sabi sa dyaryo, lumipad yung “gate crasher”. Hindi magagawa ng normal na tao ang lumipad.
Midas: Di kaya promotional ads lang to para may manood ng pelikula ni Robin?
Vincent: Hindi eh. Spreadsheets na dyaryo ang nagbalita nito.
Midas: Bakit di natin puntahan si Bruno?

(sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Tulog pa si Bruno eh. Pagod sa gig kagabi.
Midas: Sige, wag nyo na po gisingin. Hintayin na lang namin siya magising.
Mr. Andres: Ah oh sige. Enrolled na ba kayo?
Midas: Opo.
Mr. Andres: Ewan ko nga dito kay Bruno eh. Ayaw na magaral.
Vincent: Di kaya dahil superhero na siya?
Mr. Andres: Superhero?
Midas: Hindi wala po yun. Ibig lang nya sabihin, superhero kasi nagtatrabaho siya kahit gabi.
Mr. Andres: Ah.. Usap-usapan nga ngayon sa TV yang superhero na yan eh.
(lumabas na si Bruno)
Mr. Andres: O sige, maiwan ko muna kayo.
Midas at Vincent: Sige po.
Bruno: O bakit kayo nandito?
Vincent: Pare, naniniwala na kami na superhero ka. Pakitaan mo naman kami ng superpowers.
Bruno: Wowowowo.. Not so fast. Ano ibig nyo sabihin?
Midas: Ito oh! (sabay pakita ng dyaryo)
Bruno: Hindi ako yan.
Vincent: Hindi ikaw? Eh eto yung itsura ng costume na inemail ko sayo eh.
Bruno: Baka nalilito ka lang pare?
Vincent: No. Alam ko ang gawa ko.
Bruno: Baka katulad lang yan. Kumain na kayo?
Midas: Oo.
Bruno: O sige, alis na kayo, ako naman kakain.
Vincent: Teka pare. Wag na tayo maglokohan.
Bruno: Lokohan? Pare alam nyo, ako si Bruno. Bruno Michael Andres. Okay. Hindi na ako yung Bruno na kilala nyo noon. Marami nang nagbago.
Midas: Pare 2 months pa lang.
Bruno: Okay, madaming nangyari ng 2 months. Pagod ako sa trabaho. So sana maintindihan nyo. Seryosong usapin to.
Midas: Sige sige, okay lang.
Bruno: Sana mameet ko din yang superhero na yan. Pasensya kung ayoko muna makihalubilo sa inyo.
Midas: Sige sige, okay lang.
(umalis na sila Midas at Vincent)
Bruno: Wooh. Shit. That was close. Patay. Alam pa naman nung tailoring kung sino nagpatahi nung costume na yun. Ahh! Sana makalimutan nila.

(meanwhile habang naglalakad si Midas at Vincent)
Vincent: Pare ito yung headline nung dyaryo oh! At yung picture ni Super Bruno.
Midas: Oo nga no. The Myth Tailoring.
Vincent: Tara pasok tayo.
(pumasok sila Midas at Vincent. Napakaraming press. Hindi sila makasingit. Pinakinggan nalang nila yung usapan.)
Reporter: Kilala nyo po ba yung nagpatahi? Nakita nyo ba siya?
Tailor: Oo. Tinanong ko pa nga siya kung para sa party yun eh.
Reporter: Sino po itong taong ito?
Tailor: Well, meron kaming tinatawag na customer secrecy.
Reporter: Sir please. Kung may nanggugulong sira-ulo sa bansa natin, wag sana kayo maging accessory.
Tailor: Okay! Okay! Tiningnan ko kaninang umaga yung resibo. Nakalimutan ko palagyan ng pangalan at address, pasensya.
Reporter: Sir, ano po bang itsura nya?
Tailor: Di ko na masyado maalala. Alam ko parang studyante lang siya. Kulot.
Reporter: Magkano po yung costume na yun?
Tailor: Bakit magpapatahi ka?

isinulat ng EHS noong5:30 PM