Wednesday, June 22, 2011

Chapter LIV: 2012 Scare


(Dahil sa sobrang censored ng mga naganap, fast forward tayo ng almost 1 year. Ano nga bang nangyari sa loob ng 1 year? Wala namang significant. Si Pres. Merselisa Flores pa rin ang presidente. Siyempre may mga rallyista pa rin at ganun pa rin naman ang ekonomiya ng Pilipinas. Napaunlad nga lang yung education system ng bansa na nagkaroon ng 6 years ng high school. Ang schools katulad ng Ernst and Knowles ay nagoffer ng Junior High at Senior High. Tig-3 years yun. Si Dr. Victor Navy pa rin ang president ng Ernst and Knowles pero since naging presidente si Lisa, di na siya nagturo. Pinalitan na din si Mrs. Pisikos ng isang professor na doctor na ang pangalan ay Dr. Ben. Si Lisa naman ay napalitan ng isang stage actress ng CCP na si Gina Len. Well siyempre, wala na ang Grassa-Wrap at Siomai Cock dahil lugi na. Rampant na din ang kabaklaan at katibuan sa Pilipinas dahil sa mga pinagtatatag na samahan ni Maestro Devonito. Pero wala pa din namang same sex marriage dahil sa pagtutol ng mga pari. Bumalik na din ng Pilipinas si Midas, si Christine at ang pamilya ni Vincent. Nag-aral uli sila sa Ernst and Knowles. Si Charles naman, bumalik din at nagpatuloy uli sa Friar University. Nawalan sila ng balita kay Gee. Pero si Gee ay nasa COCK pa din at tuloy lang sa pambababae. Di na siya masyado nagpaparamdam. Wala pa din nakakaalam ng nakaraan ng AMF Scouts. Wala din kasing naniniwala na kay Captain Nguso kahit napakarami nyang sinave na tao. Si Eileen ay naging adviser na din ni Lisa. Umalis naman ng Sierra Madre si Ka Oliver at Juicy at pumunta ng Maynila para magpakasal. Pero di sila tinatanggap dahil wala silang pambayad. Si Bruno naman, kumakanta kanta na lang sa kung saan saan, kung minsan sa kalye para may libangan siya.)

(December 20, 2012. Takot lahat ng tao dahil matatapos na daw kinabukasan ang mundo. May mga nagdasal na, nagsisi, namili, nagpakasaya, nagparty at kung ano ano pa. Meron din namang mga skeptical about sa katapusan ng mundo.)

(Sa Malacanang)
Lisa: Ano, matatapos ba yung mundo bukas?
Eileen: Wala naman akong nakikita. Wala yan.
Lisa: Takot lang talaga lahat ng tao eh.

(Sa bahay nila Midas)
Midas: Pare, punta uli kayo bukas, magpapa Christmas party kami dito.
Vincent: Ayos. Party like it’s 2012.
Bruno; 2012 na nga.
Midas: Tapos ikaw kakanta Bruno.
Charles: Oo nga!
Bruno: K.
Vincent: Parang wala ka sa mood pre ah.
Bruno: Kasi, kailangan ko na dapat maghanda ngayon eh. Kailangan ko na puntahan yung taong mahal ko na for 1 year, di ko pa nakikita. Puro text lang. Paano kung matapos ang mundo bukas?
Midas: Ang morbid mo kasi. Iniisip mo na yung katapusan ng mundo.
Bruno: Paano nga pre?
Charles: O di, done.
Vincent: Di yan! Ano ba kayo, yung mga sinabi sa 2012 prophecy, hindi magaganap. Yung pagikot nung mundo, yung great flood, yung super nova nung sun, yung pagtigil ng ikot ng mundo, wala.

(December 21, 2012, pagkagising pa lang mga tao, kabado na ang iba. Umabot ng hapon, wala pa ding nangyayari. Pero di pa rin kampante ang mga tao. Nagdadasal si Lisa at nagoorasyon si Eileen. 9 p.m. party sa bahay nila Midas. Andaming sikat na tao na invited. Dumating si Gee)

Midas: Nagpakita din!
Gee: Siyempre naman, natanggap ko text nyo eh. O ano wala bang babae?
Charles: After party fun yun. Andito pa mga magulang ni Midas oh.
Vincent: Problemado si Bruno ah.
(nilapitan nila si Bruno)
Midas: Pare, kaya mo pa ba talaga kumanta o wag na? Parang matatapos na mundo mo ngayon ah.
Bruno: I’m worried.
Midas: Ano ka ba. Andito tatay at nanay mo sa party. Andito mga pamilya natin. Kung matapos na ang mundo, at least magkakasama tayo ng mahal natin sa buhay.
(meanwhile sa likod nila)
MC: At eto na. International superstar to dati. Pero pinagpalit ang kasikatan para sa Pilipinas. Please all welcome, Bruno Earth!
Midas: Bruno kakanta ka na.
Bruno: Wait lang.
MC: Sandali lang daw.
(umalis si Bruno. Maya maya dumating si Captain Nguso.)
MC: OH MY GOD! LADIES AND GENTLEMAN, SI CAPTAIN NGUSO! SURPRISE GUEST NATIN!!
(walang pumalakpak)
CN: Guys, nafifeel ko matatapos na ang mundo. Kahit walang magsabi. Kaya aamin na ako. Ako si Bruno Earth. Bruno Mike, Bruno Andres, Bruno, ako yun. Hindi ako makakapagtransform sa harap nyo dahil di mangyayari yun. I returned to this country for a mission. Pero as I can see, wala nang nangangailangan kay Captain Nguso. Ayaw nyo maniwala na hindi mabuting tao si Pres. Merselisa.
(biglang nag-alarm ang alarm sa CN Lab. Lumabas ito sa CNTouch ni Captain Nguso. May message ito.)

isinulat ng EHS noong7:36 PM