Thursday, May 26, 2011

Chapter XXVII: The Suicide of Catalina Bartolome


Chapter XXVII: The Suicide of Catalina Bartolome

(Sa bahay nila Bruno)
(on PC): Oh yeaahh. You like that huh?
(nag-ring ang cellphone nya)
(on PC): You want some more huh? You like that? *PAK*
Bruno: Oh hello?
(on phone): Pare, patay na si Ma’am Bartolome.
Bruno: Ulol?
(on phone): Totoo. Punta ka Ernst and Knowles, may lamay siya ngayon dito.

(Sa Ernst and Knowles)
Vincent: Nagiwan daw ng note si President sa mesa nya eh. Minutes bago siya mamatay.
Gee: Anong nakasulat?
Vincent: Nasa dyaryo eh. Parang kinukwento nya yung mga kabiguan nya. Problemang pang pamilya, saka basta lahat ng depressions at pagkukulang nya.
Midas: Di ko maiisip na gagawin ni Mrs. Bartolome yun.
Charles: Ako din eh. Pare, darating daw mamaya maya yung presidente ng Pilipinas eh.
Midas: Ayos! Teka, sinong papalit na presidente?
Vincent: E di syempre yung vice president.
Midas: Like?
Vincent: Baka si Dr. Victor Navy.
Charles: Di ba gusto dati ni Mrs. Flores maging presidente?
Midas: Malabo yun. Anlayo nya sa ranking eh. Ni wala nga siyang posisyon eh.
Charles: I think it’s not suicide. Siguro merong bagay na malapit nang malaman si Mrs. Bartolome then kinabahan yung culprit tapos naisip na iassassinate na siya.
Midas: Walang gunshot wound?
Charles: Hindi naman kailangan laging involved ang guns sa assassination eh. Pwedeng palabasin na isang aksidente ang isang assassination.
Vincent: Pero kagustuhan nya yung pag-akyat nya sa roof deck. Considering tinulak siya, bakit siya aakyat ng roofdeck?
Charles: That I cannot answer. Wala akong hawak na ebidensya eh.
Midas: Wala pa namang CCTV camera dito.
Pulis: Move! Move! Move! Dadaan ang presidente!
(dumating ang convoy ng sasakyan ng presidente)

(tiningnan ng presidente ang kabaong. Nakipagusap muna siya sa ibang officials ng Ernst and Knowles. Maya-maya may dumating na mga rallyista)
Ralyista 1: Itaas ang sahod! Ibaba ang bilihin!
Ralyista: Oo nga!
Pulis: Manahimik kayo may lamay! T*ng ina, walang respeto.

(Sa kabundukan ng Sierra Madre)
Ka Oliver: May narinig ako sa radio kanina.
Pinya: Ano?
Ka Oliver: Patay na yung presidente ng school na pinanggalingan ko.
Juicy: Pakialam namin.
Ka Oliver: Bwiset. Bilisan nyo na ang paggawa ng weapons at lulusob tayo sa city hall.
Laki: Tapos na.
Ka Oliver: Patingin.
(iniabot sa kanya ang armas)
Ka Oliver: Ano to? Kawayan? Ano magagawa nito? Stone age pa tong mga gamit na to ah.
Laki: Hindi tayo lulusob ng harapan. Mauubos talaga tayo.
Ka Oliver: Oo nga no.

(after ilang days, lumabas na ang report ng pulisya. Suicide ang kinamatay nya. Binalik uli ang classes sa Ernst and Knowles. Nagsilbing OIC muna si Dr. Victor Navy. Nailibing na din si Mrs. Bartolome. Nagtuloy-tuloy din ang kasikatan ng AMF Scouts at naimbitahan sila sa mga talkshows sa GMA News TV.)

(sa kapatagan, malapit sa city hall, paanan ng Sierra Madre)
Ka Oliver: Kailangan tahimik lang ah. Kailangan walang magiingay para hindi magising ang mga gwardya.
(umatake na sila at pinasok ang city hall. Nagiwan ng note si Ka Oliver. Dala na nila ang konting pera, armas at mga ibang kagamitan. Lumipat sila sa ibang bayan at ginawa din yun sa city hall nila. Naka 3 city hall sila ng gabing yun at bago sumikat ang araw ay umakyat na uli sila ng kabundukan)

Gwardya 1: Mayor, nagiwan ng note ang mga magnanakaw. 2 kalapit bayan din natin ang nilooban.
(binasa ng mayor ang note)

Mga korap na opisyal,

Bilang na ang araw nyo. Nandito na kaming tatapos sa inyo. Matakot na kayo at magsisi. Ang grupo namin, DI IISAHAN ANG COMMUNITY AT KAYO ay naglalayon na paunlarin ang Pilipinas sa komunistang paraan. Mabuhay si Mao Zedong!

Ang supremo,
Ka Oliver.

isinulat ng EHS noong2:15 PM