Saturday, June 4, 2011

Chapter XXXVI: de Luna Manor


(sa Guard house ng White plains,hinarang ang sasakyan nila Midas)
Guard: Sir, di po kayo pwede pumasok.
Midas: Kaibigan kami ni Charles de Luna.
Guard: Tatawagan po namin muna yung address na sinasabi nyo kung kilala nya kayo.
Midas: Fine.
(umalis yung gwardya. Maya maya bumalik ito)
Guard: Di daw po kayo kilala ni Mr. de Luna.
Midas: What the- Teka brad. Galing kaming Ernst and Knowles High School. Ito nga yung records nya oh.
Guard: Sorry sir. Di talaga pwede.
Guard 2: Hoy Boy!
Guard: O?
Guard 2: May tawag ka. Galing kanila Mr. de Luna.
Guard: Wait lang sir.
(umalis uli yung guard. Matagal siya nakipag-usap. Bumalik din siya maya-maya)
Guard: Sir okay na. Dumaan kasi yung mga bodyguards nila kanina. Namukhaan ka daw. Babalik sila para ituro yung bahay.
Midas: Cool.
(dumating yung Chrysler 300 na itim. Yung parehong kotse na nakita nila Midas at Vincent nung kuhanan nung card. Bumaba yung lalakeng naka polo. Yung nakita nilang kumuha ng card ni Charles)
Bodyguard: Sunod nalang kayo sakin.
Midas: Okay. Manong, sundan mo yung kotseng yun.
Driver: Okay boss.
(nagconvoy na sila papunta sa bahay nila Charles. Nakarating sila sa Kingsville St. Malalaki ang bahay. Mala-palasyo sa laki. Tumigil sila sa tapat ng pinaka-malaking bahay sa lahat. Old English manor ang style ng bahay. May malawak na garden sa harap at bahay na parang palasyo. Sobrang laki nito.)
Bodyguard: Welcome sa de Luna Manor. Pasok tayo.

(pumasok sila sa loob. European style yung bahay. Dumiretso sila sa guest lounge.)
Midas: Nandito si Charles?
Bodyguard: Currently, wala ang de Luna family ngayon dito. Wait lang, ikukuha ko lang kayo ng maiinom. Sabihan ko lang yung butler.
(umalis yung bodyguard)
Midas: Hoy magsalita kayo.
Bruno: Pare, dito nalang ako magtatrabaho. Sa pelikula ko lang nakikita to eh.
Vincent: Pare, CR lang nila ang bahay nyo.
Midas: Oo nga eh.
(bumalik ang bodyguard)
Bodyguard: Darating na maya maya ang drinks. Well, wala si Mr. de Luna.
Midas: Eh bakit sabi nung guard-
Bodyguard: Ah.. Meron kaming sariling camera sa guard house. Hindi alam ng guards yun. Ako yung Mr. de Luna kunwari. Ayaw kasi nila malaman na wala sila. Pero namukhaan kita. At since kaibigan naman kayo ni Charles eh sinabi ko na. Wag nyo lang sasabihin sa iba.
Midas: Eh nasaan sila?
Bodyguard: Nasa England sila ngayon. Di namin alam kung dun na sila titira or what. Sa ngayon, mga household lang ang nandito sa bahay. Wala ring kasiguruhan kung kelan sila babalik.
Midas: Bakit sila nandun?
Bodyguard: Sila lang nakakaalam nun actually.
Vincent: Sayang punta pre.
Midas: Hindi. Okay lang. at least nalaman natin. Wait, wala bang namatay dito sa household dahil dun sa epidemic?
Bodyguard: Luckily, wala. Galing kasi sa Japan yung rice namin eh. Pero yung ibang kamag-anak namin, namatay.
Midas: Sige. Uuwi nalang din kami. Salamat. Di kasi kami kinokontak ni Charles kaya nagaalala na kami eh.
Bodyguard: Mag stay na kayo for lunch. Malungkot dito eh. Kami kami lang nandito. Eh ngayon may bagong mukha, so maghahanda kami ng masarap na pagkain.
Bruno: Ayos pre!

(sa Malacanang)
Eileen: Madame may nakikita akong di maganda. Merong isang leader ng black supremacist ang magrarally sa inyo. Makukuha nya ang mga tao at possible kayong maalis sa posisyon.
Laura: Naniniwala ako sayo. Pano ko kaya mapipigilan to?
Eileen: Kelangan mong maging malapit sa tao. Kailangan mawala ang galit nila. Kasi kung hindi, maghahari itong black supremacist na to.
Laura: Wala namang black rights movement sa Pilipinas ah.
Eileen: Hindi siya Pilipino.
Laura: Oh my God. Napakaraming pumasok na African sa atin nuong nakaraang taon.
Eileen: Meron pa kong nakikita.
Laura: Ano yun?
Eileen: Everything will disappear.
Laura: Ha?
Eileen: Mawawala ang lahat.
Laura: What do you mean?
Eileen: Malapit na.

isinulat ng EHS noong9:46 PM