Wednesday, June 1, 2011

Chapter XXXIII: State of Emergency


(Sa bahay nila Midas)
Midas: Talaga dito sila Christine?
Magulang ni Midas: Oo. Dito muna sila. Nagkakagulo kasi ngayon sa buong Pilipinas at tingin nila ito yung safest place na pwede nilang puntahan.
Midas: AYOS!
Vincent: Pare, 17 million na yung namatay na tao. May ilang naka survive. Pero iilan lang sila. Marami rin kaming kamag-anak ang namatay.
Midas: Condolence pare. Grabe. Dinadagdagan pa kasi ng mga galit na tao ang mga patay. Imbis na magkaisa. Pinapatay nila yung mga magsasaka. Pinapatay nila yung mga rice dealers, mga may ari ng kainan. Dapat magkaisa tayo sa ganitong problema. Ngayon, inaattempt naman nila sunugin yung Department of Agriculture at Malacanang.
Vincent: Teka pare, pakinggan natin yung sinasabi ng presidente
(on TV) Laura: Ang ating bansa ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Sa pinakahuling tala, umabot na sa 38 million ang taong namamatay. Almost half ng populasyon ng bansa. Lahat tayo ay namatayan. Lahat tayo ay nawalan. Dahil lahat tayo ay kumakain ng kanin. Pero sana sa panahong ito, wag tayo magaway-away. Magkaisa tayo para hanapin kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng ganito karaming tao. Sinasabi na ang mga bigas lang mula sa Pilipinas ang nakalason sa mga namatay. Ang mga imported rice natin mula sa Viet Nam at Thailand ay hindi nakakalason. Pero mahirap makasiguro. Pinagbabawal muna sa ngayon ang pagkain ng kanin. Isa pa, nagdedeclare ako ng state of emergency sa bansa natin. Sino mang makitang may dalang armas o nanggugulo ay ikukulong agad agad.Magkaisa tayo. Wag tayo magsisihan.

(Sa Malacanang)
Eileen: Sabi ko sayo, Ms. President. Ikaw lang ayaw maniwala eh.
Laura: Wag na tayo magsisihan. Hindi mo ba naiintindihan yun?

(Sa Sierra Madre)
Laki: Bumaba tayo at tumulong sa mga taong namatayan!
Ka Oliver: Wag na. Pinagpala tayo at puro Grassa Wrap lang ang kinain natin. Saved ang pamilya natin mula sa epidemya. Nagkakagulo ngayon sa kapatagan. Napakadelikado.
Pinya: Hindi kaya yung sinasabing binigay satin na “fertilizer” eh lason?
Ka Oliver: Ano ka ba? Fertilizer yun. Pampataba ng lupa.
Pinya: Pero namatay ang mga tao sa pagkain ng kanin. Tapos ilang lingo ang nakakaraan, naglagay tayo ng fertilizer.
Ka Oliver: AHH! Di tayo may gawa nyan!

(Sa Siomai COCK Main Branch)
Led: Namimigay po kami ng libreng siomai.
Berlin: Tulong na rin po sa mga namatayan.

(lumapag na ang eroplano ni Bruno sa Pilipinas. Pumunta siyang CR at nagtransform na Captain Nguso. Umuwi siya agad ng bahay)
CN: Tay?
Mr. Andres: Oh anak.
CN: Tay, buti di kayo nagkanin?
Mr. Andres: Nagkanin ako. Pero yun ata yung mga imported galing Thailand. Anak, ikaw nga talaga si Captain Nguso.
CN: Ako nga tay. Sige. Madami pa kong dapat tulungan.
(lumipad si Captain Nguso papuntang Malacanang)

CN: Mga tao, wag nyo sunugin ito.
Taong bayan: Pero walang ginagawa ang pangulo natin! Nagdeclare pa siya ng state of emergency.
CN: Kapag lumapit kayo, mapipilitan ang mga sundalo na paputukin ang mga baril nila. Mamamatay kayo.
Taong Bayan: Okay lang! Wala na din naman lahat sa amin!
CN: Andyan ka pa. Andyan pa yung buhay mo. Maari ka pang magsimula uli.
Taong Bayan: Di rin! Sunugin!
CN: Electro-Push!
(Natulak lahat ng tao papalayo ng Malacanang.)
Taong bayan: Hindi ka makatao!
CN: Makabayan ako engot. Iniisip ko ang kapakanan ng bayan. Iniisip nyo lang kasi ang mga sarili nyo. Iniisip nyo lang yung paghihiganti. Oo masisisi natin ang gobyerno bakit nakalusot ang bigas na may lason. Pero hindi ba dapat magisip muna tayo sino ba ang may pakana nito? Posibleng may lumason sa mga pananim ng mga magsasakang pinagpapatay nyo. Di nyo ba naisip na hindi naman nila alam na may lason ang tinanim nila? Hindi nyo ba naisip na ilang taon nagpoprovide yang mga magsasakang yan ng kinakain natin? Tapos ngayon, dahil sa isang sala na hindi nila ginawa, pinagpapatay nyo sila. Inulila nyo ang mga bata. Hindi ba’t lahat ng Pilipino ngayon ay namatayan? Bakit napakamakasarili nyo?
Vincent: Oo nga naman.
CN: Vince- Sino ka?
Vincent: Hindi na mahalaga yun. Wag natin usigin ang mga businessman. Wala silang kasalanan.
CN: At wag nating pagbintangan ang kung sino man. Hindi pa natin kilala o hindi pa natin alam ang tunay na nangyari.
Vincent: Oo nga naman.

isinulat ng EHS noong3:46 PM