Saturday, June 11, 2011

Chapter XLIII: Lives in Danger


(sa bahay pa din nila Midas)
Midas: Christine, may kailangan ka malaman.
Christine: Agang aga ah. Ano yun insan?
Midas: You are serving an assassination organization.
Christine: Wow English.
Midas: Seryoso to. Kagabi, pinasok namin yung AMF HQ-
Christine: what-
Midas: Wait. Patapusin mo ko. Andito si Charles kagabi di ba? Pinasok namin yung AMF HQ. Kaming 3. Remember nung pumunta tayo sa storage at may nakita tayong keypad? Well, it’s a secret code para bumaba sa basement.
Christine: Eh bakit hindi ko alam to?
Midas: Baka ayaw sabihin ng Merselisa.
Christine: Pero ako ang scout master!
Midas: Alam mo ba na may scout general?
Christine: Oo! Nasa org chart yan eh. Pero ngayon pa lang may gagraduate na scout general. Ipagsasama na kasi ang CAT at AMF Scouts next school year.
Midas: Well, kung ayaw mo maniwala, puntahan mo. Ito yung code. Next week magbabago na yan.
Christine: Ewan ko ah. Pero feeling ko, isa to sa mga global conspiracy theories mo eh.
Midas: Pag sinabi ba ni Charles maniniwala ka?
Christine: Pwede. Kasi medyo seryoso yun eh.

(Sa CN Lab)
(may patuloy na nagfaflash sa screen ni Captain Nguso. Tapos maya maya ay lumabas ang presidente ng Pilipinas.)
Laura (on screen): Captain Nguso? Tulog pa ata.
CN: Andito na ko! Nagkakape lang!
Laura: Okay. Kelangan ko tulong mo. Nakuha ko ang records ni Viktor Grassa. Siya yung mob boss galing Russia na sinasabi ko sa dating presidente. Well, kahit siraan ko siya, walang maniniwala sa akin. Napakarami ring mga ralyista ang magkikita kita ngayon at magmamartsa papuntang Malacanang para mag resign ako. Pero di ako magreresign. Kaya please ensure my security.
CN: Okay ma’am! No problem!

(sa bahay nila Midas)
Christine: O sige na. Naniniwala na ko.
Vincent: Good!
Christine: Now, tatapusin ko lang tong school year na to. Ilang araw na lang, AMF Scouts Graduation na. Pero pano kayo? Malalaman din nila eventually na walang scout general at nakatakas ang dalawang prisoner nila.
Midas: Balak ko nga di na pumasok eh.
Vincent: Ako din eh. Punta na ko sana ng Hong Kong.
Christine: Actually, delikado talaga kayo. Katulad nga ng sinabi nyo na assassins tong mga to, eh, madaling mahahanap kung nasaan kayo. Bakit di natin ireport sa pulis?
Midas: Kulang kasi yung mga ebidensyang nasa amin. Pwedeng gawa gawa lang namin. Mga records lang naman to nung mga inassassinate eh.
Christine: Napakadelikado nyo ngayon. Buong NCR, merong AMF Scouts.
Midas: Well, kelangan ko to sabihin sa mga magulang ko.
Vincent: Ako nasabi ko na. Mga April 23, pupunta na ko ng Hong Kong.
Christine: 2 weeks pa? Di bale. Busy naman kami sa practice eh. Pero sana as soon as possible.

(Sa AMF HQ)
Lisa: ANTATANGA NYO. Bakit di nyo alam na walang Scout General pa ha?
Scout 1: Akala po namin, nagappoint na kayo eh.
Lisa: Ang tanga mo. Ngayon, paano tayo?
Scout 1: Hahanapin po namin sila at you know.
Lisa: Pero may mga nasabihan na yan. Kamag-anak, kaibigan. O ano, papatayin nyo din?
Scout 1: Ahmm..
Lisa: Nakuha pa yung mga previous hitlist natin. Ang tanga nyo talaga.
Scout 1: Sorry ma’am.
Lisa: Isipin nyo paano hindi sasama ang image natin ha? At kung liligpitin nyo yung 3 yun, bilisan nyo na.
Scout 1: Nakuha na po namin yung records nung 2. Yung isa, nasa atin yung records nya. AMF Scout siya. Nasa I.T. siya ngayon. Yung isa naman, I.T. din pero major in visual arts. Pareho silang dating taga Ernst and Knowles. Yung nagkunwaring general, probably kaibigan din nila yun. Pero di namin siya kilala. Hinalukay din namin yung files ng batch 2010 sa registrar pero wala yung mukha nya.
Lisa: Wait. Paano nalaman ang code? Paano nalusutan ang cameras? Hindi kaya may isa o sino man na nagtraydor dito?
Scout 1: Iniimbestigahan na po namin yan.
(kinabahan si Joe. Maya maya dumating na si Christine)
Scout 1: Hi ma’am.
Christine: Hello.
Lisa: O basta, ihanda nyo na yung venue for graduation ah.
(lumabas na si Lisa)
Scout 1: Ma’am, di po nagreport yung pinsan nyo. Si Scout Midas Lucas.
Christine: Di ko alam. Magkaiba naman kami ng bahay eh.

isinulat ng EHS noong11:09 PM