Friday, May 27, 2011

Chapter XXVIII: Siomai Cock


(dumating si Captain Nguso sa city hall na pinagnakawan)
CN: Narinig ko ang kaguluhan dito. Bakit?
Mayor: Nanakawan kasi ng mga rebelde ang aming bayan. Hindi namin kilala itong Ka Oliver na ito dahil ngayon lang namin ito narinig.
CN: Well, wala ba kayong CCTV?
Mayor: Hindi kami mayaman, wala kaming pambili ng ganun.
CN: Kailangan mahuli ko itong Ka Oliver na to.

(sa bundok ng Sierra Madre)
(radio): Like a G6! Like a G6!
Ka Oliver: Sige, madami pang inuming buko dyan.
Pinya: Ayos ang nakawang ginawa natin!
Ka Oliver: Siyempre naman. Sabi ko naman sa inyo, magtiwala lang kayo sa akin.
Juicy: So, anong next na gagawin natin?
Ka Oliver: Uurong tayo ng konti. Dun tayo sa medyo mayaman-yaman na bayan. Tapos nanakawan din natin. Kailangan makilala tayo ng buong mundo at hindi lang isipin na minor threat tayo.

(Sa Grassa Wrap Main Store)
Led: Natutuwa ang aking business partner na si Mr. Grassa dahil sa mainit na pagtanggap nyo sa Russian Style Shawarma nya. At napakalaki nga ng sales namin na umaabot sa 1 milyon kada lingo. Dahil dyan, naisip namin magtayo ng ikalawa naming food cart business na sure din papatok sa panlasa nyo! Russian Style Siomai!
Press: Sir, Russian style? Di ba Chinese ang siomai?
Led: Tikman nyo.
(pinatikim ni Led sa mga press at sa mga tao sa paligid ang siomai. Hindi ito masarap, pero dahil meron itong chemical na gawa ni Mrs. Pisikos, eh naadik agad ang mga tao nito)
Press: SARAP! San yung outlet nito?
Led: Pwede ka nga magfranchise eh. Ito ay tatawagin naming SIOMAI COCK!
Lahat ng tao: SIOMAI COCK?!?!
Led: Oh yeah. Kasi ang siomai na ito ay hindi gawa sa pork. Gawa ito sa chicken. Secondly, ang main outlet nito ay itatayo sa Center for Objects and Crystals Knowledge School.
Press: AYOS!!

(Sa Villa Dumayo)
Eileen: Nalulugi na ang mga food cart business ko. Walang hiyang Grassa yan. Tawagan mo nga ang presidente ng Pilipinas at imbitahan mo siya mag dinner sa bahay ko.

(Sa Malacanang)
Secretary: Ma’am, si Donya Dumayo po.
Laura: Hello?
(on phone): iniimbitahan po kayo ni Donya Dumayo na kumain sa Villa Dumayo ng dinner.
Laura: Ay sorry ah. Pupunta kasi ako mamayang tanghali ng Hong Kong para sa visit dun.
(on phone): ganun po ba? Sige sabihin ko nalang.
Laura: Wooh. Lusot.

(sa Grassa Wrap Warehouse)
Vince: Akala ko ba gagawa tayo ng something cool. Yung parang sindikato style. Bakit puro food cart business to.
Viktor: Narinig ko ang reklamo mo. Oo. Magsisimula na tayo. Ito na yung simula. Yung Siomai COCK.
Vince: Teka, hindi ba tayo magpapasok ng drugs sa Pilipinas or something?
Viktor: Hindi drugs ang ipinunta ko sa Pilipinas or illegal acts. Ang ipinunta ko dito ay world invasion. Hindi pa kasi maperfect ni Prof. Pisikos ang chemical na cocontrol sa utak ng mga tao.
Vince: Well, hindi mo sila macocontrol pero pwede mo silang baliwin.
Viktor: Ayoko. Ayoko mamuno sa isang bansa na baliw ang mga tao.
Vince: Gusto mong pamunuan ang Pilipinas?
Viktor: Dito ako magsisimula. Then, palalakasin ko ito sa pamamagitan ng pagsakop ng kalapit na bansa. Malaysia, Thailand, Taiwan, Indonesia. And so on.
Vince: Without any weapons?
Viktor: As much as possible. Ibang invasion ang gagamitin ko. Business-oriented.
Vince: Anlabo boss.
Viktor: Oo nga eh. Basta, revolution.
Berlin: Boss, andito na yung chemist nyo.
(pumasok na si Mrs. Pisikos)
Viktor: Ano nagawa mo na?
Pisikos: Yung crop poison, nagawa ko na. Yung mind control chemical nyo, hindi pa.
Viktor: Akin na yung crop poison mixture.
Pisikos: Sir, this will kill hundreds, or even thousand people.
Viktor: Well, iinform mo nalang mga mahal mo sa buhay. If I won’t start the change who will?
Pisikos: Pero this is not right! Killing innocent people!
Viktor: Alam mo, sa proseso ng pagbabago, lalo na kung biglaan, marami talagang maaapektuhan. But in the end, makikinabang naman ang lahat. You want change right? This will start the change.
(iniabot ni Mrs. Pisikos ang vial na naglalaman ng mixture ng crop poison. Iniabot din ni Mrs. Pisikos ang formula.)
Viktor: Vince! Dalhin mo ito sa lab.

isinulat ng EHS noong8:38 PM