Saturday, June 4, 2011

Chapter XXXVII: Oust del Rosario


(after ilang months)
Viktor: She killed our family! She killed everything!
Led: Kapabayaan nya bakit tayo naghihirap at nalulungkot ngayon!
Taong bayan: Oo nga!
Viktor: Ako hindi ako Pilipino. Pero sa isang taon kong paninirahan sa Pilipinas, natutunan kong mahalin ang bansang ito. Natuto ako mag-tagalog sa loob ng ilang araw. Natutunan ko ang gusto ninyo. Gusto nyo ng shawarma at siomai di ba?
Taong bayan: OO!
Viktor: Hinayaan ng pangulo ninyo mangyari ito!
Taong bayan: Oo nga naman!

(Sa Sierra Madre)
Ka Oliver: Mga kapatid, may balita ako. Balak ko umanib sa grupo ni Viktor Grassa.
Laki: Bakit naman?
Ka Oliver: Mas makikilala ang ating samahan. Mas maipalalaganap natin ang ating pilosopiya.
Juicy: Wag ka na.
Ka Oliver: Bababa ako at pupunta ng Maynila at makikipagusap kay Viktor Grassa.

(sa mga TV)
Laura: Bakit tayo maniniwala sa isang foreigner? Bakit di tayo magtulungan? Mga Pilipino tayo. Ilang daang taon tayo nasakop ng mga foreigner na yan? Bakit tayo magpapauto ngayon sa isang foreigner nanaman?

(Sa Ernst and Knowles)
Lisa: Wushoo. Wag ka na. Wala ka naman nagawa para pigilan ang pagkalason ng napakaraming tao. AMF Scouts supports Viktor Grassa!
Pisikos: Oh no. This is not good.

(Sa Grassa Wrap Warehouse)
Led: Boss, madami nang aktibista ang kaanib natin ngayon. Okay sa kanila, ikaw yung maging lider.
Viktor: Ganito ang birada natin dyan. Palalabasin natin na lahat ng aanib sa akin ay magiging leader. Shared leadership kumbaga. Pero in the end, ako lang ang boss at lahat sila ay tagasunod ko lang.
Led: Nice plan boss.
(pumasok bigla si Mrs. Pisikos)
Pisikos: Hindi to maganda Viktor.
Viktor: Ang ating Killer Chemist!
Pisikos: Hindi mo makukuha ang bansa namin. Nandito pa si Captain Nguso.
Viktor: Well, screw Captain Nguso. Supporter siya ni Laura del Rosario. Pare-pareho lang silang walang nagawa.
Pisikos: Ikaw? May nagawa ka ba? Ikaw nga pumatay sa mga tao eh! Pag nalaman nila to-
Viktor: Sasabihin ko na ikaw ang gumawa. Ikaw naman talaga di ba? Gusto mo ko ilaglag? Mauuna ka.
Pisikos: Matatalo ka din ni Captain Nguso.
Viktor: Captain Nguso is a super hero. But he is not God.
Pisikos: Bakit diyos ka ba?
Viktor: I’m not. Pero sa mata ng mga tao, diyos ako.

(sa bahay nila Midas)
Christine: Sumuporta na ang AMF Scouts kay Grassa. Ayoko pa naman dun.
Midas: Ako din eh.
Vincent: Sabi sa inyo eh. Noon pa umalis na kayo. O Christine, asan si Charles ngayon?
Christine: Desisyon ko rin yun. Madami din naman kasing nagawang mabuti ang AMF eh. Nagkamali lang ng desisyon si Ma’am Merselisa ngayon.
Midas: Ako din eh. Madami kasing magaganda dun. Magagandang projects. Hehe.

(sa Grassa Wrap Warehouse)
Berlin: Boss, may leader ng isang samahan ang gustong kumausap sa inyo.
Viktor: Papasukin mo.
Ka Oliver: Parang natatandaan kita.
Viktor: Ano kailangan mo.
Ka Oliver: Di mo ko natatandaan?
Viktor: Hindi.
Ka Oliver: Tinulak nyo ko dati papalabas nitong warehouse na to. Pinagtatawanan nyo ko nung pinakita ko yung talents ko. Ngayon may sarili na din akong grupo.
Viktor: Teka, maghihiganti ka ba sa amin?
(nagtawanan ang mga tauhan ni Viktor)
Ka Oliver: Hindi. Gusto namin umanib sa pinaglalaban nyo.
Viktor: Ganun ba? Ano bang pangalan ng grupo nyo?
Ka Oliver: Di Iisahan ang Community at Kayo.
Viktor: Di ko kilala yun. Pero sige. Everyone is welcome naman eh.
Ka Oliver: Wala bang fifill-up-an or something?
Viktor: Wala. Sa April 23, 7 a.m., magkita kita tayo sa Quezon City Circle. Duon tayo magsisimula magrally. Dalhin mo ang grupo nyo. Maghanap ka din ng pwede pang maisama sa rally. Kailangan maipakita natin ang pwersa natin.

isinulat ng EHS noong9:46 PM