Monday, May 23, 2011

Chapter XXIV: Scout’s Motto


(sa field ng Ernst and Knowles)
Lisa: Nandito kayong lahat para sa isang training. Isang training na babago ng buhay nyo. Isang training na tatatak sa pagkatao nyo.
(sa isang tabi)
Pisikos: Tindi naman nya magsalita parang seryoso ah.
To: Oo nga. Parang military eh.
(sa field uli)
Lisa: Hindi lang tayo “laging handa”. Hindi lang basta preparasyon. Ang ating motto, “Walang aatras!”
Mr. Apple: Teka lang Lisa. Hindi mo pwedeng baguhin ang motto. Internationally accepted motto yan eh.
Lisa: Siyempre motto pa rin namin yung laging handa. Nagdagdag lang ako.
Mr. Apple: Ah okay.
Lisa: Well, bibigyan ko kayo ng tigiisang photocopy ng Scout’s Law. Ito yung mga batas na dapat nyo sundin. Ito ang magiging batayan nyo. Babasahin ng ating scout master na si Sct. Virgilio.
Christine: I will do my best to fight to be fair, friendly and pokerface, with no consideration or care, courageous and strong, and responsible for what I say, do and fight for, And to respect myself, respect Ma’am Flores, use resources wisely, make the world a better place for me only, and be a sister to my teddy bear. Ma’am teka-
Lisa: Ayan. Yun yun. Now, read the scout promise.
Christine: Well, On my honor, I will try: To serve Scout Boss Merselisa and my organization, To help people sometimes, And to live by the Merselisa Flores Scouts Law.
Lisa: Intiendes?
Scouts: Hoo haa!

(sa Ernst and Knowles Canteen)
Midas: Oh insan ano ba kailangan mong sabihin at parang importanteng importante?
Christine: Parang kakaiba eh.
Vincent: Ang ano?
Christine: Well, alam nyo naman na scout master ako di ba? Iba yung sinabi sa akin ni Ma’am Merselisa na gagawin kesa dun sa binasa kong laws, motto at promise nung scouts nya. Besides, it’s been renamed.
Midas: What do you mean?
Christine: Naging, MF Scouts na siya ngayon. Pati mga lalake pinahawak na sa kanya ni Mr. Apple.
Vincent: What the- Patingin nga ako nung laws nyo.
(inabot ni Christine ang papel. Binasa ito nila Midas at Vincent)
Midas: Matindi to. Parang rebellion ah.
Christine: Gusto ko nga magresign eh.
Vincent: Oh bakit di mo gawin?
Christine: Hindi pwede. Magagalit yun. Delikado pa, baka buong first year magalit sa akin.
Midas: Text mo pare si Charles. Tanong mo kung pwede siya makipagkita ngayon. Madaming alam sa communism things yun eh. Kita uli tayo bukas.
Christine: Sige sige. May klase na kong El Fili.

(sa Katipunan)
Charles: O bakit? Parang importanteng importante ang sasabihin nyo ah.
Midas: Importante talaga. Basahin mo to.
(binasa ni Charles ang papel at natawa)
Charles: hahahaha! Ano to? Kalokohan nanaman?
Midas: Pare seryoso yan. Yan yung laws nung mga scouts sa Ernst and Knowles.
Charles: Wala kasi akong alam about scouting. Pero parang shit to. Gusto nyo, puntahan natin si Gee sa COCK, tapos tanungin natin about scouting. Scout master dati yun  eh.
Vincent: COCK?
Charles: Center for Objects and Crystals Knowledge! Yung school nya. Tara!

(Sa Center for blah blah blah)
Gee: Edited version to ng Scout’s Motto, Law and Promise. Iniba nya yung mga ibang words o phrases.
Midas: Tulad ng?
Gee: Tulad nito, make the world a better place for me only, and be a sister to my teddy bear. Teddy bear? Anong kalokohan yun.
Vincent: Oo nga no.
Charles: Kaya nga sabi ko sa inyo kalokohan eh.
Midas: Pero hindi kalokohan to. Eto yung laws ng MF Scouts.
Charles at Gee: MF Scouts?
Midas: Merselisa Flores Scouts.
Charles: So pinangalan na sa kanya? Eh anong ginagawa ng presidente ng Ernst and Knowles?
Vincent: Di nga rin namin alam.
Gee: Gusto mo punta tayo ngayon ng Ernst and Knowles? Tanong lang natin about sa MF Scouts na to.
Charles: Nacurious nga rin ako eh. Tara!
Vincent: Bukas na lang siguro. Tingnan nyo, maggagabi na. Wala na din tayong aabutan dun.
Midas: Sige, kita kita na lang tayo sa gate ng Ernst and Knowles ng 2 pm.
Gee at Charles: Game.


isinulat ng EHS noong3:33 PM