Friday, June 24, 2011

Epilogue


By 6 a.m., Philippine Standard Time, December 22, 2012, lumubog na ang Pilipinas. Walang natirang buhay. Lumubog na din ang ibang mga bansa. Yung iba naman, tinunaw ng lumabas na magma at lava mula sa mantle ng mundo. Sa lakas kasi ng pagsabog, nabutas ang mga ocean floor at ang crust at lumabas ito. May ilang lupa pa na natira sa mundo, pero wala nang natirang buhay. Karamihan ay nilamon ng tubig. Kahit mga eroplanong lumipad ay nagcrash. Walang survivors sa pagsabog. Nuclear explosion kasi kaya kahit mabuhay ka, eventually, mamamatay ka rin. Ito ang prediction na hindi napaghandaan dahil gawa din ng tao ang pagkawasak ng mundo.

As for Captain Nguso, he died. Pero ang wire ay nanatiling buhay. Nagbalik siya sa katauhan nya bilang Bruno matapos siyang madaganan ng truck at mamatay. Nalaglag mula sa kamay nya ang wire at probably ay nasa pinakailalim na ng ocean.


Meanwhile, sa planeta na pinanggalingan ng wire ni Captain Nguso, ang Mevearmajusaurneplu, nakita ni Haring Toyuge ang pagsabog. Siya ang pumatay nuon sa tatay ni Captain Nguso, si King Nebuchadnessaq. Nakuha nya ang kaharian. Kaso lang, may mga tao pa rin na di naniniwala sa kanyang kapangyarihan. Ang ilang anak ni King Nebuchadnessaq ay gusto siyang palayasin sa pwesto. Isang paraan lang para makuha nya ang loob ng mga tao at matakot sa kanyang kapangyarihan. Kelangan nya makuha ang wire.

isinulat ng EHS noong7:27 PM