Tuesday, May 31, 2011

Chapter XXXII: Epidemic


(ilang weeks na kumakanta at lumalabas sa TV si Bruno Earth. Meanwhile sa Pilipinas)
Midas: Grabe. Sikat na si Bruno. Sikat na sikat.
Vincent: Oo nga eh. Katulad nung kanta nyang Gazillionaire. Pati yung Just the way you suck, Grenade Launcher, Bruno Song, Marry Me at marami pang iba.
Midas: Di na nga tayo kinokontak eh.

(Sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Anak, alam ko na ang lahat. May laboratory ka.
(via Skype): Sorry tay. Gusto ko mang sabihin, maraming humahadlang eh. Ako si Captain Nguso.

(Sa Malacanang)
Secretary: Ma’am, yung DOH Secretary on line 1.
Laura: Hello?
DOH SECRETARY (on phone): Hello ma’am, andito ako ngayon sa Ospital ng Maynila. May epidemyang nagaganap.
Laura: Epidemya?
DOH: Hindi pa po natin mapangalanan sa ngayon. Basta ang nangyayari, nilalagnat ng sobrang taas yung tao, after 2 days, namamatay siya. 23 people na po ang confirmed dead.
Laura: Oh my God. Pupunta ako dyan, pagusapan natin kung saan galing yan.

(after ilang days sa mga dyaryo)
The Manila Bule-tin
DOH: No Rice

The Philippine Sun
Rice, The Root Cause of Epidemic

The Philippine Daily Question
No Rice First?

Bagong Tikitik
Kanin, Ipinagbabawal!

(Sa Grassa Wrap Warehouse)
Viktor: HAHAHAHAHAHA! Ang simula ng ating mga plano!
Ber: Bos, magreresign ako. Namatay yung pinsan ko dahil dito. Irereport ko ito. Hindi ito maaring dumami.
*BANG*
(bumagsak ang tauhan ni Viktor, patay na)
Viktor: Sinabihan ko kayong sabihan ang pamilya nyo na umiwas sa bigas. Ngayon, sino mang magbalak o magplano na ilaglag ako, ay mamamatay.

(Sa Apartment ni Bruno sa Amerika)
Yahoo! News
Death Toll Rises to 2700.

Bruno: Andaming namamatay sa epidemya ng bansa ko.
(tinawagan nya yung manager nya, si Mr. Smith)
Bruno: Hello sir? I want to return to my country.
(on phone): But it’s too risky! And you have an upcoming New Year concert in Las Vegas!
Bruno: It won’t take long. I just need to see my country men.
(on phone): Okay. Do it very fast.

(Sa Ernst and Knowles)
Lisa: SCOUTS! Ang primary mission natin ngayon eh tumulong sa pamahalaan na kumpiskahin lahat ng bigas. Bawalan ang mga nagtitinda nito at bawalan ang mga taong kakain ng kanin.
Scouts: Ma’am yes ma’am!
Lisa: Namatayan tayo ng 29 scouts. Kumain sila sa canteen ng rice meal. Una nating gagawin, wasakin ang canteen!

(Sa bahay nila Midas)
Vincent: Pare, dito muna ko titira. Okay lang ba?
Midas: Bakit?
Vincent: Umalis kasi yung pamilya ko habang nasa school tayo kanina. Alam mo naman, rice dealer kami. At lahat ng rice dealer ngayon ay pinapatay o binubugbog ng mga galit na kaanak. Nagsara na nga yung Mang Sinalsal namin eh.
Midas: Oo nga pala. Dun nga pala pinakamaraming naapektuhan dahil sa unli rice.
Vincent: Di lang naman kami yung nag-unli rice eh. Madami ding gumagaya.
Midas: Ang gulo ng bansa natin ngayon. Nasaan ang UN. Global conspiracy to.
Vincent: Tigil mo na nga yang mga shit na yan pare.
(maya-maya dumating din ang pamilya ni Gee kanila Midas)
Gee: Pare pwede ba makituloy muna. Pasensya na. Hinahunting kami ngayon.
Midas: Wow. Refugee camp ngayon ang bahay namin ah.
Gee: Okay lang naman kung hihindi ka. Nagagalit ngayon yung mga taong binigyan namin ng bigas para sa relief goods.
Midas: Pasensya pare. Di ko pwedeng ilagay sa panganib itong pamilya namin.

isinulat ng EHS noong4:41 PM