Monday, June 6, 2011

Chapter XXXVIII: Friar University of Central Katipunan


(sa Ernst and Knowles)
Christine: All right scouts, merong kautusan tayong natanggap mula kay Boss Merselisa Flores. Magkakaroon ng recruiting sa Katipunan today. Madami kasing schools dun. So sino ang sasama?
Midas: ME!
Christine: Di ba may class ka?
Midas: Walang nagclass ngayon eh!
Christine: Okay, sige, pumila na lang ang mga sasama at mag sign up.

(dumating na ang bus ng AMF Scouts. Sumama din si Lisa sa bus. Pumunta na itong Katipunan. Pagdating sa Katipunan…)
Christine: Ma’am, naiset up na po lahat.
Lisa: Mga kababayan! Ang AMF Scouts ay open na para sa lahat. Kahit sino pwede!  Mag sign lang kayo dito at magaudition! Don’t miss the chance to fight for your right and your country!
(may pumilang konti)
Midas: Mamamasyal lang ako sa Katipunan ah.
Scout: Hoy bawal.
Midas: Okay. (maya maya tumakas din siya)
(habang naglalakad sa Katipunan)
Midas: Ayos. Sosyal ng mga school dito ah. Pang-mayaman. Pero teka. Ito pinakamalupit. Friar University of Central Katipunan. Makapasok nga.
Guard: Sir, ID?
Midas: Ito. (pinakita ang Ernst and Knowles ID nya)
Guard: Visitors po sa gate 3.
Midas: Saan yun?
Guard: Dun lang.
(naglakad si Midas at nakarating ng Gate 3)
Guard: ID?
(inabot ang Ernst and Knowles ID)
Guard: Research? Library? O ano?
Midas: (f*ck ano.) Ahh, research.
Guard: Okay. Diretso lang kayo. Andun yung Research Institute namin.
Midas: Ah. Okay. Thanks.
(pumasok si Midas. Malaking school ang Friar University. Madaming magagandang babae. Sosyal din ang buildings at facility)
Midas: Brod may Siomai Cock ba dito?
Guard: Ah wala eh. Grassa Wrap meron. Sa may carpark.
Midas: Sige thanks.
(naglakad papunta ng carpark si Midas. Nakita nya ang Grassa Wrap Shawarma)
Midas: Isa nga po.
Tindera: Buti nagka-customer na tayo.
(Maya maya may nagpark na BMW Z3 sa carpark. Lumabas ang isang estudyanteng lalaki. Kilala nya yung estudyanteng yun. Si Charles yun.)
Midas: What the- Akala ko ba nasa-
Tindera: Eto na boy oh.
Midas: Teka.
(tinakbo nya si Charles)
Midas: HOY CHARLES!
(lumingon ang lalake. Si Charles nga.)
Midas: HOY! Kala ko ba nasa England kayo? Saka bakit di ka man lang nagpaparamdam pre?
Charles: Oh. Oo nga. Nasa England nga mga magulang ko.
Midas: Pumunta kami sa bahay mo!
Charles: Ahh. Kelan?
Midas: Nung isang araw. Di ba nasabi sayo?
Charles: Sinabi nga. May dumating daw.
Midas: Pre ano bang problema? Parang lumalayo ka ah? Noon ka pa ganyan ah.
Charles: Hahahaha. Di ako lumalayo. Nawawala lang contact number ko sa inyo at di ko alam san kayo hahanapin.
Midas: Reasons. Tss..
Charles: Okay. Hindi totoo yun.
Midas: O bakit ka nga lumalayo?
Charles: Di pwede sabihin pasensya.
Midas: T*ng inang yan.
Charles: Okay okay. Just keep your mouth shut okay? Nakuha ko yung 1 billion pesos ng lotto.
Midas: WEH?
Charles: Seryoso. Nung grad pictorial natin, nung uwian, naisip ko dumaan sa lotto outlet. And then, kinabukasan, I just knew na nanalo ang ticket ko.
Midas: Kaya pala eh. Di ka naman namin hihingian eh.
Charles: Ulul. Haha.
Midas: Pero bakit ang address na nasa record mo sa registrar eh yung sa White Plains? Eh di noon pa kayo mayaman?
Charles: Ah no. Pinapalitan ko yun before graduation.
Midas: Libre naman.
Charles: Well sadly, wala kang maasahan sa amin. Ginamit na namin ang 150 million pesos at yung natitira ay nilagay sa bangko.
Midas: T*ng inang yan.
Charles: Wag ka maingay, ipababaril kita. Sige na, malalate na ko.
Midas: Dalaw ka naman sa bahay! Di ko ipagkakalat.

isinulat ng EHS noong3:54 PM