Monday, June 13, 2011

Chapter XLV: Grand Rally

(Quezon City Circle)
Viktor: Approximately, ilan ang tao ngayon?
Led: Sabi kanina, aabot daw tayo sa 600 people mahigit.
Viktor: Ayos.
Ka Oliver: Galing pa kami ng Sierra Madre. Pumunta kami dito para sa adhikain nyo.
Viktor: K.
Ka Oliver: Ako nga pala si Ka Oliver.
Viktor: Sige na, dun ka na sa likod.
Ka Oliver: Salamat sa iyong mainit na pagtanggap.
(umalis na si Ka Oliver at dumating ang 3 bus ng AMF Scouts)
Lisa: Viktor, ako ang scout boss ng AMF Scouts, ito ang aking bagong scout master na fresh from graduation pa na si Scout Santos. At ito ang aking Scout General na si Scout Joe-Bert Canada.
Viktor: Ayos ah.
Lisa: Ayos talaga.

(Sa Malacanang)
Sec. of Defense: Naka red alert po tayo ngayon. Dineploy na po natin lahat ng pulisya, sundalo at kahit ROTC.
Laura: Okay. Good.
(umalis na ang sec. of defense)
Eileen: Sana malagpasan mo itong pagsubok na ito.
Laura: Sana nga. Feeling ko si Viktor Grassa ang magpapabagsak sa akin eh.
Eileen: Sana hindi. Ayoko mapasakamay ng foreigner ang bansa natin.
(dumating si Captain Nguso)
CN: Ms. President, I’m ready.
Laura: Kumain ka na ba?
CN: Basta, ready na ko. Maglagay kayo ng mga barricades, 100 meters from the gate of Malacanang. Lalagyan ko yun ng kuryente.
Laura: Sana di naman deadly ang kuryente. Kasi mga kababayan pa rin natin sila.
CN: Ah oo naman. Yung kuryente lang na tipong matatauhan sila.

(Sa bahay nila Midas)
Christine: Nasa Hong Kong daw sila insan at kuya Vincent. Nakikitira naman ngayon si insan kanila kuya Vincent. Kabaligtaran.
Charles: Ganon ba. Gusto mo pumunta? Baka puntahan ko sila sa Hong Kong. Walang magawa eh. Sabay na tayo.
Christine: Ay sige sige!
I’ll catch a grenade for ya. Throw my hand on a blade for ya…
Charles: Sino kumanta nyan? Parang may katulad ah.
Christine: Si Bruno Mars.
Charles: SABI NA EH. Feeling ko yung manager nito yung manager din ni Bruno. Yung si Bruno Earth. Gayang gaya eh.
Christine: Oo nga eh. Boses lang nagkaiba.

(sa tapat ng Malacanang)
Viktor: Lumabas ka dito del Rosario! Wag ka puro salita! Wag ka magtago sa palasyo mo!
(dumating si Captain Nguso)
Viktor: Captain Nguso sucks!
(nagsigawan ang mga ralyista)
Viktor: Kelan pa naging political ang isang super hero! Wag ka nga makialam dito!
CN: May karapatan ako makialam dahil Pilipino ako.  May karapatan ako dahil may opinyon ako at usapin ng national security ito.
Mga rallyista: Away na yan! Away na yan!
Viktor: Talaga? Showbiz ka nga eh! Gustong gusto mo yung nasa TV ka! Sobrang media exposure!
(may naalala si Captain Nguso. Naalala nya yung note na iniwan sa kanya nung pumatay sa voice culture instructor nya.)
CN: Mamamatay tao ka!
(kinuryente ni Captain Nguso si Viktor. Bumagsak ito. Nagwala ang mga tao.)
CN: Pinatay mo ang taong mahalaga sakin!
(kukuryentehin sana ni Captain Nguso uli si Viktor para mamatay na pero nakita nyang nagkakagulo na sa may Malacanang. Naglalaban laban na ang pulis at ang mga ralyista. May mga nagpaputok na ng baril.)
CN: ITIGIL NYO TO!
Ka Oliver: Ikaw nagsimula nito Captain Nguso! (dala dala ang kanyang kawayan)
CN: ITIGIL NYO ITO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
(sa sobrang lakas ng shockwaves, sumabog ang mga salamin, nag black out uli sa buong Maynila. Tumigil lahat ng tao.)
CN: Bakit kayo nagpapatayan? Kapwa Pilipino tayo! Bakit tayo nagpapauto sa foreigner na tindero daw ng Grassa Wrap at Siomai Cock? Bakit natin siya gagawing leader ng bansa natin? Nabubulagan na ba kayo?
Lisa: Ikaw ang bulag Captain Nguso!
CN: Wala kang karapatan magsalita pagka’t ikaw ang pumatay ng Agriculture secretary!
(nagbulungan ang mga tao)
Lisa: Mabigat ang paratang mo Captain Nguso!
CN: O ano, papatayin mo din ako? Palalabasin mo na suicide?
(nagbulungan muli yung mga tao)

isinulat ng EHS noong7:49 PM