Thursday, June 2, 2011

Chapter XXXIV: Lonely New Year


(namigay ang gobyerno ng mga tinapay at canned goods. Dumating na din ang USAID, UN, at kung ano anong NGO sa Pilipinas. Tumulong na din sila sa mga namatayan. Si Captain Nguso ay busyng busy din sa pagdadala ng relief goods sa malalayong lugar. Wala nang bigas sa Pilipinas. Bumaba ang presyo ng bigas at naging 5 centavos per kilo na lang. Nagmahal naman ang harina at maging ang iba pang bilihin na pamalit sa bigas katulad ng mais. Umabot sa 43 million ang namatay sa epidemya. Banned din ang bigas sa buong mundo dahil natatakot sila. 2 days nalang bago dumating ang 2011.)

(sa bahay nila Bruno)
Bruno: Hello?
(on phone): Hello Bruno! You got to return in America today. Your concert is coming up.
Bruno: I can’t. My country’s in trouble.
(on phone): oh yeah? Well find your own job in your stupid country.
(binagsak nung kausap nya ang telepono)
Bruno: Stupid pala ah.

(Sa Grassa Wrap warehouse)
Viktor: Well, lumaki ang sales natin.
Vince: Boss, anong susunod na gagawin natin? Nakapatay na tayo ng napakaraming Pilipino.
Viktor: Well, dahan dahan ito. Pagpasok ng 2012, kelangan, ako na ang maging leader ng bansa.
Vince: 1 year pa?
Viktor: Ganun na nga.
Vince: Ang tagal naman nun. 2011 palang ang papasok na taon.
Viktor: Kailangan maka-posisyon muna ako. Gagawin ko yun ngayong 2011. Kailangan magalit ang tao sa presidente at ako ang ipalit.
Vince: Eh anong silbi ng paglason natin sa milyon-milyong tao?
Viktor: Bawas populasyon. Isa pa, galit ang mga tao sa pamahalaan.

(Sa Ernst and Knowles)
Lisa: Starting this 2011, open na ang AMF Scouts para sa lahat ng Pilipino. Magkakaroon tayo ng chapters sa bawat probinsya. Ginagawa natin ito para kundenahin at itama ang mali ng ating pamahalaan!
Scouts: MABUHAY!

(December 31, 2010, 11:58:39)
(sa bahay nila Midas)
Vincent: Pare ang lungkot.
Midas: Nakokonsensya nga ako sa ginawa ko kay Gee eh. Ano kumusta na pamilya mo?
Vincent: Nasa Hong Kong sila ngayon. Pinapasunod nila ako.
Midas: O bakit ayaw mo sumunod?
Vincent: Susunod din ako dun. Tatapusin ko lang yung 1st year ko sa Ernst and Knowles.
Midas: Magkakahiwa-hiwalay na talaga tayo. Si Charles nga, walang balita kung buhay pa eh.
Vincent: Bakit di natin itanong kay Mr. Gonzalvo mula sa Ernst and Knowles yung address nya? Tapos puntahan natin?
Midas: Oo nga no. Bakit ngayon lang natin naisip yan? Sige, pagresume ng classes, puntahan natin.
(dumating si Christine)
Christine: Happy New Year po mga kuya.
Vincent: Happy New year din Christine.
Midas: Yeah. Kiss nga.
Christine: Kung ano mang nangyari ngayong taon na to, ipagdasal na lang natin na wag na maulit this 2011.

(walang putukan. Walang maingay. Walang party party sa kalsada at walang mga countdown. Parang hindi new year. Yung iba, nagcelebrate sa kani-kanilang bahay, pero yung iba hindi. Puro kalungkutan lang.)

(sa bahay nila Bruno)
Mr. Andres: Happy New Year anak.
Bruno: Happy New year din tay. Wala na kong manager sa Amerika. Baka di na din ako makabalik dun.
Mr. Andres: Hayaan mo na anak. At least, nagmalasakit ka sa bansa mo. Hindi nila maiintindihan yun dahil hindi naman sila tinamaan ng ganitong problema. Para sa kanila, 9/11 bombing na ang pinakamalupit na nangyari sa buong mundo. Samantalang marami pang part ng mundo ang namatayan ng milyon milyon dahil sa kaguluhan.
Bruno: Oo nga tay. Sana makasama na natin si Nanay.

(Sa Grassa Wrap warehouse)
Led: Ang saya ni Bossing Vik ah.
Vince: Oo nga eh. Siya nga lang nagpaparty party sa kwarto nya ngayon eh. Nagpakuha ng mga babae eh.
Berlin: Hindi naman kasi siya namatayan eh.
Vince: Pre, wag tayo magreklamo.
Berlin: Pero pare, bansa natin yung ginanito nya. Bakit tayo pumayag?
Led: Dahil siguro sa pera. At pangako nya ng kapangyarihan after 1 year.
(Sa kwarto ni Viktor)
Viktor: Ayos. Andami nyong babae. Umupo kayo sa kama. Lalagyan ko kayo ng make up at aayusan ko kayo. Matagal ko nang pangarap toh!!!

isinulat ng EHS noong8:40 PM