Friday, May 20, 2011

Chapter XXII: Shocking News


(kinabukasan, ang resulta ng botohan)
Laura del Rosario – 27,342,624
Junjun Dagat – 27,342,597

(Sa Office of the Vice President)
Laura: OH MY GOD!!!!!!
Secretary: Congrats Ma’am! Pero wait, may tawag kayo.
Laura: Hello?
(on phone): Hello! Congratulations Laura. I told you. Nakita ko ang future mo.
Laura: Sino to?
(on phone): Si Donya Dumayo.

(Sa Malacanang)
President: ANONG NANGYARI?!

(Sa Grassa Wrap warehouse)
Viktor: Anong nangyari? Bakit natalo yung bata natin? All out naman yung ginawa nating pangsusuhol ah.
Led: Boss, nasa balita kanina, marami daw nadakip si Captain Nguso na nanunuhol.
Viktor: SHEEEEEEEEEEEEEEETTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!

(Sa Ernst and Knowles Faculty)
Catalina: Okay, bagong presidente, bagong budget para sa school na to.
Lisa: Sus. Asa pa.

(Sa lower basement ni Bruno)
Bruno: Well, konti na lang, matatapos na itong laboratory ko. Kulang lang talaga ko sa pera eh.
(biglang may nahulog na sako)
Bruno: Ano to? Weird, wala namang butas yung bubong nito.
(binuksan nya yung sako. Naglalaman ito ng napakaraming tig-500 pesos)
Bruno: Holy- san naman galing tong mga perang to?
(nakakita siya ng note sa loob ng sako)

For the Laboratory Expenses

Bruno: OH MY GOD!!!!

(sa sala nila Bruno)
Mr. Andres: Grabe, di ko akalain na matutuwa ng ganun yung anak ko sa pagkapanalo ni Del Rosario. Hahahaha.

(sa kabundukan ng Sierra Madre)
Ka Oliver: Mga kapatid sa kapatiran! Meron tayong bagong presidente! Marapat lamang na iparinig natin ang ating panig!
(nakatingin lang sa kanya ang mga tao)
Ka Oliver: Ehh.. Pupunta tayo sa Office of the Vice President ngayon at magrarally! Magpapakilala tayo!
Juicy: May iba bang pagkain? Ilang araw na tayo kumakain ng damo ah.

(Sa Grassa Wrap warehouse)
Viktor: Plan B tayo. Punyeta. Tawagan mo yung chemist natin.

(Sa Chem Lab, Ernst and Knowles)
Pisikos: Hello?
(on phone): ano patapos na ba?
Pisikos: Andami nyong pinapagawang project sa akin. Ano ba dun?
(on phone): Yung secret formula ng Grassa Wrap Shawarma para tipid tayo sa karne at dadami yung customers natin.
Pisikos: Ah oo. Itetest ko nalang sa mga daga.
(on phone): Bilisan mo.

(after ilang days, sa Office of the Vice President)
Laki: Wala man lang ba tayong maiinom?
Ka Oliver: Mamaya, iinom tayo. LUMABAS KA DYAN PRESIDENT ELECT!
(sa loob ng opisina)
Secretary: Ma’am, may 3 taong nagrarally sa tapat ng opisina nyo.
Laura: 3 lang?
Secretary: Opo. Mukhang pagod na pagod nga sila eh.
Laura: Papasukin mo muna at painomin ng tubig. Bababa ako mamaya-maya.
(sa labas ng building)
Juicy: May sense ba tong ginagawa natin? Pakikinggan ba tayo kahit tatatlo lang tayo?
Laki: Para nga tayong tanga na nakatayo lang dito eh.
(lumabas ang guards)
Guard 1: Pasok daw kayo. Inom muna kayo tubig.
Ka Oliver: Sabi ko sa inyo eh.
(pumasok na sila at pinaupo)
Ka Oliver: LUMABAS KA PRESIDENT ELECT!
Guard: HOY WAG KA SUMIGAW DITO!

isinulat ng EHS noong7:43 PM