Tuesday, June 14, 2011

Chapter XLVI: Sudden Change of Heart


Lisa: Mapamintang na tao! Wag kang manghusga nang hindi ka husgahan!
CN: Bilang na ang mga araw mo Lisa. Pipigilin ko anumang tangka ninyong masama. Tandaan mo yan.
Ka Oliver: Tigil na tong kwentuhan na to.
Akbayan: Oo nga. Uwi nalang tayo.
Bayan Muna: Oo nga.
Talamak: Magkakape na lang kami.
(umalis na yung mga ibang rallyista. Ang grupo na lang ni Ka Oliver, ang AMF Scouts at ang mga bodyguards pati si Viktor nalang ang natira.)
CN: Salamat mga mabubuting Pilipino. Ngayon mga pulis, kayo na bahala. Magbabantay lang ako mula sa ere.
Mga pulis: Sir yes sir!
(lumipad na si CN)
Led: Ma’am Merselisa, Ka Oliver, pasensya na. Kailangan namin dalhin ito si Boss Viktor sa ospital. Matindi yung pagkakakuryente sa kanya eh. Di pa nakakaget over eh. Namuti nga eh. Parang himala.
Ka Oliver: So ano gagawin namin?
Led: Di ko alam. Tara boys.
(umalis na ang grupo nila Viktor.)
Lisa: Oh well, I’m outta here.
Juicy: Wow English.
(umalis na din ang AMF Scouts)
Laki: Hay nako. Sayang naman nilakad natin.
Pinya: Oo nga eh. Mali-mali kasi desisyon ng lider natin eh.
Ka Oliver: Anong mali? Anong sayang? Itutuloy natin yung rally! Magrarally tayo!
Hepe ng pulisya: Mga parekoy, you did great today. Dahil dyan, bumalik na kayo sa stations nyo at merong libreng Jollibee Burger at Spaghetti! Mahal yun. Millions yun kaya go na.
Mga pulis: Sir thank you sir!
(nag-alisan na din ang mga pulis)
Soldier: Attention!
Colonel: Ladies, you did great! Get back to your barracks now!
Soldiers: Sir yes sir!
(umalis na din lahat ng sundalo at naisip na din umuwi ng mga ROTC. Wala nang nagbabantay sa Malacanang kung hindi ang mga guards at ang nakaharang na barricade)
Ka Oliver: Nagrarally kami dito!
(wala nang kasamang nakatayo si Ka Oliver. Nakaupo na sa tabi ang kanyang mga kasama. Nagkukwentuhan, tawanan, kumakain yung iba. Wala na ding media.)
Ka Oliver: Lumabas ka dyan Laura del Rosario! Nagrarally ako! Kinokondena ko ang mga ginawa mo!

(after ilang weeks, sa Grassa Wrap warehouse)
Viktor: Bwisit na Captain Nguso yan. Panira. Zalupa govno yebat. Matitikman din nya ang yelda ko.
Led: Now you’re talking Russian.
(may biglang pumasok sa warehouse nila.)
Scout 1: Ako nga pala si Scout master Santos. Pinadala ako dito ni Ma’am Lisa.
Viktor: O anong kelangan mo?
(may inabot na box yung scout at umalis)
Led: Wait, boss. Wag mo agad buksan. Baka bomba o baka pakana to ni Captain Nguso. Pabubuksan ko sa tauhan natin sa labas. Ken!
Ken: Yeah?
Led: Buksan mo to. Sa labas.
Ken: Okay.
(umalis si Ken at maya maya ay bumalik dala ang box. Bukas na ito. May laman itong CD na nakalagay ay Please watch at isang Cherry phone na parang calculator. Isinalang nila sa DVD player ang CD. Video ito. Lumabas ang logo ng AMF Scouts at lumabas si Merselisa at nagsalita.)
Merselisa: Hi comrade. Alam ko ngayon, galit na galit ka kay Captain Nguso. Pareho tayo. Kung ikaw lang, hindi mo kaya yan. You are a foreigner. Pero kung tayong dalawa, kayang kaya natin pabagsakin ang gobyerno at si Captain Nguso. I have a great army. Kung sasamahan pa ng pera mo, we’ll make the greatest army. If you are interested, you can call me gamit yung phone na iniwan namin. Just press 1. This CD will self destruct in 5 seconds.
(natapos ang 5 seconds at walang nangyari)
Viktor: Hindi natin kailangan ang tulong nila. Meron tayong great chemist at physicist. Pwede nating gamitin yun against this country.
Led: Pero boss may punto din si Merselisa eh.
Viktor: Wala kang karapatan magdesisyon. Tawagan mo yung chemist natin!
Led: Okay boss.
(tinawagan si Mrs. Pisikos)
Led: Hello?
Mrs. Pisikos (on phone): Hello?
Led: We have another job for you.
Mrs. Pisikos: Kung against the Philippines nanaman to, ayoko na. Di pa ko nakakatulog since nung araw na nalaman kong milyon milyon ang namatay sa ginawa kong crop poison.
Led: Well, wala kaming pakialam. You are paid here.
Mrs. Pisikos: Ayoko na. Gusto ko na magpakamatay.
*BANG*

isinulat ng EHS noong7:23 PM