Sunday, June 12, 2011

Chapter XLIV: Biglaang Pag-alis


(Sa AMF Elite Squad HQ, underground, 10 p.m.)
Scout 1: Okay, Scout 13, 14, 15, 16, 17, saka ako, dun tayo kay Midas Lucas. Nakatira siya sa Cubao. Ito yung address. Mayaman sila at may guards, katulong at kung ano ano pa yung bahay. So we can’t make it sa front door. Meron silang roof deck. Dun tayo dadaan. So ang scene, nalunod siya sa swimming pool. Kung nasa roof deck siya, okay. Mas madali. Kung wala, hahanapin natin sa kwarto. Gagamit tayo ng lock pick ah. ZERO NOISE tayo. Bubuhatin natin siya at lulunurin. Next, Scout 2,3,4,5,6,7,8,9, dun kayo sa bahay ni Vincent Go. Eto yung address. Rice dealer sila. So madali lang itong pasukin.Ang scenario, naglaslas siya ng pulso. Understand?
Elite Squad: SIR YES SIR!

(papasok na ng kwarto si Christine nang may nakita siyang naglalakad. Nagtatago ito sa mga anino. Agad siyang tumawag sa 117 at pabulong na sinabi ang mga detalye. After 2 hours, dumating ang mga pulis pero wala naman silang nakikitang kaguluhan kaya umalis na ito.)

(kinabukasan)
(sa street sa Cubao, papunta si Bruno sa bahay nila Midas)
Bruno: Hingi nga ako kay Midas ng mga pelikula. Nabuburyo na ko kakahintay ng April 23 eh.
(may nakita siyang BMW Z3 na naka-park sa tapat ng bahay nila Midas)
Bruno: Oh yeah. Nice ride.
(nagpapicture siya sa tapat nung BMW. Vain photos kumbaga)
Bruno: Upload na to mamaya sa facebook!
(nag door bell na si Bruno. Dumating ang isang katulong nila)
Katulong: Kaibigan ka din ni Midas?
Bruno: Opo.
Katulong: Sige pasok.
(may dumating na din na mga pulis at inunahan si Bruno sa pagpasok.)
Bruno: Epal yun ah. Ano bang nangyayari?
Katulong: May akyat bahay kasi kagabi. Wala namang ninakaw. Nagiimbestiga yung mga pulis.
Bruno: Ganon ho ba.
(pumasok na si Bruno sa sala. Nakita nya si Christine na kinakausap ng mga pulis. Kilala nya yung katabi ni Christine. Si Charles yun. Nandun din yung mga magulang ni Midas)
Bruno: Charles? Akala ko nasa England ka?
Charles: O pare.
(lumapit si Charles at nilayo si Bruno sa mga pulis)
Charles: Baka magulo ang imbestigasyon. Eventually, di rin naman nila makikilala yan eh.
Bruno: What do you mean? Nasaan si Midas? Hihingi akong movie?
Charles: Pre, nung isang araw kasi, pumasok kami sa underground ng AMF HQ. Yung scouts ni Merselisa. Ayun. Feeling ko sila may pakana nito.
Bruno: Teka di ko naiintindihan.
Charles: Sila ang nasa likod ng pagpatay kay Mrs. Catalina at sa Agriculture secretary at yung pumasok din sa bahay ng mga Lucas.
Bruno: Pare, seryoso ka?
(umalis na yung mga pulis)
Charles: Seryoso.
Bruno: So pinatay si Midas?
Charles: Luckily, umalis daw sila ng bansa kahapon ng 8 p.m.
Bruno: San papunta?
Christine: Ayaw sabihin nila tito eh. For safety daw.
Bruno: Sino kasama?
Charles: Si Vincent. Dito kasi nakituloy si Vincent nung nagkaroon ng state of emergency.
Bruno: So pinagbalakan silang patayin ng AMF kasi may nadiscover kayong something? Eh bakit ikaw?
Charles: Hindi siguro nila mahanap ang identity ko.
Bruno: Swerte. Kung hindi, dead meat sila. Eh bakit di ka pa umalis Christine? Baka ikaw ang sumunod?
Christine: Hindi nila gagawin yun. Pagkatapos ng graduation, sa ibang bansa na lang din ako magaaral.
Bruno: Buti mayaman kayo. Kung ako yun, wala na. Lilipad na lang ako.
Charles: Lilipad?
Bruno: Ah- eh- lilipad sa langit.
Charles: Ah sige. Aalis na ko. Dumaan lang naman ako nung nalaman ko yung gulong ito eh.
Bruno: O sige ako na rin.
Charles: Sabay ka na.
Bruno: Sabay?
Charles: Oo. May dala akong kotse.
Bruno: Sayo yung BMW sa labas?
Charles: Yeah. Tara.
Bruno: What the fuck men.

(Sa AMF HQ)
Scout 1: Ma’am, wala si Midas sa bahay nila. Sabi naman nung lumusob sa bahay nila Go, matagal na daw walang tao dun.
Lisa: T*ng ina natakasan na tayo. Nakuha nyo yung documents?
Scout 1: Pinilit po namin hanapin pero wala eh. Umalis na din agad kami kasi may dumaan na police car.
Lisa: Inutil.

isinulat ng EHS noong5:40 PM