Wednesday, June 15, 2011

Chapter XLVII: Partnerships


(naputol ang linya ni Mrs. Pisikos.)
Led: What the fuck. Nagpakamatay si Mrs. Pisikos.
Viktor: Walanghiyang yan. Ngayon, pano na tayo.

(Sa Ernst and Knowles faculty)
Lisa: STOP!!!
(yeah okay. Napigil ni Lisa ang pagpapakamatay ni Mrs. Pisikos. Ang tumunog ay ang pagdabog lamang ng pinto ni Mrs. Pisikos.)
Mrs. Pisikos: Di ko na kaya. (umiiyak)
Lisa: Bakit? Ikwento mo sa akin.
Mrs. Pisikos: Maraming magagalit sakin. Papatayin nila ako. Kahit ikaw, baka patayin mo rin ako.
Lisa: Bakit?
Mrs. Pisikos: I made the crop poison.
Lisa: Ha?
Mrs. Pisikos: Yung pumatay sa milyong milyong tao? Yung bigas… Si Viktor Grassa….
Lisa: Teka linawin mo.
Mrs. Pisikos: Binayaran ako ni Viktor ng malaking halaga ng pera. Sobrang laki. Para lang gumawa ng 5 mL na crop poison. Sabi nya, gagamitin daw yun para patayin ang mga crops. Hindi ko alam na inimprove nya siguro yun at pinarami kaya buong Pilipinas ang nasira ng crop poison na yun.
Lisa: Oh my God. You’re a killer. You’re a mass murderer. Pinatay mo ang kapwa Pilipino mo.
Mrs. Pisikos: Patawarin nyo kong lahat. Magpapakamatay na talaga ako.
Lisa: Hindi sapat yan. Kelangan mo pagdusahan ang hirap! Aminin mo yan sa korte.
Mrs. Pisikos: Magpapakamatay na lang ako!
Lisa: NO!
Mrs. Pisikos: Too late.
(uminom si Mrs. Pisikos ng isang buong beaker ng liquid. Wala pang 3 seconds, bumula ang bibig nya at natuyo siya. Naging abo na lang siya bigla at hinangin.)
Lisa: What kind of solution is that. Viktor Grassa, pagbabayaran mo to.

(sa Grassa Wrap Warehouse)
Viktor: Akin na nga yung cellphone!
(inabot ni Led ang cellphone. Pinindot nya ang 1. Nagconnect agad ito sa phone ni Lisa.)
Lisa: Hello? So ano naisip mo na?
Viktor: Anong gusto mong kapalit?
Lisa: Hmm., kulang ang maging presidente lang ng Ernst and Knowles University of the Philippines. Yun lang naman pangarap ko dati. Gawin mo kong kanang kamay.
Viktor: Sige deal.

(Sa Hong Kong, bahay nila Vincent)
Charles: So ano, dito na kayo magaaral?
Vincent: Ako oo.
Midas: Ako din siguro.
Christine: Saka ako na rin. Ikaw kuya wala kang balak lumipat?
Charles: Wala eh. Hangga’t walang potential threat sa Pilipinas, eh, mananatili ako dun. Kung magkaroon man, dun ako sa England. Andun mga magulang ko eh.
Midas: Yaman talaga.
Charles: So pano ba yan, uuwi na ko bukas ng Pilipinas. Baka after ilang years na tayo uli magkita kita. We are miles away eh.
Midas: Wala na nga akong balita kay Gee eh.
Charles: Oo nga eh. Buti pa si Bruno nakita ko pa eh.

(sa kalyeng kung saan saan)
Laki: Ilang araw na tayo naglalakad lakad dito!
Juicy: Oo nga! Wala ka bang plano san tayo pupunta?
Ka Oliver: Meron. Naghahanap tayo ng media.
Laki: Para ano?
Ka Oliver: Para mapansin tayo! Di na tayo makakauwi sa Sierra Madre. Wala na tayong pamasahe.
Pinya: E di magnakaw tayo!
Ka Oliver: Yan ka nanaman. Puro ka nakaw. Kaya ka naiinlove sa panadero eh.
Laki: Wala ngang personalan!
Ka Oliver: Okay fine. May idea ako.
Juicy: Ano?
Ka Oliver: Sasabihin natin na katapusan na ng mundo sa May 21.
Juicy: Tapos?
Ka Oliver: Mapapansin tayo nun!
Laki: Weh?
Ka Oliver: Oo sure. Sasakay tayo ng mga jeep, bus, saka tren. Tapos iaannounce natin na matatapos na ang mundo sa May 21. Ilang days from now.
Juicy: Maliban sa mapansin, ano pang makukuha natin benepisyo?
Ka Oliver: Hihingi tayo ng donasyon.
Juicy: Di natin magagawa yun. Ang grupo natin ay gusto ng reporma. Hindi tayo manghuhula.
(narinig ng isang evangelist “kuno” ang idea ni Ka Oliver. Kwinento nya ito sa kanyang ibang kasamahan at ginawan ng mathematical formula. Mukha nang totoo ang May 21, 2011, judgement day. At dun yun nagsimula.)

isinulat ng EHS noong6:57 PM