Thursday, June 16, 2011

Chapter XLVIII: AMF HQ Raid


(Sa Malacanang)
Laura: Tell me Captain Nguso, ano yung sinasabi mo about sa death ng agriculture secretary at ng presidente ng Ernst and Knowles?
CN: Ganito kasi yan Ms. President. Nabanggit sakin ng mga kaibigan ko-
Laura: Kaibigan? Sinong kaibigan? Tao ba sila? Superhero din-
CN: I mean informant. Okay. Nabanggit nila na napasok nila ang underground ng AMF HQ. They got the documents kung saan naroon kung kelan, paano at sino ang papatay sa targets. Numbers lang ng scout yung nandun so di nakakuha ng names. Tapos, sakto naman dun sa documents nila yung paraan nung pagpapakamatay nung targets especially si Agriculture secretary at Catalina Bartolome.
Laura: O bakit di nila iturn over sa pulis. O sayo?
CN: Kulang ang ebidensya nila. Sa ngayon, nabalitaan ko na ginapang na din ang bahay nitong mga informant ko at umalis na sila ng bansa.
Laura: Eh bakit di natin ipa-raid yung sinasabing underground?
CN: Good idea.

(Sa Camp Crame)
Hepe: Okay, ang makakalaban natin ay armed and very dangerous. We might be looking at a possible shoot-out. Ready?
Mga pulis: SIR YES SIR!

(Pinasok nila ang Ernst and Knowles. Pumunta agad sila sa HQ ng Ernst and Knowles. Walang high school students dahil bakasyon. Konti lang din ang college students. Nagulat ang mga tao sa loob ng HQ ng Ernst and Knowles)
Pulis 1: RAID! RAID! RAID!
Scout 1: Teka sir.
Pulis 2: Put your hands above your head. Drop your weapons!
Joe: Bolpen lang poh toh!
Pulis 3: Dapa! Dapa! Dapa!
(dumating ang presidente ng Ernst and Knowles at si Lisa)
Lisa: Teka teka anong kaguluhan to?
Dr. Victor Navy: Iseasearch daw nila ang headquarters nyo eh. Pero wag ganyan. Incoming 2nd year high school students lang ang tinututukan nyo ng baril.
Lisa: Okay search it!
Pulis 1: Scout boss room clear!
Pulis 2: Storage room clear!
Pulis 3: Office clear!
Pulis 4: Suspects clear!
Lisa: See?
CN: Wait wait wait. Check nyo uli yung storage room. May makikita kayong keypad dyan.
Pulis 2: Wala sir.
CN: Nandito lang yun. Somewhere. Okay. Butasan itong ground na to. Kahit anong mangyari di nila maliligpit yun.
Dr. Victor: But-
CN: Okay. I’ll do it.
(tinuro ng pointing finger ni CN ang sahig. May laser ito. Gumawa siya ng bilog na kasinlaki ng tao. Pagkagawa nya ng bilog, tinapakan nya ito at nalaglag ito. May nakita silang underground.)
Pulis 2: Meron nga.
CN: So? Ano pang hinihintay nyo? Pasukin nyo na yan.
(kumuha ng rope ang mga pulis at bumaba sa underground. Wala namang tao doon. Pero may nakita silang “parang rooms” pero sabog na ito. Wala na yung mga dating rooms na nakita nila Charles, Midas at Vincent. Ruins nalang ang natira. Wala ding basyo ng bala pero merong mga butas ang mga wall pero di ito nakita ng mga pulis.)
Pulis 1: This is an underground pero walang something na kakaiba.
Lisa: Maybe it’s of historical value. Baka ginamit yan ng mga Pilipino noong unang panahon.
Dr. Victor Navy: Alam mo ba to Lisa?
Lisa: No idea. Binigay lang sa akin itong HQ na to ng principal namin. Kakatatag pa lang ng AMF.
(umakyat na uli ang mga pulis)
Pulis 2: Isasara muna namin itong headquarters nyo. Sa iba muna kayo mag office. Aalamin lang namin itong underground na ito.
Lisa: Sure.
Pulis 2: Thanks ma’am. Pakilagyan naman ng police line dito.
Pulis 1: Okay.
Pulis 2: Tapos iimbitahan ka sana namin Ms. Lisa Flores. Magsosorry lang kami.
Lisa: Sure no problem.
Pulis 3: Salamat na din pala Captain Nguso sa ancient secret na tinuro mo.
(hindi nagsalita si Captain Nguso. Nagtaka siya paano nawala ang sinabi nila Midas sa kanya. Naisip nya tuloy na baka talkshit lang ang mga yun at gumagawa lang ng kwento.)
CN: Aalis na ko.
(lumipad na papalayo si Captain Nguso at umalis na din ang mga pulis kasama si Lisa at bumalik na sa opisina and presidente ng Ernst and Knowles)
Scout 1: Good work scouts.
Scout 2: That was close.
Scout 1: Nakahanda na nga baril ko if in case eh.
Joe: Ang pogi nung pulis kaninah.

isinulat ng EHS noong7:16 PM