Wednesday, May 25, 2011

Chapter XXVI: Community Service


(nag-ring ang cellphone ni Midas)
Midas: Hello?
(on phone): Hello insan, si Christine to. Di na ko aalis. Nakita ko yung mga projects ng AMF. Magaganda naman talaga. More on preserving the environment.
Midas: Ah ganun ba. Ayos yan.

(1 week lang ang lumipas. Everyday sa week na yun, may isang project na natatapos ang AMF. Nabilib ang president ng Ernst and Knowles. Nakalimutan nya ang stun gun incident. Sumikat ang AMF Scouts sa buong university. Nagrerecruit na din ngayon kahit college students o kahit sinong gustong sumali. Pero merong auditions.)

(Sa Ernst and Knowles HS Faculty)
Pisikos: Astig yung AMF Scouts mo ah.
Lisa: Oo nga eh. Siyempre, kelangan tulungan natin ang environment.
Pisikos: Pero astig kasi university-wide yung organization mo. Parang fraternity at sorority.
Lisa: Pero kami, walang hazing. Walang initiation. Auditions lang.
Pisikos: Yun nga maganda dun eh.
Lisa: Teka, tatawag lang ako ng CO at magpapabili ako ng Grassa Wrap.
Pisikos: Papasukin mo na ng faculty, baka may iba pang magpapabili.

(Sa Main Building)
Midas: Pare, Sali tayo AMF.
Vincent: Sira ulo ka ba? Di mo ba nabasa yung laws?
Midas: Madaming sexy eh.
Vincent: Pare ayoko.
Midas: Weh. Kahit scout master natin si Christine ayaw mo? Ayos yun. Pag kayo nalang dalawa natira sa HQ.
Vincent: Pare, pinsan mo ba talaga yun? Bakit parang binubugaw mo?
Midas: Joke lang! Tara na kasi.
Vincent: Busy pre eh.
Midas: Sige ako nalang sasali.

(Sa HQ ng AMF)
Christine: Applicant No. 12612 please?
Midas: Hi.
Christine: Oh my. Okay. Sige. Tanggap ka na.
Midas: Wa-
Christine: Sige na.
(after ilang days)
(sa Ernst and Knowles)
Midas: Pare, malas mo, tingnan mo ko, ilang araw pa lang, kasama na ko sa outreach program namin. Libre pa.
Vincent: Okay lang. Busy ngayon eh.
Midas: Oh well. Goodluck sayo.
Christine: Okay scouts, board the bus now!
Midas: Yey!
(naubusan ng upuan si Midas sa bus ng mga college students at new recruits. Wala siyang nagawa kundi pumasok sa bus ng mga 1st year high school)
(pagpasok nya sa bus, tahimik sa bus. Ibang iba sa field trip nila nung 1st year sila. Walang nakangiti. May nagbabasa, may nakatingin sa bintana, may nakatunganga pero walang nagkukwentuhan. Weird. Malas pa nya, hindi dun nakasakay yung pinsan nya. Pero dun nakasakay ang Scout Boss, si Merselisa. Umupo siya sa tabi ng first year na lalaki.)
Midas: Hi.
Scout: Hi.
Midas: Bakit ang tahimik nyo?
Scout: Well, wala naman kasing dapat sabihin eh.
Midas: Okay.
(umandar na ang bus)

(sa probinsya ng Quezon, paanan ng Sierra Madre)
Midas: Magtanim ay di biro- wooh. Ang hirap maging scout.
(nag-ring ang cellphone nya)
Midas: Hello?
(on phone): Pare si Vincent to.
Midas: Bakit?
Scout: No cellphones please.
Midas: Teka pre. (humarap sa scout) sino ka ba ha?
Scout: Well, officer ako dito. Minus points ka.
Midas: What the-?
(umalis si Midas sa lugar. Tinawagan uli nya si Vincent)
Midas: Hello, uy ano kinukwento mo?
Vincent: Pare, nagpakamatay yung presidente ng Ernst and Knowles.
Midas: Si Mrs. Bartolome?! BAKIT?
Vincent: Hindi alam. Sinara yung opisina nya ng mga pulis. Tumalon siya mula sa roofdeck ng main building pre. Dinala na siya ng ambulansya papuntang ospital. Di pa namin alam ang balita.
Midas: Pare seryoso ka ba?
Vincent: Seryoso pre. Wala ngang klase ngayon buong Ernst and Knowles eh. Pinauwi na yung mga estudyante.

isinulat ng EHS noong2:56 PM