Sunday, May 22, 2011

Chapter XXIII: Grassa Wrap Craze


(after ilang months, nakapanumpa na si President-elect Laura del Rosario. Ganap na siyang presidente ng Pilipinas. Meanwhile…)

(sa lower basement nila Bruno)
CN: Finally. Fully functional na ang aking state of the art laboratory. Ang galing talaga ng wire ko. Sound proof pa eto.At super stealth kaya hindi madaling malaman. Tatawagin ko na tong Bruno Laboratory. Wait. Hindi to magagawa ni Bruno lang. Captain Nguso Laboratory kaya. Ayos to!

(extra lang yun. Meanwhile, mabilis ang pagangat ng Grassa Wrap Shawarma sa business. Palugi ang halos lahat ng ibang bentahan ng shawarma. Dumami ang gustong magfranchise ng Grassa Wrap. Pila-pila sa malls ang tindahan ng Grassa Wrap. Ilang beses na ding ginuest ng mga Entrepreneurship talk shows ang may-ari na si Viktor Grassa at ang “partner” daw nito na si Led. Nagtataka din ang ibang teachers ng Ernst and Knowles dahil biglang nagkaroon ng laptop, DSLR, video cam, ipod, iPad, iTV, Mac desktop, Louis Vuitton, Chanel, Hermes at kung ano ano pang original na sosyaling gamit si Mrs. Pisikos. Ginawa na siyang fashion figure sa faculty ng Ernst and Knowles)

(Sa National Library)
(tinitingnan ni Bruno ang mga archives noon ng mga dyaryo. Umabot na siya sa panahon ng Ehekutibong Hukbong Sandatahan. Nabasa na nya yung tungkol sa Walled City na tinatag ng EHS. Naghahanap kasi siya ng records ng existence ni Captain Nguso at kung anong klaseng superhero ba si Captain. May nakita siya sa dyaryo dated 1975)

Muling binalikan ang site kung saan sinasabing itinayo ang EHS Walled City noong unang panahon. Para na lamang ito isa sa mga isla na nasa Kalayaan Group of Islands. Marami na ding puno at mga halaman na tumubo dito. Ngunit nagkaroon ng excavation para sa research at nakakita ng mga kakaibang kagamitan na sinasabing ginamit daw noon ng EHS. Hindi pa rin matukoy hanggang ngayon kung anong klaseng mga gamit ito dahil sobrang advanced daw ng mga ito. Meron din daw silang nakitang kakaibang laboratory sa ilalim ng isang dating pond. Ang laboratory ay ayos pa din ngunit sira na din ang mga kagamitan. High-tech din ang mga gamit. Merong inscriptions sa kisame ng laboratory. “CN” ang nakalagay. Tila isang logo. Sinasabing ito daw ang laboratory ni Captain Nguso na matatandaang kalapit din ng EHS.

Bruno: So noon pa, may Captain Nguso Laboratory na…

(Sa Ernst and Knowles, pasukan na pala!)
Midas: Tara lunch tayo.
Vincent: Saan?
Midas: Grassa-Wrap siyempre!
Vincent: Tara.
Bruno: Pare.
Midas at Vincent: WAAA!!
Midas: Joke. Bakit ka nandito?
Bruno: Wala lang. Dinalaw ko lang kayo.
Vincent: Ayos ah. Gusto mo sumama? Kakain kami?
Bruno: Saan?
Midas at Vincent: Grassa-Wrap!
Bruno: Nakakabusog ba yun?
Midas: Eh di kakain kami ng madami.
Bruno: Gastos. Bebs nalang tayo.
Midas: Dumi dun eh.
Bruno: Pare, alam mo ba yang Bebs Lugawan na yan eh maitatrace pa nung panahon ng mga kastila? Nung una nilang nakita si Captain Nguso. Inabot nga din ng EHS yan eh.
Midas: Ayos ah. Yan ba pinagkakaabalahan mo?

(Sa Ernst and Knowles HS)
Lisa: Christine, imemeet natin lahat ng scouts natin ngayon ah. Saka ibili mo naman ako ng Grassa Wrap.
Mr. Apple: Ako din!
Catalina: Gusto nyo bang lahat? O sige, ibili mo nalang silang lahat. Patulong ka nalang kahit kanino.
Pisikos: Ako ayoko.
Lisa: Ayos ah. Diet?
Pisikos: Ah oo. Madaming calories yan eh.

(Sa bundok ng Sierra Madre)
Juicy: Hindi nakakasawa tong Grassa Wrap na pinadala satin ni Ms. President no?
Laki: Tipirin nyo kaya, baka maubos agad. Babalik tayo sa pagkain ng Grass.
Ka Oliver: (langhiya naman. Pano ba kami mapapansin ng media. Pano ba makikilala ang samahan namin.)

(Sa Grassa Wrap warehouse)

Vince: Pare, gusto ko kumain ng Grassa Wrap. Tayo na lang ata di nakakakain nun eh.
Led: Wag. Tanga ka ba? Alam nating may secret formula na pampaadik dyan.
Berlin: Pero mukhang masarap eh.
Led: Bahala kayo, matatanggal kayo dito pag nagkataon.

isinulat ng EHS noong9:37 PM