Friday, June 10, 2011

Chapter XLII: New Truths


Scout 1: Who’s first.
WAIT!
(may lumapit na isang scout. Nakasuot siya ng AMF Scout General uniform at may dalang makapal na folder. Kasing edad lang din siya nila Midas.)
General: Anong kaguluhan ito ha?
Scout 1: Sir! (sumaludo)
General: Answer me.
Scout 1: Sir, pumasok itong dalawang ito sa HQ natin. Yung isa AMF Scout pero yung isa, di ko alam. Di dapat nila maibalita ang tungkol sa ating lugar.
General: Yes I know.
Scout 1: So I have to kill them.
General: Then magtataka ang mga magulang nila saan sila napunta? Pano kung may nasabihan sila about this area? E di nilusob tayo nung mga nasabihan nila.
Scout 1: But-
General: Wag kang padalos dalos Scout Santos. Hindi mo pwede basta bastang patayin to.
Scout 1: Sorry sir.
General: Ganito gawin nyo ha. Itali nyo itong dalawang ito. Lagyan nyo ng weight sa magkabilang paa. Kahit bato lang. Basta lulubog sila. Itatapon ko sila sa Ilog Pasig.
Scout 1: Pero, ganun pa din. Pinatay pa din sila!
General: But eventually, lalabas na nagsuicide lang sila. Kesa naman nawawala ang mga bangkay nila. Ako na bahala sa suicide notes. Kelangan maidispatsa na to bago mag umaga.
Scout 1: Okay scouts! Do what general says!
(tinali na nila sila Vincent at Midas. Naluluha na ang dalawa at nagdadasal. Si Joe ay nasa isang tabi at walang magawa.)
General: Kelangan ko ng dalawang assistants na tutulong sa akin itapon itong dalawang ito.
Scout 1: Sir ako po.
General: No. You did great. Good job. Yung mga baguhan nalang. It’s been a long night. Umuwi na kayo.
Scout 1: Sir, mamaya pa uwi namin.
General: O di continue training. Basta yung dalawang baguhan. Go. Buksan ang lift.

(binuksan na nila ang lift. Sumama ang dalawang baguhang elite scout. Dala dala na sila Midas at Vincent.)
Midas: General. Ser. Pramis, wala akong pagsasabihan. Kahit pinsan kong scout master.
(di umiimik ang general. Dumating na sila sa may Pasig Riverbank.)
General: Kalagan nyo yung tali. Maiisip na murder ang naganap.
(tinanggal ng mga scouts ang tali.)
General: Any last words?
Vincent: Hahanapin ka ng pamilya namin. Mamamatay ka.
Midas: Lord, save me.
General: Very well said.
(sinapak nung general sa mukha yung dalawang scouts sa mukha. Bagsak ito pareho. Kinuryente pa nya ito gamit ang stun gun.)
Midas: What the f-
General: O ano pang ginagawa nyo dyan. Wala na kayong tali, tulungan nyo naman mga sarili nyo. Magisip naman kayo.
Vincent: Bakit mo to ginagawa?
General: Dahil tanga kayo.
Midas: Murahin mo na kami. Maraming salamat pa din.
General: Uwi na tayo. Bilisan natin. Bago pa nila malaman.
Midas: Di ka pa namin nakikilala.
General: Tanga, ako si Charles. Tara na.
Midas: What the-

(sa bahay nila Midas)
Vincent: Nice show pre!
Charles: Haha. Ganito kasi yan. Nung nawala ako, pumasok ako sa isang room. Nakalagay, Office of the Scout General. Actually may office din dapat dun si Christine pero di nya alam. Sa totoong buhay, nakita ko sa hierarchy nila, kanang kamay ng Scout master yung scout general. Pero wala pang scout general. This graduation pa lang magkakaroon. So nandun lang yung uniform.
Midas: Ayos pre! Lupet!
Charles: Oh yeah. I saved your lives man. You owe me. Pero di lang yun ang nadiscover ko.
Vincent: Ano pa?
Charles: Ang AMF Elite Squad ay grupo ng mga assassins. Well actually obvious naman sa training nila. Pero hindi sila nagtatraining for assassination. Yung shooting something nila. Hindi yun for assassination purposes. Di ko alam para saan yun.
Midas: Tuloy mo na pare. Nakakaexcite yung storya eh.
Charles: Okay. So sila ang pumatay kanila Mrs. Bartolome at Agriculture secretary. Well marami pa silang inassassinate. Mga 6 na ata. Pero ito lang dalawa yung sikat.
Midas at Vincent: Oh my. Tama ka pre.
Charles: Told you. Pinalalabas nila na suicide lahat ng naganap. Wala akong nakuhang evidence. Pero meron akong mga nakuhang ilang files. Ito yun. Merong mga assigned na assassins. Magagaling sila. Ginagaya nila yung handwriting at sila ang gumagawa ng suicide letter. Yung sa agri secretary, pinakain sakanya yun. Forcefully. Yung kay Mrs. Bartolome, pinapunta ata siya sa pinakatuktok na floor at tinulak. Hindi ko alam ang motives. Kasi yung iba parang may kliyente. Pero yung 3 wala. Kasama sa 3 yung kanila Mrs. Barolome at Agri Secretary.

isinulat ng EHS noong7:20 PM