Tuesday, June 21, 2011

Chapter LIII: Christmas, 2011


(Well, si Lisa na ang naging presidente ng Pilipinas. Binalik ang mga natitira pang senador, cabinet secretaries, congressman at iba pang pulitiko. Yung mga namatay, nagkaroon ng eleksyon. Maayos naman mamahala si Lisa. Meron siyang pinakamalupit na batas na tinatag. Ang Filipino-only policy. Tinuro sa wikang Pilipino ang lahat ng subject kahit English subject. Filipino ang ginagamit sa pormal na sulatin, mga debate, at mga usapin. Filipino din ang mga balita, dyaryo at lahat ng bagay. Mas nagustuhan ito ng mga Pilipino. Lumakas din ang AMF Scouts. Meanwhile, si Laura del Rosario ay nasa Baguio nalang at nanahimik doon. Si Captain Nguso ay tumutulong parin pero di na appreciated ang mga tulong nya. Magpapasko noon. Nagimbita si Charles na magpasko sa England. Sagot nya ang tirahan. Lumipad agad papunta doon sina Midas, Vincent at Christine pati yung iba nilang kamag-anak. Napadalhan din ng mail si Gee at Bruno. Di makapunta si Gee dahil sa kakulangan sa pamasahe.)

(sa bahay nila Bruno)
Bruno: Pwede ko to liparin as Captain Nguso. Kakapit nalang ako sa eroplano para di ako pasabugin.
(dumating ang tatay ni Bruno)
Bruno: Tay, punta lang ako England. Dun ako magpasko. Gusto mo sumama?
Mr. Andres: Sige!
Bruno: Okay let’s go!
(nagtransform na siya at lumipad papuntang England kasama ng tatay nya.)

(Sa London)
(after ng kasiyahan)
Charles: Mukhang kulang guest room namin. 3 lang yun eh. Mga lalake, sama sama na lang, tapos Bruno, samahan mo na tatay mo. Si Christine nalang hiwalay na kwarto.
Midas: Samahan ko nalang si Christine.
Vincent at Bruno: No.
Midas: Ah okay. Tara baklaan na.

(Sa Malacanang)
Devonito: Ngayon, mga sisters, magpasalamat tayo sa pagpapayabong ng cocks for gays movement. Magpasalamat tayo sa tunay na Pilipino nating pangulo na si Pangulong Merselisa Flores!
Mga baklang officials ng cocks for gays: Thank you po mam!
Lisa: Para yan sa pagkakapantay pantay mga iha!
Joe: At salamat din po ma’am sa pagtanggap sakin. Kahit baklah po ako, nagawa ko pa din ang dapat kong gawin bilang AMF Elite Squad.
Lisa: Oo naman Joe-Bert. Ikaw pa.
Eileen: Sandali lang.
Lisa: Sino to? Guards bakit nandito to?
Eileen: Ilang months ako nagtago sa loob ng stock room ng Malacanang. Napakatagal! Narinig ko ang lahat Lisa. Magkasama kayo ni Viktor. Pero in the end, trinaydor mo siya.
Lisa: Gusto mo ikulong ka uli namin sa stock room?
Eileen: Nawasak ang businesses ko. Nalugi ang mga kompanya ko. Wala na kong titirhan. Adviser ako dati ni Pangulong del Rosario.
Lisa: Teka, diretsuhin mo nga sinasabi mo! Ano bang kailangan mo?
Eileen: Sana, maging Christmas gift ko ay ang pagtira ko dito sa Malacanang.
Lisa: Okay fine, fine. No choice ako. Basta wag mo ko ilalaglag.
Eileen: Alam mo ba na nakikita ko ang future?
Lisa: Wala akong pakialam.

(Sa kabundukan ng Sierra Madre)
Ka Oliver: Merry Christmas sa inyo mga kapatid.
(walang pumapansin. Hindi naman kasi nila alam ang pasko.)
Laki: Wala ba tayong makakain?
Ka Oliver: Wala na eh.
Laki: Sayang lang paghihirap natin. Mabuti pa, umuwi na lang tayo sa ating kanya-kanyang mga bahay.
Pinya: Oo nga tay.
Ka Oliver: Teka, wala na ba kayong tiwala sa akin?
Lahat: WALA NA!
(nagalisan na ang mga tao. Wala nang nagawa si Ka Oliver para pigilan ang pagalis ng kanyang mga kasamahan. Naiwan siyang magisa at nakaupo.)
Ka Oliver: O bakit nandito ko pa?
(tumabi sa kanya si Juicy)
Juicy: Naisip ko lang, hindi kita kayang iwanan.
Ka Oliver: Sige na, sumama na ikaw dun sa mga kabaryo mo.
Juicy: Kaya ko silang iwanan. Pero ikaw…
Ka Oliver: Kaya ko na sarili ko.
Juicy: Pero di ko kaya ng wala ka.
Ka Oliver: Bakit? Kasi wala kang makakain?
Juicy: Hindi lang yun. Di bale nang wala akong makain basta kasama kita.
Ka Oliver: Ang corny na ah. Kinikilabutan na ko.
Juicy: Ako, kinikilig na.
Ka Oliver: Does it mean-
Juicy: Iyong-iyo ako Oli.

(FADE OUT TO BLACK)

isinulat ng EHS noong9:35 PM