Tuesday, June 7, 2011

Chapter XXXIX: AMF HQ Secrets


(sa Ernst and Knowles. Bumalik na ang bus mula sa Katipunan. Pagod ang lahat. Pinauwi na sila ni Lisa)
Christine: Tara insan, sabay na tayo.
(dumaan yung scout na nanguryente noon kay Gee Tiningnan ng masama si Midas at naglakad)
Midas: Teka lang.
Christine: Insan! Wag mo nga anuhin yan. Officer yan.
Midas: Eh bakit. Officer ka din naman ah. Mas mataas ka sa kanya. Anong karapatan nya manguryente.
(sinundan nila yung lalake. Pumasok ito ng headquarters)
Christine: Oops. Bawal pumasok sa loob.
Midas: Eh?
Christine: Nasa kautusan yun.
Midas: Di ko nabasa.
Christine: Well ngayon alam mo na.
Midas: Oh well, kasama kita. Pinapasok mo ko at may gagawin tayo. Hehe.
Christine: Hindi nga-
(pero huli na. Pumasok na si Midas. Walang nagawa si Christine kundi pumasok na din.)
Midas: Dun tayo sa storage.
Christine: HINDI NGA PWEDE. Lumabas na tayo.
(binuksan ni Midas ang storage room. May nakita siyang kakaiba.)
Midas: Christine, tingnan mo to.
(nakita nila ang isang part ng wall na bukas. Meron itong number pad. At may ilaw.)
Christine: Hindi ko alam to. Pero this is off limits for you.
Midas: Well, okay, let’s go home.

(Sa bahay nila Midas)
Midas: Pare, feeling ko may something na kakaiba dun sa storage eh. Feeling ko di lang basta storage yun eh.
Vincent: Ha?
(may bumusina sa tapat ng bahay nila Midas. Sinilip nya ito. Yung Chrysler 300 ni Charles at bumaba si Charles mula sa kotse)
Vincent: Nagparamdam din!
Christine: Hi po.
Midas: Oh buti napadalaw ka. Wala man lang bang pagkain?
(tiningnan ng masama ni Charles si Midas)
Midas: Okay joke. Tara roofdeck.
(umakyat sila sa roof deck. Bumalik na sa kwarto nya si Christine)
Midas: Well ito, may kinukwento ako eh. Tungkol sa something fishy sa AMF HQ.
Vincent: So whatcha say, gagapangin uli natin ngayong gabi?
Charles: Uli?
Midas: Oo. Pinasok namin dati ang registrar’s para makuha ang records mo.
Charles: Kaya pala eh. Sige sama ako sa mission nyo ngayon.
Midas: Ayos! Kontakin natin yung lock expert.

(Sa Ernst and Knowles)
Midas: See? May something weird na nagaganap. Tingnan mo. Binabantayan ngayon ng roving scouts ang HQ. Pare 1st years lang yan! Pero bakit sila nagtatrabaho overtime. Pano sila pinapayagan. May mga scouts pa na nakatayo sa may HQ. Higpit ng security.
Charles: So pano tayo makakapasok?
Vincent: Well, di ko alam. Ang daming nagbabantay eh.
Charles: Di ba bawal na ang estudyante ng ganitong oras? Magkunwari tayong guards then pauwiin natin tong mga to.
Midas: Good idea! Pero kilala nila ako at namumukhaan nila.
Charles: Then, let’s call a real guard.
(tumawag sila sa guard house at nagreport. Maya maya may dumating na mga guards. Pinagalitan ang mga scouts at walang nagawa ang mga scouts kundi umuwi. Ni-lock nila ang HQ at umalis)
Midas: Nice plan. Okay. Let’s go.
(ni-lock pick nila yung lock. Nagbukas ang pinto.)
Charles: Wait.
Vincent: Why?
Charles: May nagbiblink na red light oh. Maliit siya para makita natin.
Midas: Oo nga no. Ano to security feature? Bakit walang sound?
Charles: Pwedeng nagaalarm to sa main frame nila. Security breach. Pero dito sa labas, wala lang. Search for cameras. Or weird looking objects na pwedeng paglagyan ng cameras. Like mirrors.
Midas: Madaming mirrors dito pre.
Charles: Pinapanood lang nila tayo ngayon.
Midas: So anong gagawin natin?
Charles: Umuwi. Possibly, nakunan na nila ang mukha natin. Bukas Midas, kabitan mo ng camera ang isang officer ng AMF. Maliban kay Christine siyempre. Siya yung magdadala sa atin sa sikreto nila.
Vincent: Bakit di na natin ituloy total andito na din naman tayo?
Midas: Tingin ko nga.
Charles: Sige bahala na.
Lock expert: Uwi na ko sir.
Midas: Dito tayo sa storage. Dito ko nakita ang sikreto eh.
(binuksan ni Midas ang pinto. Naitapak nya ang isa nyang paa at hinila siya ni Charles agad)

isinulat ng EHS noong7:59 PM