Friday, June 17, 2011

Chapter XLIX: Judgement Day Scam


(nagkalat na ang mga evangelists na nakarinig kay Ka Oliver tungkol sa May 21 as katapusan ng mundo. Sumasakay na din sila sa bus, tren at jeep. Meron na din silang mga giant posters at kung ano ano pang flyers. Sila Ka Oliver ay umanib na lang din sa sektang iyon para lang magkaroon ng matitirhan at pagkain.)
(Sa tren)
Ka Oliver: Meron akong dalang flyers dito about the end of the world.
(walang pakialam ang mga tao. May tulog, nagtetext, nagkukwentuhan at kung ano ano pa.)
Ka Oliver: Pero hindi end of the world ang sasabihin ko. Sasabihin ko ang tungkol sa organisasyon na tinatag ko. Ang Di Iisahan ang Community at Kayo. Sorry, di ko kayo mabibigyan ng flyers. Kulang pa kasi kami sa pondo. Pero isa lang masasabi ko. Makimiyembro kayo sa amin. Libre lang.
(wala pa ring nakikinig.)
Ka Oliver: Maawa na kayo.
(wala pa ring naririnig. Dumating na sa final station ang tren at bumaba na lahat. Wala nang nagawa si Ka Oliver kung hindi bumaba na din.)

(Sa Grassa Wrap Warehouse)
Viktor: Ayos, ang galing pala talaga ng Elite Squad mo. O anong plano?
Lisa: Ikaw sa planning di ba? Ay wag na pala. Pumalpak ang plano mo na national uprising. I know what you did last year Viktor.
Viktor: Ha?
Lisa: Ikaw ang dahilan ng kamatayan ng milyong-milyong Pilipino! Ang dahilan ng pagkamatay ng mga kamag-anak namin, mga minamahal sa buhay, scouts, estudyante, co-worker!
(tinutukan ng AMF Elite Squad ang mga tauhan ni Viktor at tinutukan din ng baril ng mga bodyguards ni Viktor ang mga scouts)
Viktor: Who told you?
Lisa: Co-faculty ko ang gumawa ng poison. Si Mrs. Pisikos. Nagpakamatay siya nung isang araw. Ikaw ang tinuro nya.
Viktor: Oo ako nga. May magagawa ka?
Lisa: Pwede kitang patayin!
Viktor: Do it.
Lisa: I won’t. Kelangan natin magkaisa. Pinatatawad na kita. Nasabi ko lang.
(nagtawanan ang lahat ng tao)
Lisa: Anyways, kailangan natin ma overtake ang gobyerno as soon as possible. Malapit na nila mabulgar ang sikreto ng AMF. Pag nabunyag ito, wala na. Di na kita matutulungan. Pesteng Captain Nguso kasi yan eh.
Viktor: Pareho tayo ng kaaway. Pero hindi lang Pilipinas ang gusto kong iconquer. I want the world.
Lisa: O sige. Pero sa Pilipinas lang kita tutulungan.
Viktor: Okay no problem with that. Gagamitin ko ang national uprising sa ibang part ng mundo.
(dumating si Led)
Led: Grabe, traffic.
Viktor: Tinatanong?
Led: Ah hindi naman kasi ikaw kausap ko eh.
(nagtawanan ang lahat ng tao)
Led: Matatapos na daw ang mundo sa May 21? Hahahahaha.
Lisa: THAT’s IT!
Viktor: Ha?
Lisa: We’ll take over on May 21.
Viktor: Pero 2 weeks from now na lang yun! Kulang tayo sa preparasyon!
Lisa: We’ll make a plan agad agad. Kailangan May 21, atin na ang Pilipinas.

(Sa Malacanang)
Laura: O ano yun Eileen napadalaw ka? Bilisan mo lang at busy ako.
Eileen: May nakikita ako about May 21.
Laura: Ano?
Eileen: End of your career.
Laura: Di ba sabi sa balita judgement day daw?
Eileen: Oh yeah. Pero para sa Pilipinas lang.
Laura: Ha? Di ba Amerikano nag prophesized nyan?
Eileen: Oh yeah. Pero matatanggal ka sa pwesto sa May 21.
Laura: Mamamatay ako? Maiimpeach? What?
Eileen: Kaguluhan.
Laura: Ah. Damn. Driver, tara na.

(Sa Grassa Wrap Warehouse, parang may klase)
Lisa: Okay, here’s what we do. We can’t enter Malacanang palace with weapons and all at hindi natin kayang pataubin ang presidente at ang army. So ito ang gagawin natin. Kikidnapin natin ang pinakamatataas na commanding general sa bansa. Buong AFP, PNP, NBI at lahat na. Tapos ako ang papasok ng Malacanang. May kakilala ako doon. Kikidnapin ko ang presidente at tatakutin na isa pang matinding epidemya ang ipapakalat ni Viktor Grassa kung hindi nya ako gagawing leader.
Viktor: Teka. Bakit ako ang masama? Ako dapat ang magiging leader ng Pilipinas di ba?
Lisa: O di magisip ka ng plano!
Viktor: Go ako sa kidnap yung military leaders. Iuutos natin na lusubin ang Malacanang dahil si Pres. Del Rosario ang nagpakalat ng poison. Tapos hulihin ang presidente. Pagkahuli, ipoproclaim ko na ako ang acting president.

isinulat ng EHS noong8:04 PM