Friday, May 20, 2011

Chapter XXI: Eleksyon


(1 week before the election surveys)
Laura del Rosario – 49%
Junjun Dagat – 47%
Undecided – 4%

(during the elections)
Midas: Oy pare nandito ka pala.
Gee: Oo. Sumama lang ako. Daming tao no?
Midas: Oo nga eh.
Gee: Bumoto ka?
Midas: Di pa ko registered pero ang gusto kong manalo si Laura.
Gee: Dapat nandito ngayon si Captain Nguso para mapanatili ang katahimikan.

(meanwhile sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Anak, boboto lang ako ah. Ikaw na bahala dito.
Bruno: Opo tay.
(umalis na si Mr. Andres)
Bruno: CAPTAIN NGUSO!
(naging Captain Nguso na siya)
CN: Ayos to. Para mabilisan kong magagawa yung laboratory ko at the same time maririnig ko kung may kaguluhang nagaganap.
(tinuloy na nya yung paggawa sa laboratory ng nakarinig siya ng kaguluhan sa ARMM)
CN: Okay. Kelangan light speed ako sa bilis para umabot agad dun!
(lumipad na siya ng sobrang bilis)

(Sa Maguindanao)
Rebelde: Amin na ang mga PCOS Machine!!
Rebelde 2: Pati mga papel!
Rebelde 3: At pagkaen!
CN: Eh ako di nyo hahanapin?
Taong bayan: CAPTAIN NGUSO!!
CN: Oh yeah.
Rebelde: Ratratin tong tarantadong to!
(pinagraratrat siya ng napakaraming rebelde.)
CN: Aw. Mauubusan lang kayo ng bala.
(binaril ng isang rebelde ang isang teacher. Nahabol ni Captain Nguso ang bala at pinisa ito)
CN: Di nyo ko kaya.
Rebelde: Talaga? (nanghostage ng bata)
CN: Gusto mo ihostage mo pa sila lahat eh.
Rebelde: Sige! (nanghostage ang rebelde ng tigiisang hostage)
Rebelde 2: Umalis ka dito sa lugar na to kung ayaw mo barilin namin to sa ulo.
CN: Hmm. Okay.
(lumipad papalayo si Captain Nguso at nagtaka ang mga tao)
Rebelde: Ayan! Walang nagawa yung superhero nyo! Amin na ang PCOS Ma—
(nagbagsakan ang lahat ng rebelde sa lupa. Nangingisay pa sila)
CN: Ever-reliable multiple stun guns. Okay! Ituloy na ang matahimik na eleksyon!
Taong bayan: MABUHAY!

(sa Grassa-Wrap Shawarma Warehouse)
Viktor: Nakaboto na kayo?
Led: Yes boss. Dagat kaming lahat.
Viktor: Kelangan manalo si Dagat. Hindi natin madadaya ang eleksyon ngayon kasi automated. Marami naman akong binayaran para iboto si Dagat eh.

(meanwhile sa Police Station)
Pulis 1: Sino tong mga to Captain Nguso? Andami nito ah!
CN: Sila lang naman yung mga nagaabot ng pera para iboto ng mga tao si Dagat, ang anak ng presidente. Pinananatili ko ang malinis na eleksyon!
Pulis 2: May mga ebidensya ba? Di natin sila makukulong ng ganon ganon lang!
CN: Yun ba? (binuksan nya yung bibig nya at lumabas ang isang flash drive) Bluetooth yan. Nagtatransfer na ang video sa PC nyo. Anyways, eto yung mga papel na may pangalang Vote Dagat for President na may kalakip na 500 pesos.
Pulis 1: Ayos ka talaga Captain Nguso!

(sa Villa Dumayo)
Katulong: Donya, may bisita po kayo.
Eileen: Sino?
Katulong: Yung anak po ng presidente.
Eileen: Sige, papasukin yan.
Dagat: Magandang araw po Ms. Dumayo.
Eileen: Oh baket?
Dagat: Mananalo ba ko?
Eileen: Hindi.
Dagat: Pag nanalo ako, magtatag ako ng Dept. of Fortune Telling. Ikaw ang secretary. Ayos ba?
Eileen: Sorry ah. Wala akong kapangyarihan baguhin ang future. Nakikita ko lang ito.
Dagat: So mananalo si Laura?
Eileen: May iba ka pa bang kalaban? Baka hindi. Baka ako manalo o baka yung mga skwater o baka yung mga mahihirap.

isinulat ng EHS noong3:58 PM