Thursday, June 9, 2011

Chapter XLI: Infiltration Day


(pinakilala nga ni Midas si Joe-Bert or mas kilala bilang Joe kay Vincent. Naging close si Joe kay Midas. Madaming nalaman si Midas about sa underground ng AMF. Pero kulang pa ang impormasyon. Isang araw inimbitahan ni Midas si Joe sa bahay nila)
Joe: Taoh poh.
Midas: Oh, Joe, tara akyat tayo sa roof deck.
(umakyat sila sa roof deck. Andun sila Charles at Vincent)
Joe: Hi poh mga kuyah.
Midas: Well, may irerequest sana kami. Gusto namin mapasok ang napaka maaksyong mundo ng underground AMF.
Joe: Oh no. Di po pwede.
Midas: Please? We love action.
Joe: Hmm.. Di po pwede. Delikado po ako nyan. Magiging senior officer na po ako ng scouts. Baka mawala pa po ako sa posisyon.
Midas: Kaya naman namin magkunwari eh.
Joe: Well, ewan.
Midas: Meron bang mga ibang kasing edad namin na member ng elite squad?
Joe: Yuhh.
Midas: Ayun. Magkukunwari kami na galing kaming elite squad.
Joe: Kokonti lang yung mga yun. Magkakakilala sila actually.
Midas: E di kunwari bagong recruit. Don’t worry. Pag nahuli kami, di ka namin isasabit.
Joe: Sure uh?
Midas: Oo.
Joe: O sige. Ikukuha ko kayo ng uniforms. Dalhin ko dito bukas.

(kinabukasan)
Charles: Ayos to ah.
Midas: Okay eto ang plano. Binigyan ako ng instructions ni Joe. Nagpapalit palit ang number combination ng HQ every week. Nakasulat dito ang number combination. Bawal tumakbo. Diretso lang ang tingin. Bawal titingin kung saan saan. Dapat may paututunguhan lang.
Vincent: Cool.
Midas: Okay. Di tayo pwede magtabi tabi. Mga 5 meters tayo sa bawat isa. Di tayo magkakakilala.
Charles: Okay.
Midas: Let’s do this.

(pumunta na sila ng Ernst and Knowles ng gabi. Pumasok sila sa loob ng HQ at inenter ang code. May dumating na lift. Bumaba ang lift at nandun nanaman sila sa underground.)
Vincent: (pabulong) pre, dun tayo sa training.
Midas: (pabulong din) ge. Teka si Charles?
(nawala si Charles bigla)

(napunta sila sa naririnig nilang putukan ng baril. May mga nagpapractice shooting doon. Iba’t ibang baril ang gamit. Merong pistol, SMGs, shotgun at kahit sniper rifles. Pero konti lang yung sa snipers. Meron din silang nakitang room na nakalagay na Maze. Para itong training school ng mga assassins.)

(maya-maya, may lumapit kanila Vincent at Midas)
Scout: Anong level?
Midas: (WHAT THE-) ha?
Scout: Level.
Vincent: (pre, wala kang nabanggit about level!)
Midas: (tang ina. Ano to)
Scout: Huy!
Midas: Ha? Dito kami.
Scout: Tinatanong ko anong level nyo.
Vincent: 2.
(umalis yung scout)
Midas: Shit. That was close.
(bumalik yung scout na kasama yung scout na nanguryente kay Gee. Tumalikod at unti-unting umiiwas si Midas. Kilala siya nito)
Scout 1: Mga brad, bago ba kayo?
Vincent: Oho eh.
Scout 1: Okay. Walang level 2. Baka di kayo nakikinig sa instructor nyo. We have codes here. It’s either di kayo nakikinig or di kayo taga dito.
Vincent: Di lang ho namin narinig masyado.
Scout 1: And, yung katabi mo, bakit nagtatago yan ha?
Vincent: Ha?
Scout 1: Hoy.
(nilapitan nya si Midas at hinawakan sa siko. Bago pa maharap si Midas, sinapak nya yung scout)
Midas: TAKBO!
Scout 1: Block all exits. All units alert, we have been breached. Dalawang lalake. Isang mataba na member ng AMF Scouts at isang intsik. Parehong medyo mahaba ang buhok.
(tumakbo sila Midas at Vincent papuntang lift. Pero nakalock na ito.)
Scout 1: Do not let them out alive.
(pinaligiran na sila ng mga scouts at nakatutok ang mga baril sa kanila. Tumutunog pa din ang alarm. Lumapit ang scout na nanguryente kay Gee at nginitian sila sabay labas ng desert eagle nya.)

isinulat ng EHS noong8:43 PM