Monday, June 20, 2011

Chapter LII: X for Xtra


(Sept. 21, 2011, sa AMF HQ Underground)
(inayos na uli nila)
Lisa: Kill or be killed ito. AMF Scout ka man, Elite squad, ordinaryong citizen, o kung sino ka man, we need to liberate this government. We need to stand up as a nation. We need to destroy the Grassa Regime! The regime that enslaved us for 4 months!
Mga tao: Mabuhay!!

(Sa Malacanang)
Led: Boss, bakit parang inuubos nalang natin yung pera ng Pilipinas. Bakit parang wala naman tayong ginagawa.
Viktor: Meron! Naguubos tayo ng pera! Hahahahaha! Nagbago na pala isip ko. Atin na tong islang ito. Pwede na umalis ng bansa ang mga Pilipino. Kung sino man may gusto.
Led: Tapos?
Viktor: Well, magtitira tayo ng slaves. Yung magtatanim para sa atin, mga ganun.
X: I don’t think so.
Viktor: Fuck may siraulo. Kunin nyo yan!
(tumakbo si X. Sobrang bilis nya tumakbo at tumalon siya sa bintana at nawala sa damuhan. Pagkasilip ng mga tauhan ni Viktor sa bintana, napakaraming taong kamukha ni X.)
Led: Boss, patay tayo.
Viktor: Ha? Masks on! I-on ko na yung smoke box. Tingnan natin sinong magaling.
(in-on ni Viktor ang smoke box. Meanwhile, winawasak ng mga tauhan ni Lisa ang smoke boxes. Naka-masks din sila na issued ni Lisa kaya di nila nalalanghap ang deadly gas.)
Led: Boss, kelangan na natin tumakas. Dumarami ang mga tao. Andito na din ang military.
Viktor: Holy crap.
(nilusob na ng mga tao ang Malacanang. Pinagpapatay na din ang ibang guards. Ang mga military base na hawak ng mobs ay winasak na ng mga military at taong bayan. Sinisira na din nila ang smoke boxes.)
Led: Oh God. (nagbaril sa ulo si Led. Patay agad. Nawala na din ang ibang tauhan ni Viktor. Ang iba ay patay na at ang iba ay tumakbo o sumama sa uprising)
Viktor: NO!!!!!!!!!!!!!
Lisa: Too late asshole.
Viktor: Lisa? Bakit mo to nagawa sakin?
Lisa: Pilipino ako Viktor. Kahit masama ako, kadugo ko pa rin ang pinahihirapan mo. Sinira mo ang bansa namin.
Viktor: Pero magkasama nating plinano ito!
Lisa: Kasinungalingan! Dinadamay mo ko sa kawalanghiyaan mo Viktor Grassa! Ang pumatay sa milyong-milyong Pilipino dahil sa crop poison!
Viktor: Pero-
Lisa: Wala nang pero pero. Hinuhuli ka namin!
(tinali nila si Viktor.)
Lisa: Itago yan. Baka patayin agad ng mga tao. Kelangan matorture pa yan.
(lumabas si Lisa sa labas ng Malacanang)
Lisa: Tapos na ang gera! Atin na ang Pilipinas!
Mga tao: YEHEY!!!
Lisa: Bukas, sa Plaza Mendiola, pahihirapan natin si Viktor Grassa katulad ng ginawa nya sa atin!
Mga tao: MABUHAY!!!! LISA! LISA! LISA!
Lisa: Kung okay lang sa inyo, ako muna ang magiging presidente nyo.
Mga tao: Okay lang!!!!
(nagsaya lahat ng tao. Na-clear na din ang Pilipinas dahil wala na ang smoke boxes.Umalis din agad ang mga Russian mob sa bansa.)

(kinabukasan, sa Plaza Mendiola)
Lisa: Meron pang isang smoke box para sayo Viktor. Ipapasok ka namin sa loob ng smoke box. Titingnan namin kung ano ang mangyayari sayo.
Viktor: WAG!!!!
Mga tao: WOOOO!!!!!
(pinasok na sa loob ng smoke box si Viktor. Namatay agad siya makalipas ang isang minuto. Unti-unting nanuyo ang balat nya at nanguluntoy. Nagpara siyang raisin.)
Mga tao: YEHEY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
(nagparty na sa Plaza Mendiola ng biglang dumating si Captain Nguso dala si Laura)
CN: Ngayong tapos na ang kaguluhan, maari na nating ibalik ang ating pangulo.
Mga tao: LISA! LISA! LISA!
CN: Pero hindi yan pangulo! Kakampi yan ni Viktor! Sabay sila nagplano! Di lang nya sinasabi sa inyo!
Lisa: Maniniwala ba kayo dyan? Nasaan si Captain Nguso sa loob ng 4 na buwan? Baka gumagawa lang sila ng Baby Nguso ni madam president!
(nagtawanan ang mga tao)
CN: Kabastusan ang lumalabas sa bibig mo Lisa! Nandun ako sa uprising! Nagtatago lang ako sa maskara!
Lisa: Hindi! Mga simpleng mamamayan ang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay! Wala kaming nakitang superhero! Pasikat ka lang talaga Captain Nguso! Pang- maliliit na krimen ka lang! Pang media ka lang!
Mga tao: Oo nga!!!
CN: Si Pres. Laura ang pangulo! Siya ang dapat maupo sa pwesto!
Lisa: Tanungin natin ang mga tao! Sinong gusto nyo?
Mga tao: LISA! LISA! LISA!
Lisa: Sorry. Democratic country tayo at tao ang masusunod.

isinulat ng EHS noong10:00 PM